Chapter 27: Kiss Stealer

1.4K 48 4
                                    

****

Kurt's Point of View

"I have a strong feeling that Lexine is hiding something from me. And something's not right here."

Umirap ako. Hindi ko alam kung pang-ilang irap ko na ito sa loob ng isang araw. Pucha! Bakla na kung bakla. Eh, kasi itong kasama ko, ilang beses niya ng sinabi ang katagang iyan! Kung puntahan nalang kaya niya si Lexine at komprontahin para malaman niya kung anong tinatago ng kaibigan niya. Takte.

"What do you think, Kurtong?" tanong sa akin ni Danica. Nagkibit-balikat lang ako. Atsaka, she's been calling me Kurtong these past few days. Well, I find it cute.

"Walang hiya ka! Wala kang kwentang kausap!" aniya pagkatapos niya akong hinampas sa braso. Napaka amazona talaga ng babaeng iyon! Napakasadista!

"Hoy! Hoy! Saan ka pupunta?" tawag ko sa kanya. Nag walk out kasi.

"Hala ka, Kurt. Pinikon mo kasi." ani Lorraine.

"Luh. Hindi! Wala akong ginawa dun! Bigla nalang akong hinampas sa braso." reklamo ko pa tsaka hinimas ang braso kong hinampas.

"Masakit ba, 'tol?" pang-aasar sa akin ni Jeric pero tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sundan mo, Kurt." wika naman ni Jeselle na namumula ang pisnge dahil katabi lang naman niya ang one and only crush niya na si Kris.

"Oo nga. Tsaka bilhan mo na rin ng pagkain para mawala ang galit. Ice cream. Yung Cookies and Cream ang flavor. Mawawala galit nun." ani Angel.

"We? Ginagaya mo siya sayong matakaw, eh." pang-aasar sa kanya ni John Roy kaya ayun, naghabulan ang dalawa.

Natawa na lang ako at tumalikod na para sundan ang sadistang iyon. Pero nagtaka ako ng makita si Kristelle na malayo sa mga kaibigan niya. Si Justine naman ay tahimik na nagpapashoot ng bola sa court. Si Vince naman ay wala sa sariling umiinom ng Gatorade habang si Sabina naman ay masama ang tingin kay Justine. Danica's right. Something's not right here. At feeling ko, hindi naman talaga masakit ang ulo ni Lexine. May mali, eh.

Bumuntong hininga na lang ako bago tuluyang lumabas ng Basketball Court. Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yun? Napakapikonin naman! O baka, may red flag? WHAHAHA!

Hinanap ko na sa pwedeng lugar na pagtambayan si Danica pero wala. Nasaan na kaya yun? Kanina ayos lang kami. Tapos ngayon, galit na naman. Ang hilig pa namang manghampas kapag napipikon. Amazona! Sadista!

Lumabas ako ng Empire High. Ipinalibot ko ang paningin ko at nakita ang nakaupong si Danica sa Cafe sa harap lang nitong school. WHAHAHA! HULI KA, BALBON!

Pumunta muna ako sa Ice Cream Shop sa tabi ng Cafe na iyon. Pumasok ako doon at dumerecho sa Counter upang umorder.

"Goodmorning, Sir. What's your order?" bati sa akin nung babaeng waiter.

"Ahm, give me an ice Cream with a flavor of cookies and cream." nakangiting tugon ko dito.

The waitress nod. "Right away, Sir."

Ilang minuto pa ako doon naghintay hanggang sa bumalik na ang waitress. Nakabox na ang Ice Cream na inorder ko. Agad ko naman itong binayaran at nagpasalamat ako doon sa waitress bago lumabas ng Shop na yun. Tiningnan ko naman yung box na may laman na Ice Cream. Kakainin kaya 'to ng amazonang yun? Tatanggpin kaya 'to ni Sadista? Hays. Bahala na si Batman.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now