"We really had a good feedback lalo na sa latest article na ginawa mo. I am really happy talaga Ken at naisipan mong magpatransfer here. This office badly needs a badass writer like you" tuwang-tuwang bati sa akin ni Sir Isaac habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala.Bihira kasing makakuha ng good feedback ang Manila office ng Instyle when it comes to articles dahil medyo limited and conservative ang choice of topics ng mga writers dito. Maybe it just so hapen na naging liberated na din ako pagdating sa mga gustonng ko isulat kasi feeling ko yun naman ang purpose ko as a writer. Well atleast ngayon, kahit papaano napapatunayan ko ang sarili ko sa kompanya.
"This wont be possible naman po if hindi ninyo ako sinuportahan." Magalang na sabi ko dito na kaagad nitong kinangiti.
"I really admire you Ken. Sa kabila ng galing at contributions mo sa company you still manage to keep you feet on the ground." Sinsero nitong sabi na ikinayuko ko. What? Hindi lang ako sanay na pinupuri ako plus the fact na boss ko to kaya medyo na-ooverwhelm ako.
"Youre blushing Ken" komento nito dahilan para maalarma ako. Blushing ka diyan? Ano to highschool harutan? Damn pati ba naman si Sir Isaac?
"Po? Naku sir hindi po. Nahihiya lang po siguro ako sa appreciation niyo. Hindi lang po ako sanay" agad na depensa ko dito na mas ikinangisi nito
"Youre cute Ken"out of nowhere nitong sabi dahilan para manlaki ang mata ko at hindi makasagot.
Damn nakakahiya baka mamaya may makadinig sa mga sinasabi niya. Pereng shere to si Isaac. Ayoko namang isipin ng mga kasama namin dito na sumisisip ako kay Sir Isaac.
"Naku Sir nambola pa po kayo" nahihiya kong sagot dito
"No I'm serious. Youre really cute Ken. Hay kung pwede lang eh" makahulugan nitong sagot kaya napakunot ang noo ko
"Po?" Tanong ko
"Nevermind. Again, congratulations Ken and if it just so happen na may kailangan ka, anything basta kahit ano.. Just dont hesitate to inform me. I would be more than willing to help you." ani nito habang tumatayo mula sa pagkakaupo kaya tumayo na din ako as respect. Well magalang wag ka.
Ano ba yan Isaac mukhang habang tumatagal nag-iiba ang tingin ko sayo. Pero mukhang malabo kasi boss kita and fuckboy ka pa rin haha, hindi ako papabiktima. Papalabas na sana ito ng nang bigla itong huminto.
"and Ken... avoid being too cute baka ligawan kita" ani nito bago tuluyang umalis. Ano daw? pinagsasabi nun? Galawan talaga ng mga malalandi eh. Nabiktima na ako noon, hoy.
Papaupo na sana ulit ako para bumalik sa pagtatrabaho nang bigla namang dumating ang isang hindi ko inaasahang bisita. Well sa halos isang buwan niya dito sa Manila office ay never niya naman akong kinausap or pinuntahan man lang kaya medyo rare sa akin ito. Ano naman kaya ang kailangan nito?
"Ms. Alicia?" agad na sabi ko habang tumatayo muli sa pagkakaupo ko
"one and only darling. Sit down" maarte nitong sagot habang naglalakad-lakad papasok sa office ko.
Why am I feeling this way? bakit bigla akong kinabahan sa presence niya? Maarte siya oo pero hindi naman siguro siya masamang tao and besides boss ko siya kaya natural lang siguro na maintimidate ako sa kanya.
"What can I do for you po?" medyo naiilang kong tanong dito
"Why? Ayaw mo bang nandito ako?" sarcastic na balik tanong nito sa akin kaya medyo kinabahan ako.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?