Christian’s POV
Kung kayo ang nasa kalagayan ni Erma, ano ang gagawin mo? Humingi tayo ng payo kanina at ngayon naman ay basahin natin. Papa DJ. Yeah si Rojj, my brother.
Kanina pa ako nakikinig sa kanya, at ang masasabi ko lang kasing gag* ko yung lalake. Pero mas gag* siya.
Kung ako sayo girl, hahayaan ko na lang siya sa piling ng iba. Hindi para masaktan ka, kundi para maging masaya siya. Hindi naman kasi siya titigil kong ikaw pa rin diba?
If I were you Erma, magmomove on na lang ako. Once is enough. Sinaktan ka niya nung kayo pa, pinagtabuyan mo siya. Pinagtabuyan mo siya at sumuko naman siya. Nabigo siyang makuha ka kaya naghanap siya ng babaeng mamahalin din siya. And that was Rosita, your ex-bestfriend. Ang saket nun teh! </3
Kung ikaw ako, move on na lang. Kasalanan mo din kasi kung bakit siya lumayo. Pinagtulakan mo siya, tao yun teh eh! nasasaktan at napapagod..
Okay Erma. Most of them telling, that you should move on. Pero alam mo, hindi kita masisisi. Nasaktan at natakot ka. At dahil sa takot na yan nawala siya, lumayo siya. Hindi ko sinasabing katangahan ang ginawa mo, o tanga yung ex mo. Its just that everything has a reason. Ang rason mo kung bakit mo siya ipinagtulukan ay dahil sa takot kang masaktan........ulit. Ngayon tatanungin kita, naging masaya ka ba nung nagtagumpay ka sa pagtulak sa kanya?hindi right? Mas lalo ka lang nasaktan.
At para naman dun sa guy, alam kong may reason siya kung bakit siya tumigil sa pagsuyo sa iyo. Pero hindi ibig sabihin nun ay dahil may mahal na siyang iba. Sabihin na nating ginagawa niyang panakip butas si Rosita, your ex-bestfriend. Wala siyang sinabi na sila diba? Yan din ang mahirap sa atin eh, mahilig tayong magconclude. Hindi ganun kadaling mag move on Erma at alam kong alam mo 'yan. Maybe isa sa mga posibleng reason niya is, iniisip niya na ayaw mo na talaga sa kanya. Kaya tumigil siya. Tumigil siyang suyuin ka, pero hindi ibig sabihin nun tumigil na siyang mahalin ka.
Why don’t you talk to him? Wag kasi puro pride ang pairalin. Hindi lang dapat lalake ang gumagawa ng paraan pagdating sa panunuyo. Pinili niyang manahimik dahil sa pag-aakalang wala na siyang pag-asa. Kaya hihilingin na lang niyang lumigaya ka sa piling ng iba kesa naman nakikita kang nasasaktan sa piling niya. Hihilingin na lang niyang lumigaya ka sa piling ng iba kesa naman nakikita kang malungkot pag kasama mo siya.
Ako ba yong pinapatamaan ni Rojj? Feeling ko kasi sa akin niya gustong iparating yung mensahe niya.
Jhinalyn’s POV
hi Jhinalyn. Napakunot noo naman ako. Sino ba yun? Nalampasan na niya ako ng marealized ko kung sino siya. Nilingon ko siya sa likod para makumpirma kung siya talaga. At ang anak ka nga naman ng bulate oh!
O.O
Siya nga!
Kailan pa siya nakabalik?
Anong ginagawa niya dito?
Bakit andito ang hinayupak na 'to?
Walang anu anoy hinila ko siya sa kamay. Asar naman oh! Bakit ba kasi nandito toh??
Sandali pangongontra niya sa akin. May balak pa atang tumakas ang asungot na to ah. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi siya pwedeng makita ni Annabelle dito.
Sakay!! Singhal ko pagkatapos kong pumara ng tricycle.
Sandali nga lang... maktol niya
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
ЮморThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...