PANGAKO

2 1 1
                                    

Sa muli kong pag likha ng isang tula
Isang pangako nanaman ang naglaho na parang bula
At sa pyesang ito, muli mong aalalahanin yung pinangako mo na sabi mo

"IKAW AT AKO LANG HANGANG DULO MAHAL PANGAKO"

Pero mahal asaan kana?
Mahal dumating lang sya
nawala kana sa daang tinatahak nating dalawa
Mahal diba laban natin tong dalawa
Pero bat ako nalang yung lumalaban mag isa

MAHAL ASAAN ka na ba?

PAGOD kana ba?
O sadyang may iba na
Mahal Kasi kung Pagod kalang , pwede naman tayong mag pahinga
Kasi mahal kung tutuusin kaya ko panamang ipag laban yung laban nating DALAWA

Pero sige mahal kung may iba na talaga
Tama na
Ititigil ko na
Ayoko nang pilitin ka pa
Sige  mahal,
labag man sa loob ko pero mahal PINAPALAYA na kita

Hindi dahil AYOKO na
Kundi dahil alam kong AYAW mona
Hindi dahil hindi na ko MASAYA
Kundi dahil alam kong MASAYA kana sa iba
Hindi dahil PAGOD lang akong lumaban mag isa
Kundi dahil alam kong PAGOD kanang ipag laban kaming dalawa
Hindi dahil gusto ko lang mapag isa
Kundi dahil gusto mo na palayain na kita

Mahal patawad kasi nag kulang ako
Hindi ko alam kung saan pero sana'y mapatawad mo
Wala eh ako LANG naman to
ok lang sayo na iwan mo

Pero mahal kung iwan kaman nya lagi mong tatandaan nandito lang ako
NANDITO PARIN AKO
PANGAKO

-Hazel Ann Sacayan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANGAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon