Chapter Six

152 3 0
                                    

Park Jimin POV

Napag-alaman kong itinuloy pa rin pala ni baekhyun ang balak niyang panliligaw para sa kaibigan ko. Hindi ko naman hawak ang puso at isip ni Jhope para sa ganoong mga bagay. Syempre sino ba naman ako para pigilan ang puso niya kung may gusto din siya para sa mayabang at babaerong yun.
Aish!
Ano bang gagawin ko?

"Huwag kang mag-alala sa 'kin dahil kaya ko na ang sarili ko para sa ganyang mga bagay chim! Isa pa hindi siya ang type ko."

Iyon ang nakatatak sa isip ko nitong mga nakaraang araw, pagkatapos naming mag-usap ni Jhope sa cellphone. Hindi ko alam kung bakit nababahala ako para sa kanya. Pagdating kasi kay baekhyun ay subrang galing nitong mambula sa mga taong iniibig nito. Ayukong sa ikalawang pagkakataon masasaktan na naman si Jhope dahil lang sa maling tao.

"Park Jimin?"

Mabilis akong napalingon kay Ma'am Ashley pagkatapos ay sa mga kapwa ko student. Nakatuon ang buo nilang atensiyon sa akin.
Bakit ano bang meron?

"Are you sick? Wala ka yata sa sarili mo!"

Aniya. Napahaplos naman ako sa sarili kong noo at leeg.
Hindi naman ako nilalagnat ah,.

"Sorry po, Ma'am."

Sagot ko sa kanya. tumango naman siya siya.

"Better to pay attention on my class. Kahit sino sa inyo ay hindi pwedeng kung saan-saan lumilipad ang sariling mga utak."

Saad  niya sabay buntong-hininga.
Nakakahiya tuloy!.
Ilang subject ang Dumaan na wala si Jhope. Hindi ko naman siya matext ko matawagan man lang dahil wala akong load.
Imbes na magmumukmok ako dahil wala akong kasama ay sa library ako dinala ng mga paa ko, Kailangan ko lang ng kunting ri-search.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng isang dictionary book ng may marinig akong nag-uusap Mula sa kabilang likuran ng mga libro.
Hindi ako shismoso, sadyang curious lang ako.

"Hindi ko lang alam kung sila na nga ni Taehyung."

Panimula ng isa. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy o tungkol saan ang pinag-uusapan nila kaya mas lalo pa akong na-curious. Minsan ay aktibo talaga ang utak ko pagdating kay Taehyung.

"Alam mo hindi maglalakas ng loob si Jungkook na ligawan si Tae-tae kung hindi niya ito gusto."

Anong sabi?

"You mean nanliligaw pa lang si Jungkook kay Taehyung?"

Mabilis akong Napaupo ng Lumingon silang dalawa sa direksyon ko. Mabuti nalang at hindi nila ako nakita. Kundi lagot na.

"Oo totoong nililigawan ni Jeikei si Kim Taehyung. Iyon ang dinig ko kanina."

"Sabagay bagay silang dalawa. Perfect match!"

"Sinabi mo pa!"

Ansabi?

Matagal akong napatitig sa mga libro na nasa harapan ko. Tuliro ako at hindi makapag-isip ng maayos dahil sa mga narinig ko. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay hindi ko masyadong naaabutan si JK sa labas ng University tuwing uwian. Maging sa canteen ay madalang nalang itong kumakain Doon.
Si Taehyung ba ang tinutukoy niya sa 'kin na balak niyang ligawan? Na kaya Nagtanong siya sa akin noon ng mga tips kung Paano ang manligaw dahil si Taehyung ang balak niyang maging boyfriend?!

Flashback......

"Sige na naman, JK. Sabihin mo na sa 'kin kung sino ang taong binabalak mong ligawan. Promise, hindi ako mabibigla."

Nakangiti kong pangungulit sa kanya. Kahit sa kaloob-looban ng puso ko ay Masakit malaman kung sino ang taong mahal niya.

"Sasabihin ko naman sa'yo kapag naging kami na. Ikaw mismo ang unang makakaalam!"

I Love You✔️(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon