Ano kaya kung may TAYM-MASHIN (time machine)San ka kaya pupunta?.Madame kang maaalala mula sa kahapon.Mga paborito mong parte ng buhay mo na parang di-nakaksawang balik-balikan.Tipong pag naaalala mo napapa-ngiti ka na lang bigla(Siugardo ngayon may naiisip kana..).Ang paborito mong laro nong bata ka na kung san atchoy ang lahat pag ikaw ang kalaro.Paborito mong classmate na lagi kang napapatawa kahit pangit ang araw mo.Paborito mong lugar na ilang taon mona di napupuntahan.Mga oras ng tawanan at mga kalokohan mo na dimo malilimutan.Nong unang araw na pinansin ka Crush mo at syempre ang unang halik.Mga malungkot na parte na sana pwede mong balikan at ayusen o itama.Maling desisyon na sana pwede mong uliten ulet at mag desisyon ng ayos.Naaalala mo ang mga kaibigan na hinde mo na nakakasama at napapatanong ka “nasan na kaya sila?”
Maiisip mo den ang bukas,sino na kaya asawa mo,natapos mo kaya ang kursong gusto mo,ilang na kaya anak mo,may abs kana kaya sa susunod na taon,naka kuha ka na ba ng promition sa trabaho mo…. Mga tanong sa buhay mo na gusto mo ng malaman ang sagot.Limang taon na ang nakalipas nang tinanong mo ang sarile mo kung “ano kana” pagkatapos ng limang taon.At ngayon tatanugen mo ulet ang sarile mo kung “ano kana” pagkatapos ng limang taon.Sana meron rewind at fast-forward ang buhay,sana merong TAYM-MASHIN (time-machine).Masarap maging bata ulet na ang problema mo lang ay kung uunahen mo ang paglalaro o panonood muna ng cartoons.Maganda den makita ang bukas para malaman mo kung naabot mo nga ang pangarap mo ngayon.
Pero reality check walang TAYM-MASHIN (time machine).Kung ano ka ngayon ay dahil sa desisyon mo kahapon at kung sino ka bukas ay dahil sa desisyon mo ngayon.Kung may TAYM-MASHIN (time-machine) nanaisen mo bang itama ang mga pag kakamali mo kahapon? Paano kung yung mga pag kakamali mga pagkadapa mo sa buhay ang dahilan kung bakit ka natuto ngayon? Meron kabang lakas ng loob na malaman kung sino ka bukas? Paano kung nakita mo ang sarile mo limang taon simula ngayon sa senaryo na dimo inaasahan? Walang TAYM-MASHIN (time-machine)… Pero meron kang TAYM (time) ngayon.TAYM (time) para matuto sa kahapon at TAYM (time) para pag handaan ang bukas.TAYM (time) na kung dimo ginagamit ng maayos ay oras na para gamiten ng tama.Para bukas… limang taon…sampung taon…dawalangpung taon mula ngayon ay maging handa ka.