EPISODE 10 PART 4 -SUZIE and SKY

41 1 0
                                    

#Thebreakup

SKY's POV

"Baket pumapayag ka na saktan ka niya? Na bastusin ka harap-harapan!? Baket!?

Tanong ko kay Suzie no'ng araw na kinuha ko siya sa company ni Justine Monteclaro, naabutan namin na naglalamupungan ang namumulubing CEO ng Monteclaro Corp. At ang secretary niyang akala mo naman napakaganda.

'Di lang siya umiimik, umiiyak siya bagay na ayaw ko makita, pumunta ako sa kusina ng opisina ko at kumuha ng tubig sa ref, sinalin ko ito sa baso, at binalik ko ulit sa fridge ang bote ng tubig. Napabuntong hininga muna ako bago binitbit ang baso nang tubig pabalik kay Suzie.

Naabutan ko siyang humihikbi pa din, napailing ako habang papalapit sa kanya saka inabot ang baso sa kanya. Napatingin muna siya sa baso saka tinaas ang tingin sa'kin, iniwas ko lang ang tingin ko, kinuha niya ang baso saka nagpasalamat. Ang walang hiyang yun, makikita ko lang ulit yun, sisirain ko talaga ang mukha niya.

"Are you okay?" Tanong ko

Napatingin muna siya sa'kin saka tumango. Aaminin ko mahal ko pa naman siya ei, kahit nasaktan ako sa ginawa niya. Sa ginawa niyang pag- iwan sa'kin para lang dun sa manyak na anak ng Monteclaro.

"Aalis muna ako, dito ka lang..."

Tinawagan ko ang secretary ko na si Jecel, ito ang naging secretary ko since na umalis si Suzie, pagkapasok niya napatingin muna siya kay Suzie.

"Jecel aalis ako, can you please watch Suzie while I'm not around?"

"Ha? Ah S-sir? Nag fake Smile sabay Tingin kay Suzie. "Ah okay po sir.

Magsasalita pa sana siya nang lumabas na ako, at nakasalubong ko si Tanya ang dating ka department ni Suzie no'ng dito pa siya nag wo-work.

"Sir," aniya sabay yuko. "Pwede po bang bisitahin ko lang si Maam Suzie?"

"Sure, please paki tignan-tignan n'yo din siya, di madali ang pinagdaanan niya...Salamat."

Umalis na kami ni Mr. Kim, may aayusin lang kaming bagay na mahalaga, may tuturuan lang din ako ng leksyon nang umayos.

------------
********

"My gosh... Why me? Baket kelangan pabantayan sa'kin ng bf ko ang babaeng 'to"

SUZIE's POV

Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya, ano? Bf niya si Young Master? Sa iniisip ko nasaktan ako, masakit talaga, kung totoo man yun 'di ko rin siya masisisi kasi, ako naman ang unang nanakit.

"Ano bang sinasabi mo na gf ka ni Sir Sky? Kapal mo naman, as if naman noh na papatol si Sir sa'yo."

Napalingon naman ako sa nagsalita, napatayo ako nang makita ko kung sino, niyakap ko siya agad at ganun din siya sa'kin.

"Miss Suzie... Kumusta ka na po? Nabalitaan ko ang nangyari." Saad ni Tanya.

"Tanya, mabuti naman ako, ayos lang ako..."

Napangiti ako nang maghiwalay kami ni Tanya, hinawakan niya ang mga kamay ko at naramdaman ko ang pagiging sincere niya at concern.

"Ah oo nga pala, 'wag ka maniniwala sa sinabi niyang si Jecel na 'yan.. 'Di 'yan gf ni Sir..." Ngiti niya."Simula nang mawala ka walang ibang babae si Sir."

Napatikhim ang Jecel na sinasabi ni Tanya, napalingon naman kami sa kanya habang siya nakataas pa ang mga kilay.

"Ikaw Tanya, bumalik ka na sa trabaho mo at pag naabutan ka ni Sky lagot ka." Pagtataray ni Jecel na ikinataas ng kilay ni Tanya.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon