This is a Real Story.
Naranasan niyo na bang Magmahal ng Taong Di ka Mahal?
Welcome to my Dream Lovelife Story.
Nagsimula ang lahat sa Pagkakaibigan, sa School. First day pa lang ng pasukan, may Hate na ako sa section namin. Pero In a Past Few days, Naging masaya rin hanngang sa Dumating yung araw na may mga studyanteng lumipat sa section namin dahil sa tinanggal ng Principal yung section nila dahil wala silang Adviser. Sa araw nayun mas lalo kong naramdaman yung saya nang dumating yung taong gusto kong makasama in a whole school year, masaya ako dahil akalain mo Unexpected na yung crush mo magiging Classmate mo. Hangga't dumating yung araw na nakaramdam nako ng Kakaiba sa kanya as in..... Pagtapos nun, Naisipan kong magpatulong sa mga kaibigan ko para maging close kami. Then, Grabe sobrang bait niya talaga, pero nung malaman kong Mahal niya pa yung Ex niya, Nasaktan ako ng Sobra pero lumipas din. The best thing i know Kaibigan lang talaga yung turing niya sakin.
Hanggang sa Dumating si Marksa Buhay ko, First Empression ko sa kanya, naramdaman ko parang nakakatakot siya maging kaibigan ramdam ko pangit yung ugali niya. Naiinis ako sa kanya, Dahil sa tingin niya palang akala mo papatay siya ng tao. In a past few days, nagkatampuhan kami dahil sa di inakalang pangyayari, natulak ko siya sa tubig nung Nagpi P.E kami, Buti nalang di siya nasubsob. Diko naman kasi akalaing siya pala yun. Sorry ako ng Sorry pero Balewala, Walang napala di niya parin ako pinapansin. Hanggang sa Dumating yung araw ng Birthday ko. Sa araw nayun Si Echo parin nilalaman ng Puso ko, Sobrang saya ko nun dahil sa Message niya sakin. Pero dumating yung araw na nakamove on ako sa kanya. Naging magkaibigan kami ni Mark. Sa mga araw na magkakasama kami sa room lalo ko siyang nakilala. Balewala lang siya sakin noon, pero di ko naman akalaing Magugstuhan ko pala siya. Minsan nagugulat nalang ako kung bakit ko siya Tinititigan. Diko maitago ng mag-isa yung nararamdaman ko kaya Una kong sinabihan si Christine at Gerald. Pero di rin ito naingatan, Nakalat sa buong room. Ayun hinahashtag ko siya sa bawat GM ko. Hanggang sa Malaman niya. I know naman na hindi niya ako magugustuhan, Di naman ako kagandahan. Sa tuwing maiisip ko siya, lagi ko nalang nasasabing, bakit ba ang mga lalaki Ganda lang gusto sa mga Babae? Lagi kong naiisip na sana naging maganda nalang ako para naman magustuhan ako ng crush ko. Dati nung nalaman niya nagagawa pa niya akong kausapin, pero di nagtagal umiwas na siya. Minsan Pnagtitripan din niya ako, nung malaman ko kung anong ugali meron siya lalo akong Nainlove sa kanya, Lalong lumakas yung tama ko. Pero nung malaman ko yung mga gusto niya sa mga babae Umiwas ako kasi alam kong wala naman akong Pag-asa sa kanya. Tsaka yung pagtrato niya sakin feeling ko Binubugbog ako, Sobrang sakit palang laitin ka ng Taong Pinapahalagahan mo. Dahil dun sinubukan kong Magmove on pero diko magawa.
Hanggang sa Dumating yung araw ng Sembreak namin, nagpromise ako sa sarili ko na magmomove on ako. In one week, magagawa kong gawin yun. Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa Facebook kaka-status, Halos gawin ko nang twitter yung Facebook. Iyak ako ng Iyak dahil sa mga nangyari, pati sa mga advice ng mga friends ko diko mapigilang maiyak.
Pero In a Past Few Days, Nasabi ko sa sarili ko na Ready na akong Makita siya. Nakaramdam nako ng Ginhawa sa damdamin ko. Nang dumating na yung pasukan, ni Minsan diko nagawang banggitin yung pangalan niya, Feeling ko Move on nako.
Pagtapos nun dumating yung araw na naisipan kong makipagkaibigan nalang sa kanya, Nagpatulong ako kay Apple, siya yung kaibigan kong nasasabihan ko ng mga bagay na diko masabi sa iba. After that nagkatext kami ni Mark at ako mismo ang Nagsabi sa kanya na gusto k siyang maging kaibigan. Pumayag siya, kaya yun nagagawa ko na siyang kausapin. And now naisipan ko na sana matagal ko na siyang kinaibigan. At eto nako ngayon Masaya na dahil wala nakong nararamdamang galit sa kanya. I did the thing that i want to do.
Dito Nagtatapos ang Makabuluhan kong Kwentong Pag-ibig.
Thank for Reading.
I Hope you Enjoy it.