Naabutan ko si Mommy na nakaupo sa couch at nakasimangot. Saka ko lang naalala na hindi ko ginamit ang phone ko buong araw plus naka-silent ito at nakalimutan kong i-text si Mommy.
Niyakap ko agad ito para kahit paano ay mabawasan ang inis nito.
"Mommy, sorry, nakalimutan ko mag-text."
Paliwanag ko habang nilalambing si Mommy. Umubra ang paglalambing ko at medyo nabawasan ang inis sa mukha nito.
"Nakailang text and call na ako. Akala ko kung anu nang nangyari sa iyo."
Sambit nito na may halong pagtatampo.
"Sorry, kasi naka-silent ang phone ko."
Paliwanag ko.
"I was about to call Kurt pero out of coverage naman ang phone nito. Siya ba ang kasama mo?"
"No Mom, it was Brad. I haven't talked to Kurt too."
Sagot ko habang paupo na sa tabi ni Mommy.
"Wait, hindi ba siya ang naghatid sa iyo sa school this morning?"
Pagtataka nito.
"Uhm no, sinundo ako ni Brad this morning, why?"
"Ha? Eh nandito si Kurt kaninang 5 in the morning? Madilim pa nga noon. Sinabi ko na bumalik na lang siya kasi tulog ka pa at baka 7 o' clock ka pa gigising dahil sa 9 o' clock ang pasok mo."
Nagtatakang sabi nito.
"Huh? Wala namang sinabi si Kurt sa akin na susunduin niya ako. Wait I'll check my phone..."
Sagot ko habang kinukuha ang phone ko sa loob ng aking bag.
Pagkakita ko ng aking phone ay naka-off ito.
"Off na ang phone ko, I'll just charge it. Can I go, Mommy?"
I asked Mom.
"Okay, but next time you do what you did you'll be grounded na, Nikki Bernadeth?!"
"Yes, Mommy. Goodnight, Mom."
I kissed Mom saka ako pumasok sa aking kuwarto.
When I got inside my room, I charged my phone right away. When I turned it on nagulat ako sa naka-flash sa screen nito.
27 Missed Calls
5 New MessagesAgad na tinignan ko kung kanino galing ang mga missed calls ko. Tatlo sa mga missed calls ko ay galing kay Mommy samantalang twenty-four dito ay galing kay Kurt.
Sunod ay tinignan ko ang aking mga messages.
From: Mommy
Wer r u? R u eating @ hm?From: Mommy
Y not txting bck? Wer r u? Call me!From: Mommy
Nikki Bernadeth, pickup ur phone. Wer r u?!From: Kurt
Niks?From: Kurt
:(Ang unang text ni Kurt ay sinend niya this morning kasunod nang una niyang text noong nasa biyahe ako with Brad habang ang huli niyang text is after my class, pagkatapos ng marami nito missed calls.
I felt guilty dahil hindi man lang ako nagreply kay Kurt kaya tinext ko na ito.
Hey, r u still up? :)
<Message Sent>Habang hinihintay ang reply ni Kurt ay nag-shower muna ako at nag-ready na matulog. Ngunit nakahiga na ako sa kama ay wala pa rin itong reply kaya't tinext kong muli ito.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...