Ako, ikaw, Tayo ay Asyano

104 0 0
                                    

Mahirap ba na maging isang Asyano?

Iiwan mo ba ang bansang pinanggalingan mo para lang makamit ang mga pangarap mo?

Tunghayan ang kwento ng mga batang naipagmamalaki ang pagiging isang asyano.

------------------
Mga Tauhan:
Penelope Alonzo - Babaeng anak nina Maria at Richard
Serenity Rivera - Babaeng kaibigan ni Penelope
Crisanto Diaz - Lalaking kaibigan ni Penelope
Antonio Andres - Lalaking kabigan ni Penelope na magiging kasintahan niya

Pauline Alonzo - Bunsong kapatid ni Penelope
Maria Alonzo - Nanay ni Penelope
Richard Alonzo - Tatay ni Penelope
Ronaldo Alonzo - Lolo ni Penelope 
Mariani Alonzo - Lola ni Penelope

------------------

Isang araw, Sa Lungsod ng Cariño St. na mayroong magkababata na nakatira na sina Penelope, Serenity, Crisanto, at Antonio, sila ay ika-walo hanggang ika-siyam na gulang. Nakatira ang mga bata sa bansang Pilipinas at nasa iisang siyudad lamang.

Alas otso (8:00 am) ng umaga. naglalaro at halos araw-araw silang magkakasama. Ang mga batang ito ay hindi mapaghiwalay ngunit mapapaghiwalay lang ang mga batang ito kung sila'y maghahapunan na at kung pinapatulog na ng kanilang mga magulang.

Magkakaibigan din ang kanilang mga magulang kaya't ang mga bata ay palaging nakakapagsama. Pag nag handaan ang magulang ng isa, ang tatlo at ang pamilya nila ay imbitado dahil magkukumare at kumpare ang kanilang mga magulang.

Makalipas ang Limang Taon...

Sina Penelope at ang mga kaibigan niya ay binata na at dalaga na. Dahil mga binata't dalaga na, sila ay nagkekwentuhan nalang sa parke at pumupunta sa mga arcade o sa mall.

Ang mga magulang ni Penelope ay napagdesisyunan na pumunta sa europa upang mamuhay na doon habang buhay ngunit sinabi ni Penelope na ayaw niyang mahiwalay sa kanyang mga kaibigan na sina Serenity, Crisanto, at Antonio, Lalong lalo na't sa kanilang iba pang kapamilya sa pilipinas. Ayon kay Penelope, Hinding hindi niya iiwan ang bansang pinanggalingan niya at sa bansang isinilang siya dahil masaya siya sa kung anong nakasanayan niyang kultura, ngunit walang nagawa si Penelope dahil ang mga magulang niya ang masusunod sa kung saan sila titira.

Ang pamilya niyang mga asyano ay pagod nang manirahan sa pilipinas dahil hindi sapat ang suweldo na naiipon para sa kanilang pamilya kaya nama'y kailangan mangibang bansa ng kanyang magulang at isinasama pa si Penelope para doon niya na rin maituloy ang kanyang pag-aaral at doon na rin siya maghahanap buhay.

Makalipas ang anim na taon...

Nakapagtapos na si Penelope sa pag aaral sa Paris, France at dahil don nakahanap na rin siya ng magandang trabaho upang sumuweldo para pag nakaipon na siya pwede na siyang makapag-aral ng pagdodoktor dahil ito ang pinapangarap niya simula nung bata pa siya.

(Pagbabalik Tanaw)
Ang mga bata ay nasa parke kasama ng kanilang mga magulang. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa parke at masayang nagkekwentuhan...

Antonio: Alam niyo ba na pinapangarap kong maging isang magaling na piloto para mapuntahan ko ang bansang pinakagusto kong puntahan.

Serenity: Ano bang bansa ang gusto mong puntahan, Antonio?

Antonio: Ang Paris, France. Maganda ang tanawin doon at gusto kong makita ang tore na nakatayo doon, hindi ko alam ang tawag eh *tumawa*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako, Ikaw, Tayo ay AsyanoWhere stories live. Discover now