Chapter 16: Roots

9.1K 358 29
                                    

CHAPTER 16

Sinag ng araw na tumatama sa nakapikit niyang mga mata ang gumising kay Eliana. Imbis na dumilat ay sumiksik lang siya sa mainit na bagay na nakabalot sa kaniya at komportable na nanatili siyang nakapikit para makabalik sa pagkakatulog.

Hindi iyon nangyari nang makaramdam siya ng pagkilos sa tabi niya. Kaagad siyang napamulat nang maalala niya na hindi nga pala siya nag-iisa sa kwarto niya. Pares ng mga mata na nakatuon na sa kaniya ang sumalubong sa kaniya.

"Good morning."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang marinig niya ang mahinang boses ni Rovan. Umangat ang kamay ng binata at marahang hinawi ang buhok niya na tumatabing sa kaniyang mukha.

Kaya pala komportable na komportable siya ay dahil nakakulong siya sa mga bisig nito. Bukod sa kampante siya kapag malapit siya rito ay nasanay na ang katawan niya sa mainit nitong temperatura. Mataas kasi talaga ang takbo ng temperatura ng binata na sabi nito ay nagsimula nang maging ganap itong inkubo. Kaya lagi nitong tinataasan ang air conditioning sa bahay nito na ipinagtataka niya noon dahil sobrang lamig na lamig na siya.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya.

"Yeah."

"Dapat ginising mo ako."

"Then I wouldn't be able to watch you sleep."

Ngiti na lang ang nagawa niyang maisagot sa sinabi nito. Nanatiling nasa kaniya ang mga mata nito at pinaglalakbay ang mga iyon sa kabuuan ng mukha niya. Tila malalim ang iniisip ng binata sa paraan ng pagkakatingin nito sa kaniya.

Nagsimula iyon kahapon sa convenience store na pinuntahan nila. Naging tahimik lang ito at hinahayaan lang siya na magkuwento rito pero pakiramdam niya ay nasa malayo ang isipan nito. Nang tanungin niya ito ay nagdahilan lang ito na iniisip lang daw nito ang magaganap na surgery.

Hindi naman niya nagawang usisain pa ito dahil pagkatapos ng hapunan nila kasama ng nanay niya ay umalis na ito para pumunta sa ospital. Hindi na nga niya alam kung anong oras na ito nakabalik. Hindi rin niya inaasahan na magigising siyang katabi ito dahil ang alam niya ay umaga na rin natapos ang surgery nito.

"Hindi ka pa natutulog no?" tanong ko sa kaniya.

Nakumpirma niya ang sagot sa sariling tanong nang hindi ito sumagot at sa halip ay may ngiti lang sa mga labi na nakatingin sa kaniya. Napapabuntong-hininga na inangat niya ang katawan niya para umupo at naniningkit ang mga matang tinignan niya ito.

"Kailangan mong matulog. Umuwi ka muna kaya para makapagpahinga ka?"

Hinila siya nito palapit dito dahilan para mapadapa siya sa ibabaw nito. Hindi alintana ang bigat niya na mahigpit lang siyang niyakap ng lalaki habang ang mukha nito ay nakasubsob sa buhok niya. "Later."

"Rovan."

"I want to stay here with you for awhile."

Bago pa siya makapagprotesta ay nakarinig siya ng ingay sa labas ng kwarto niya na mukhang nangagaling sa ibaba. Tinignan niya ang orasan na nakapatong sa bed side table at nanglaki ang mga mata niya nang makita niyang alas otso pasado na. Siguradong kanina pa gising si Nanay! Maagang nagigising 'yon eh.

"Wala bang nakakita sa'yo na umakyat dito? Saka paano ka nakaakyat?" sunod-sunod na tanong niya.

Nasa pangalawang palapag ang kwarto niya at kahit pa sabihin na may puno sa tabi ng bahay ay hindi ibig sabihin magiging madali ng makapasok sa kwarto niya dahil malaki rin ang pagitan ng mga iyon kaya imposibleng matalon nito ang pagitan na iyon.

D-Lair Trilogy #1: Rovan VeserraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon