Episode 10 Part 5 Storm and Vicky

52 1 0
                                    

#TheBundleofJoy

STORM's POV

Abala kami ni Vicky sa paglilinis ng kwarto ng magiging unang anak namin, lalaki ang unang magiging anak namin ni Vicky, at limang buwan na ay napakasilan pa rin niya, ayaw niya ang mga amoy na subrang mabango.

At sa tingin ko din mga anak ni Steven ang pinaglilihian niya, mahal na mahal niya ang mga ito at spoiled sa kanya ang dalawa.

"Tita Vicky, are you busy?" Ani Jys na nakasilip pa sa pinto.

"Why baby?" Tanong ni Vicky saka binitawan ang ginagawa.

"Tita, I want to swim. Could you go with me?"

Napangiti si Vicky at nagpaalam muna siya sa'kin na aalis muna siya, napakamot na lang ako sa ulo ko dahil pagdating sa kambal handa niya akong ipagpalit.

Pagkalabas ni Vicky napapasimangot na lang ako, hi nako 'tong asawa ko, nagyaya na maglinis pero iniwanan din pala ako..

"Oh, ba't parang sinaklaban ka nang langit at lupa? Naagawan ka nanaman ng asawa ano?"

Napalingon ako sa nagsalita, si Isiah, 'di pa rin nagbabago ang mga ngiti niya, maganda pa rin siya at lalong gumaganda.

"Pa'no naman kasi, sabi maglilinis kami pero iniwanan ako para sa kambal."

"Wala kang magagawa, mahal niya ang kambal..." Tingin sa kwarto. "Ito ba ang kwarto ni Grey?"

Napatango ako, Grey kasi ang pangalan ng anak ko, yun ang napag kasunduan namin na name ni Vicky para sa una naming anak.

"Maganda, tulungan na kitang maglinis, total inagaw naman ng mga anak ko asawa mo ako na tutulong sa'yo."

"Mabuti pa nga, naisip mo yun."

-----------
********

Ilang oras din kaming naglinis ni Isiah nang dumating na si Vicky, kaya nagtaka siya ba't nandun si Isiah naglilinis.

"Hun, ba't mo pinaglinis si Isiah dito? Kapal nitong lalake na 'to di na nahiya kay Isiah."

Natawa si Isiah sa sinabi ni Vicky at nagpakamot-kamot na lang ako sa ulo ko, 'di naman ako ang nag-aya ei, siya naman.

"Nako Vicky okey lang, inagaw ka kasi daw---" Tingin sa'kin. "Ng kambal sa kanya, kaya tinulungan ko siyang maglinis."

"A-ano?"

Loka talaga to si Isiah, binuking pa ako, sa dalawang buwan na nila dito parang naging kampante nako na makipag-usap sa kanya.

"Oh, sya maiwan ko muna kayo ha at i-check ko lang yung kambal..." Aniya sabay himas sa tiyan ni Vicky. "Bye muna Grey alis muna si Tita." Aniya sabay beso kay Vicky. "kapag need mo help andyan lang ako sa kabila okay."

Napatango naman si Vicky at niyakap ulit si Isiah, nagpaalam na din sa'kin si Isiah at lumabas na para i-check ang mga anak niya, kaya naiwan kami ni Vicky na dalawa.

"Babe, ang bait ni isiah noh?" Ani Vicky na ikinangiti ko, hinila ko siya saka kinandong.

"Mabait ka din naman babe, pariho lang kayo."

Napangiti si Vicky at niyakap ako, hinimas ko ang tummy niya na limang buwan na, napangiti naman siya.

"Kumikilos siya, gusto ka niya babe."

"Talaga?"

Hinimas ko ulit tiyan niya, at naramdaman ko ang pagkilos ni Grey, napatawa kami ni Vicky kasi kahit ang liit pa niya ang likot-likot naman niya.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon