Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sarili ko after kong maisip yung last na reaction ni Clifford. Madalang lang din kasi akong manalo sa asaran kay Clifford kahit nung college pa kami kaya everytime mapipikon ko ito ay tuwang tuwa talaga ako. OA pero ang lakas maka-achievement. Regarding sa breakfast na yun, ay ayun natuloy naman siya pero walang landian na naganap malayo sa iniisip ni Clifford kasi puro work-related ang naging topic namin.One week na din since that incident and hindi na din masyadong nagparamdam si Clifford which is actually a good thing. Ewan ko bakit hindi na nangulit yun pero bahala siya. Jusko ang tatanda na namin and hindi rin naman healthy ang landian......teka teka landian? We're friends! So yun nga we have our own lives and work so good na nakakapagfocus kami. I am actually happy sa work ko ngayon dahil ilang beses na din ako napepraise ni Isaac sa mga articles ko, even sa news nafeafeature ang articles ko dahil sa detail and line of questions.
I was in the middle of my writing sa favorite kong coffee shop nang biglang mag vibrate ang phone ko.
"Ken" bungad ni Maya
"Hey Maya, kamusta? Bakit napatawag ka, medyo late na ha?"sagot ko dito habang iniinom ang paborito kong caramel macchiato. Its actually 12:30 am and it has been my routine na magstay sa coffee shop na ito dahil na din sa mga oras na ito lumalabas ang creative juices ko. Good thing na din siguro at malapit lang ito sa condominium na tinitirhan ko kaya safe and less hassle.
"I am good Ken. Shocks good thing at gising ka pa. Medyo nakakahiya pero can I ask you a favor? Emergency lang talaga" Nag-aalala nitong sabi na medyo ikinakaba ko. My gosh hindi naman siguro tatawag nang ganito kalate si Maya if hindi big deal to eh. Emergency? Wait dont tell me...
"Wait kinakabahan ako. Dont tell may namatay Maya? Meron ba?" Worried kong tanong dito
"Gaga wala. No, right now kasi nakaconfine si Seb sa Hospital and nagring phone niya. It was Clifford's number" umpisa nito dahilan para mas kabahan ako. Jusko na naman ba ito. Ano na namang bang kalokohan ang pinasok nitong si Clifford? Ganitong way ka pa talaga magpaparamdam eh noh?
"Namatay siya? My God Maya?!" Worried na worried ko nang reaction
"You shut up Ken. Kanina ka pa sa patay na yan. Pasalamat ka at hindi ako pwedeng sumigaw ngayon ha. So yun nga, it was a policeman, si Clifford daw nasa Station. Detained kasi nakipagsuntukan" pagkukwento nito na ikinabigla ko.
"What? Bakit daw, sinong kasama niya?" Gulat kong tanong dito
"I dont know Ken e. Kaya nga I called you kasi I'll ask you na sana puntahan siya. Hindi ko pwedeng iwan si Seb ngayon eh, si Choi naman nasa bakasyon and si Janice cant leave her daughter. So please Ken,okay lang ba? Ayaw kasing palabasin si Clifford nang walang susundo" Nahihiya nitong tanong.
========================
"Chief, excuse me po I am looking for Clifford Acosta?" Bungad ko sa police station kaya kaagad namang itinuro sa akin si Clifford na nasa sulok na nakaupo at mukhang lasing na lasing.
Jusko ano bang nangyari? Hindi ko mapigilang hindi mapailing sa nakita! Gusto kong konyatan pero naaawa din ako eh. Ano bang problema nito?
"Naku kasama mo pala yung pinagtulungan kanina?!" Sagot nito.
"Siguro naman po inawat niyo habang pinagtutulungan siya noh?" Medyo pasungit kong tanong
"Naku Sir, late kami nakarating eh pero may mga bouncers naman sa bar kaya naawat daw" katwiran nito. Husay. Proud ka diyan Chief?
"Chief ano po bang nangyari?"nag-aalala kong tanong habang ako naman ay hindi maialis ang tingin kay Clifford na sobrang dungis.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?