Agad na nagpaalam ako kina Tito Gerry, Tita Carol at Trixie saka ako nagpasundo kay Mommy.
Dumating na si Mommy subalit wala pa ring Kurt na lumalapit sa akin.
Mula sa garden ay tinanaw ko ang kuwarto ni Kurt sa taas ng bahay nito. Umaasang nandoon ito at nakatanaw sa bintana. Ngunit walang Kurt na naroon at wala ring ilaw ang kuwarto nito.
Napapikit na lamang ako at napabuntong-hininga. Napakasakit ng nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. I felt like there's a new hole inside my heart aside from the one caused by Migs and it felt like it's a much bigger hole.
Buong biyahe pauwi sa bahay ay hawak ko ang aking phone. Umaasang magtetext si Kurt. Subalit katulad ng katahimikan sa loob ng sasakyan, tahimik din ang aking phone.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kuwarto. Tila walang napansin si Mommy kaya hindi ito nag-usisa.
Sa kama ay diretso akong humiga na nakabaluktot na parang bata. Hindi pa man nakabukas ang air-con ay parang nilalamig na ako. Kinuha ko ang kumot at nilatag ko ito sa buo kong katawan. Sa loob ng kumot na iyon ay nagsimulang umagos ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit sobra sobra akong nasasaktan sa nangyari sa amin ni Kurt.
Maya-maya ay nag flash back ang mga nangyari sa loob ng kuwarto ni Kurt. Napahawak ako sa aking mga labi noong maalala ko kung paano ako hinalikan ni Kurt. Para akong baliw dahil habang lumuluha ay nangingiti rin ako.
Dagli ay napalitan ng kaba ang sakit sa aking puso ng maalala ko ang sinabi ni Kurt.
I love you
'He loves me???' tanong ko sa sarili.
Ate, who is his girlfriend ba? Kasi he always make kuwento about her pero he's not bringing her here naman to make pakilala... He once said pretty daw, tall pero he's taller daw, match daw ang height nila, also she's smart daw but she makes Kuya Kurt laugh daw... Kaya I want to meet her na nga eh kase I think I'm going to like her!
'So yung babaeng sinasabi ni Trixie is me?!?'
Hindi ako makapaniwala sa mga tumatakbong iyon sa isip ko. I'm in denial.
Habang nasa isip ko ang mga pangyayari sa amin ni Kurt ay biglang tumunog ang aking phone para sa isang text. Mabilis ay kinuha ko ang aking phone na nasa ilalim ng aking unan. Kasabay nito ang pag-aasam na si Kurt na ang nagtext.
From: Brad
hi. hw r u? sorry wsnt able 2 txt u last nyt, sumthin cm up.Hindi ko alam kung bakit disappointed ako na hindi si Kurt ang nagtext. Sa kabilang banda ay natuwa ako dahil nagtext nang muli si Brad at nabaling dito ang pagkabahala ko kay Kurt.
Hey! Its fine. Hw r u?
<Message Sent>Reply ko dito.
From: Brad
r u goin 2 do sumthn tom?I thnk none. Y?
<Message Sent>From: Brad
coz i mis u silly! :)Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa text ni Brad. Hindi ko alam kung anu ang dapat isagot dito. Dahil siguro sa nangyari sa amin ni Kurt ay mabigat ang nararamdaman ko kaya't hindi ko ma-digest ang sinabi ni Brad.
Hehe :)
<Message Sent>Ang tangi kong na-i-reply dito.
From: Brad
dnt u mis me 2?
BINABASA MO ANG
Music & Me
Novela JuvenilFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...