Ang Mahiwagang Maskara

5 0 0
                                    

Sa mga bawat tanong nyo kung okay lang ba ako,
Tanging 'Oo' lamang ang aking isasagot.
Ngunit naisipan nyo bang tingnan ang aking mga mata?
Mga matang humihingi ng tulong dahil hindi na kinakaya.

Sa bawat mga ngiting aking ipinapakita,
Mayroong sakit na tinatago ang aking puso?
Sa bawat pag-halakhak ko ng malakas,
Pawang mga peke lamang ang lumalabas.

Masaya ako sa paningin nyo.
Ngunit alam nyo bang sa ibang oras ay hindi totoo?
Masaya lamang ako dahil lumalaban pa din ako.
Lumalaban para sa aking ikakatahimik ng isip.

Ako'y napapaisip.
Kailan ito matatapos?
Ang sabi nila magiging okay din ang lahat.
May hangganan ba ito?

Pinipilit kong maging masaya.
Iniisip kong masaya ako.
Nililibang ang sarili.
Nagba-baka sakaling makalimot saglit.

Ngunit dumadating din ako sa punto
Na umiiyak ng walang tunog sa gabing madilim at tahimik.
Nais kong ilabas lahat ng aking galit, sakit, at saloobin
Ngunit hindi ko magawa.

Sapagkat alam kong pagsapit ng umaga,
Ako'y babangon,
At magsusuot muli ng maskara.
Ang mahiwagang maskara na kayang linlangin ang mga tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pen & PoemsWhere stories live. Discover now