Chapter 44: Beg!

146 5 0
                                    

Bakit kung kailan masaya ka na...

Tsaka bumabalik ang mga masasakit na ala-ala...

Hindi mo alam kung magagalit ka ba?

O magpapatawad na lang ba?


JASMINE

"Jasmine..." tawag niya. Napabitaw ako kay Lance na takang-takang nakatingin sa akin. Sarcastic akong napatawa. Bakit parang biglang gusto kong tumakbo dahil alam kong sakit sa ulo lang ang ibibigay ng babaeng ito sa akin. Tinangka niyang lumapit.

"Stop... don''t ever go near me again...Lyla..." matapang na sagot ko. Nakita kong nagulat si Lance dahil hindi ko siya inaddress bilang direktor. "Ano na namang plano mo? Sa tingin mo ba mapapakinabangan mo na naman ako? Well guess what, go to hell and don't mess up with me again!" matapang na sabi ko. Nanlaki ang mata ni Lance sa sinabi ko. Paano ba naman na hindi ako magagalit. Si Direk Lyla lang naman ang nasa harap ko. Ang magaling na direktor na sumira ng relasyon namin ni Lance. Kung noon ay nagmamakaawa ako? Ngayon... hindi niya magugustuhan ang gagawin ko kapag kinanti niya pa ako.

"Jasmine!" saway sa akin ni Lance. 

"Stop! Just stop Lance. You don't know what that woman did to me... to us.." parang maiiyak na sabi ko.


"Jasmine, matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko and all I ever want is to gain your forgiveness." malungkot na sabi niya. 

"You will never...ever gain my forgiveness! You bitch!" maanghang na sabi ko. 

"Jasmine enough!" saway ni Tita Ange. 

"You as well Tita, you shut up as well! Nandoon ka noong halos gumuho yung mundo ko ng dahil sa babaeng yan... then what? Hinayaan mo pa siyang makita ako ngayon? For what? Tell me! For what!" sumisigaw ng sabi ko kasabay ng pagdaloy ng luha ko. Nakita kong hinawakan ako ni Lance sa bewang pero bumitiw ako. 

"Jasmine, matagal na iyon. Gusto nang magsorry ni Direk Lyla... Siya ang magiging director niyo ni Lance sa movie nyo." sagot ni Tita 

"To  hell with that Goddamn movie! Hindi ko yan gagawin over my dead body!" umiiyak na sagot ko. Nanghihina akong napaupo sa sofa. "Why all of you is trying to hurt me again! Bakit laging ang unfair niyo sa akin!" umiiyak ng sabi ko. "Tita, you were there when I am begging everyday para makauwi lang kay Lance... but what did you do now? Gusto mo pang gumawa ako ng movie at maging direktor ang bruhang yan? Alam mo kung anong pinagdaanan ko! Alam mo kung paano ko binaba ang pride ko! Alam mo kung paano ako nasaktan ng paulit ulit...pero bakit? bakit Tita?" sabi ko at natahimik si Tita Ange. Tumingin ako kay Lance na mukha nang nag-aalala sa akin pero hindi ako magawang lapitan. "At ikaw! Lagi kang paurong-sulong! Wala kang ginawa kung hindi saktan ako ng paulit-ulit! Punong-puno na ko sayo! Ano bang tingin mo sa akin... laruan mo.. pag ayaw mo itatapon mo... pag gusto mo na ulit pupulutin mo? Hanggang kailan mo paglalaruan ang damdamin ko? Ang bilis mong mapagod.. ang bilis mong bumitaw...ang bilis lang sayo na iwan ako ng paulit-ulit gayong hindi mo naman talaga alam ang totoong nangyari noon!" umiiyak na dagdag ko. Nag-aalalang tumingin sa akin si Lance. Tumingin ako kay Direk Layla na parang maamong tupa. "At ikaw! masaya ka ba nang sinira mo ang buhay ko. I beg and beg and beg to you that I want to go home....everyday... every hour... pero anong ginawa mo? You are cruel enough to ruin my life just to save your fucking pride and your fucking career!" sigaw ko. "And what now? You want me to be the star of your show? Manigas ka! Kahit magmakaawa ka sa akin araw-araw, kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan ko... hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo sa akin..." dagdag ko. I sarcastically smile. "You even said that you are wrong for choosing me to have the lead role in your movie before...so ano na ngayon? Kinain mo na yung mga sinabi mo?" dagdag ko.

"I am really sorry Jasmine. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko at naging napakasama ko sayo noon. I was selfish and I only think of my career and the awards at Cannes before. Inaamin ko naman na hindi ako naging makatao ng harapin kita noon ng sabihin mong gusto mong umuwi at lahat pinagsisihan ko na. Kaya sana mapatawad mo na ako. Because right now, I know what it feels to loose someone you love." umiiyak na sabi niya. I smiled sarcastically. Tumayo ako mula sa sofa. 

"Serves you right... buti naman alam mo na ngayon ang salitang pagmamahal at kung paano yun mawala sayo. How ironic isn't it... You got the upperhand before and now I have it. Bakit? Laos ka na ba kaya kailangan mo ko sa movie mo? Well guess what! Beg! Beg for your career! Beg to survive, baka sakaling magbago ang isip ko... hindi naman ako  kasing sama mo." sagot ko sabay alis sa harapan nila. Bago ko mabuksan ang pinto ay tinawag ako ni Tita Ange. 

"Jasmine... I am sorry Hija, ang akala ko ay okay ka na dahil nagiging okay na kayo ulit ni Arthur." sabi niya. Ngumiti ako ng mapait ng lingunin ko siya. 

"How disappointing Tita... but sorry that I am not sorry from what I did today. The quotation time will heal the wound doesn't apply to everyone.. especially to me..." sagot ko at lumabas na ko ng pinto. Lumayo ako sa mga taong alam kong kaya akong saktan ng paulit ulit. Bakit ganoon? Bakit parang wala akong karapatang maging masaya? Bakit sa tuwing susubok akong magmahal ulit lagi na lang may aberya? Sign na ba ito para tigilan ko na lang ang pag-asa sa tadhana naming dalawa?Sign na ba ito na baka tamang umalis na lang ako ulit bigla... napapagod na kong masaktan. Napapagod na kong paulit-ulit na umasa sa isang bagay na mukha ngang walang kasiguraduhan. I want to stop! I want to stop defending my happiness to someone. I want to stop loving the people who didn't appreciate me. I want to stop now...

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon