Yuna's POV
Wala parin kami klase hanggang ngayon kase nga diba pinatawag yung mga teachers! So boring kaya naisipan kong bumili sa canteen.
"Ya pupunta lang akong canteen, may gusto ba kayong ipa bili?" Taning ko dun sa dalawa
"Ay talaga unnie!?! Libre mo?" "Timang syempre pera nyo gagamitin nyo! Ano ka sinuswerte??"
"Ayyy grabe andamot naman neto!" Naka panguso niyang pag mamamaktol "Kadiri wag ka ngang ngumuso muka kang bibe!" Tumawa naman ng mahina si Max.
"Pa bili ako ng sunflower crackers. Mga sampu o bente." Tapos binigyan niya ko ng one hundred pesos. "Tapos yung matitira ibili mo na ng Zest-O orange" grabe baket gannon antakaw takaw ng babaeng toh pero ampayat niya paden!?! Nasan ang hustisya!
"Ohh siiiggee! Ikaw Shaira meron ka bang ipapabili?" Pagtatanong ko ulit. "Ano ba yannn mababawasan pa tuloy pambili ko ng merch! Kaso gutom na ko eh!" Binigyan niya ko ng bente. "O yan pabili ako ng kasya sa bente! Kamsahamnida unnie!" *thankyou*
Walang hiya talaga ang kuripot ng batang yun kahit kelan talaga! Dumeretso na ko sa canteen. Nakita ko si Mika na may kausap na mga babae pero hindi rin sila mayayaman tulad ng iba dito sa school. Lumapit ako ng kaunti pero nakatago ako sa may pader at mukhang nagkakatuwaan sila.
Pero ang alam ko walang kaibigan si Mika? At kung may kaibigan siya edi sana tinulungan na niya siya kanina diba? Ano toh lokohan? Nag hihinala na ko sa babaeng toh....
Max's POV
Habang bumibili si Yuna unnie, nakikinig lang ako sa ear phones ko at sumakto sa tugtog na
2! 3! ng BTS. Sumasabay ako sa kanta habang naaalala ko yung mga nangyari sa nakaraan ko.... yung mga panahong masaya pa ang buhay ko. Hanggang sa nangyari yun.....Habang nakikinig ako ay bigla namang may kumalabit saakin. Si Shaira " Ya gwenchanhayo?" *Hey are you alright?* Tinangal ko yung ear phones ko at humarap sakanya at tumango. Biglang dumating si Yuna dala yung pagkain namin at mukhang lutang.
"Ya anong nagyari sayo?" Tanong ko sakanya habang kinukuha ko yung zesto ko. "Ahh wala may narinig lang ako kanina..." "Ano naman yung narinig mo kanina?" Sabat ni Shaira " Wala naman masyado basta may napansin kase ako kay Mika...." " Na ano po?" Tanong niya ulit.
"Wala lang feeling ko..... gutom na ko hehehe." Parang may mali kay Yuna unnie.... "Ya unnie---" "Hanlaaaa tinawag mo kong unnie?!!! Katapusan na ba ng mundo Shairaaaa?! Kukunin na ba ko ni Lord?! Lorddd kunin mo na kooo tinawag niya na kong unnie! Por da pers taymmm!" -___-'
"Ewan ko sayo wag na nga" hutek parang sinapian ng baliw na espiritu eh nag tatatalon at hinahampas si Shai "Aray ko naman unnie masaket ah!" Natawa nalang ako. Ngayon ko lang nakita na masaya ng ganyan si Yuna unnie.
Tumigil bigla si Yuna unnie sa pang hahampas niya kay Shai.
"Waaaaa pede mo na po akong kunin Lord! Nakita ko na po si Max na tumawa Lord! Tinawag niya pa kong unnie Lord! Isama nyo na ko jannn!" -____-' hindi na nga ko mag sasalita.
"Nga pala unnie nasan na yung binili mo?" Tanong ni Shai habang hinihimas himas niya yung braso niyang sobrang pula sa pang hahampas ni Yuna.
Nilabas ni unnie yung isang rebisco na choco flavor. "Oh hayan na yung kasya sa bente mo" "Ahh asan yung sukli ko?" Tanong pa ni Shai. "ABA IKAW NA NGA TONG NAG PABILI EH!" Ewan ko rin sa dalawang toh kung titino pa ba tong dalawang toh.
"Hetooo na yung sayo Maxxx!" Masaya niyang ibinigay saken yung sukli ko at binigyan niya ko ng sampung sunflower crackers at limang zesto. Wieeeee may pagkain na kooo! Oo na mababaw na kaligayahan ko. Anbang pake nyooo???
May natira pa kong 65 pesos so 4 pesos lang pala yung sunflower crackerssss???? Tapos lumang piso lang yung Zest-o?!! Lah ito na pagkaen ko sa debut ko! Bahala na nga bisita ko basta yun ang gusto ko!
[Author: sana ganyan den ung price sa canteen namin TT_TT]"Nga pala gagawa pa ba kayo ng reflection paper? Eh nasa bahay lang naman tayo lalo na ko na grounded kase nahulog ko yung laptop ni Kuya Ren."
Yung kuya na sinasabi niya eh pinsan niya na nakikitira sakanila kase nasa ibang bansa parents niya. Wag kaaa siya yung first crush ko nung bata ako! Guwapo, mabait, matangkad at maganda yung boses non!
"Edi wag ka mag pasa." Simpleng sagot ko "Ang ganda ng idea mo talaga Max unnie noh sobra! Life changing!" Tumawa naman si Yuna unnie.
Habang inde parin nadating yung prof namin eh inubos na namin yung pagkain namin. Nang wala na akong magawa at naubos ko ang pagkain ko kaya nakinig na lang ulit ako sa phone ko, at tumingin sa labas.
Habang nag mumuni muni ako ay biglang nag salita si Yuna unnie"Uyyy may naisip ako diba sa next week na yung birthday na ng Kuya mo Max?" Lumapit naman agad tong si Shai!
"Oh anong meron?" Tanong ko, "Uyy wag ka namang ganyan sa kuya moo!" Hinampas ako ni Shai "Aray ang brutal neto eh mag tatanong lang naman ako eh! " sabi ko habang hinihimas ang braso ko namumula dahil sa hampas netong amazonang to.
"Eh diba yung kuya mo eh... nasan nga ba kuya mo Max?" Tanong ni Yuna unnie. "Nasa bahay---" nag react naman agad si Shai. "Ba't hindi ko nakita?!" Binatukan ko nga. "Pinatapos mo ba ko ha?!" Tumawa lang si yuna unnie samen.
"Sabi ko nasa bahay sa Korea diba nga kasama niya si Halmoni?"*grandmother* "Eh panno kaya kung I surpprise naten kuya mo? Tutal matagal tagal na nating di nakikita kuya mo." Ewan ko talaga sa mga toh atat na atat makita si Kuya eh dito nga nag aaral yon. Mga uto uto talaga tsk tsk.
MARK'S POV
Henlooo ako nga pala yung Kapatid na nabangit ni Max kaninaaa! Ako si Mark... wag nyo na alamin yung second name ko di kase bagay sa pangalan ko eh hehe.
Soo ayun alam kong dito na nag aaral yung masungit kong kapated! At sobrang sunget non saken! Pero mabait yon mahal na mahal kaya ko nun! Tapos alam nyo ba kahapon lang nung nawala yung head phones ko..binilhan agad ako!
[Max: baka naman gusto mong ako na ang mag sabi kung baket nawala head set mo oppa?]
Aisshhh bakit ba andito ka???
[Max: gusto nung author eh baket may angal ka ba?]
Ayyy syempre wala diba peace tayo author?
[Author: geh bahala ka jan]Mga masusunget talaga!
[Max & author: Ano?!]
Ayy anjan pa pala kayo?? Hehe wala sabi ko ang gaganda at ang babait nyo talaga... walang katulad!Mga buwiset -___- , So ayun alam nyo na na sa next week na yung birthday ko, at sana umuwi nalang kami sa brithday ko. Isa yun sa pinagkakasunduan namin ng masunget kong kapated eh yung umuwi sa Korea.
Sabagay sa Korea kase kami pinalaki kaya nakakamiss den umuwi don. At nandun den kase yung babaeng nagugustuhan ko hehehe. Kaso ayun nga torpe ako kaya di ko maligawan... Pero, parehas kaming half filipino. So ayun..
Sa ngayon nasa university parin ako kasama yung mga tropa ko sina Kevin, Jv, Kyle at James. Mga magkababata kaming lima simula nung grade six pagbalik namin dito sa pinas.
Habang nakaupo lang ako sa classroom ay bigla nalang nag yaya si Kevin na lumabas na muna tutal wala naman daw na teacher.
"Lumabas na kayo dito nalang muna ako magbabasa." Sabi ni Kyle habang patuloy na nagbabasa ng libro.
" Dude kanina ka pa nag babasa jan mamaya na yan wala naman yung prof. natin oh!" Pangungumbinsi ni James habang inaakbayan si Kyle. Sawakas at nakumbinsi nitong si James si Kyle.
"Yown oh! Libre mo Kevin ah! Tutal ikaw nagyaya sabi ko naman sabay akbay sakanya."Ikaw talaga Mark ke yaman yaman mo di ka man lang manlibre!" Reklamo ni Kyle.
"Yaan mo na dude sa birthday nyan dun ka mangburaot jan!" Pagbibiro ni Jv. "Yown naman ohhh geh aasahan namin yan Mark ah?!" Sabi ni Kyle.
"Aba kelan ka pag nag ka interes sa pambuburaot ha Kyle?" "Ngayon na nga lang yan mambuburaot ipag kakait mo pa?" Sabi ni jv saka nag apir sina jv at kyle.
"Kung dito ako mag cecelebrate ng birthday malilibre ko pa kayo." "Kahit sang lupalop ka pa ng mundo pumunta hahanapin ka naming kupal ka!" Aba buwsit toh si James ah!
"Oh tama na yan ngayon lang ako manlilibre kase gutom na talaga ko kaya manahimik na kayo! tara na!" Sabi ni Kevin "Nays yan pre oh tara na!" Pag aaya ko saka inakbayan si Kevin.