Episode 10 Part 6 Steven and Isiah

46 0 0
                                    


ISIAH's POV

Ngayong araw na 'to,nagtataka ako ba't ang lungkot ng bahay, at si Steven 'di ko mahagilap, pati ang kambal, nasa'n na kaya ang mag-ama ko na yun?

Lumabas ako para itanong sa mga kasama ko sa bahay kung nasan sila, pero lahat sila ang sabi 'di nila alam nasa'n ba naman ang tatlong yun? Pati sila Vicky di ko mahagilap.

Maya lang nakita kong dumating si Storm, saan naman kaya galing ang isang 'to? At ba't 'di niya kasama si Vicky? Mabuti pa tanungin ko na lang si Storm baka alam niya.

"Storm!" Habol ko

Napalingon naman agad si Storm, nagkamot-kamot ito sa ulo, ito naman 'di pa nga ako nagtatanong nayamot na? Batukan ko 'to ei.

"Oh Isiah, baket? Pasensya na ha nagmamadali kasi ako." Saad niya na kinabahan naman ako.

"Ha!? Baket may nangyari ba kay Vicky?"

"Ha? Ei... Wala naman."

Wala naman palang nangyari ba't ba siya nagmamadali? Nagtataka na ako sa mga tao dito lahat nagmamadali.

"Nakita mo ba si Steven?" Tanong ko na ikinailing niya.

"Hindi ei... nasan ba sila?" Balik niyang tanon.

Kaya nga nagtatanong ako sa kanya, tinanong pa niya ako... Nagpakamot-kamot na lang ako ng batok sa inasal ng mga kasama ko sa bahay, busy silang lahat na akala mo wala nang bukas.

"S'ya sege, nagmamadali ka 'di ba?"

Iniwan ko na siya na 'di siya nakapagsalita. Pumasok ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko, nag bukas na lang ako nang facebook ko para mag-update, pero na boring din ako.

Teka? Kelan ba ako huling nag practice nang martial arts ko? Marunong pa kaya ako? Napahiga ako sa kama ko at sinariwa ang kahapon na nag aaral pa ko.

Oo nga pala, kumusta na kaya ang papa ko? Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Matagal na panahon na rin na 'di ko siya nakita. 'Di ko namalayan na sa pag-iisip ko nakatulog na ako.

---------------
*********

"Mommy!, mommy!, wake up!"

Nagising ako nang marinig ang tawag ni Jys, dahan-dahan akong bumangon at tinignan si Jys na nakangiti.

"Mommy, get up and ware this."

Nagulat ako na tinititigan ang damit na casual, kulay puti, off shoulder siya na fit sa katawan, simple lang siya, walang masyadong design maliban sa diamond na nasa gitna nang dibdib.

"What's the occasion, baby?"

Tanong ko sa kanya na may antok pa at papikit-pikit pa ang mata ko, tinitigan lang ako ni Jys pero nakangiti lang ito.

"Mum, don't ask too much, okay? Just fix yourself, wear this, put on some make-up, simply much better, and I'll wait you outside…" Aniyang may ngiti. "okey."

Nilapag na niya ang damit saka lumabas na 'di man lang inaantay ang sasabihin ko, napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang damit sa tabi ko, hinawakan ko ito saka napakamot na lang ako sa batok ko.

Ano ba ang mayro'n at kailangan suotin ko 'tong damit na 'to? Take note mag mi-make-up pa? Sa halip na magtanong ako nang magtanong sa sarili ko, tumayo ako na may tamlay papunta sa banyo, nag toothbrush muna ako saka naligo na.

Habang nagsasabon ako, panay pa din tanong ko sa sarili ko kung baket ano ang mayro'n sa araw na 'to na kailangan magbihis pa ako ng ganun. Pinaling ko ang ulo ko at nagbanlaw na matapos ko shampoo-han ang sarili ko, pagkatapos ay kinuha ko ang twalya saka tinuyo ang sarili ko.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon