Bakit ba ganun? Hindi tayo kayang mahalin ng mga taong sobra nating minamahal. Minsan pa nga mas gugustuhin nalang natin itago yung nararamdaman natin kasi alam mo naman sa sarili mo na wala ding mangyayari. Kaya eto tayo ngayon, palihim na nagmamahal at nangangarap sakanila..
~~
3rdyear highschool palang ako, nagkagusto na ako sa isang lalaki. Dati nakakausap ko pa siya, pero ngayon hindi na. Dahil siguro nalaman nyang may gusto ako sakanya. Hayy. Ayoko talagang umamin sa isang tao na gusto ko siya dahil baka layuan niya ko. Ewan ko ba, bigla nalang nagbago ang lahat. Bwiset kasi yung kaklase ko e kung di yun nang aasar edi sana hanggang ngayon nakakausap ko pa siya.
At ngayon, 4th year nako pero hanggang ngayon siya padin yung gusto ko. Oo, nagkakagusto ako sa ibang mga lalaki pero sa huli siya padin talaga eh. Naalala ko nung birthday ko, nagulat ako kasi pumunta siya nun, hindi ko talaga ineexpect na mangyayari yun kasi nga hindi kami nagkakausap nun. Salamat talaga sa kaibigan ko, buti nalang nging kaclose nya yun. Hayy.
Ngayon feeling ko habang tumatagal nawawala na feelings ko para sakanya e. Syempre naman kahit gano mo kamahal yun magsasawa ka din lalo na kung binabalewala ka lang niya Kaya naman ngayon may nagugustuhan ako, pero may part sa puso ko na nagsasabing siya padin talaga. Yung taong nagugustuhan ko ngayon? Sus alam ko naman na hindi magkakagusto sakin yun e. Kasi hindi niya alam, di ko sinasabi. hahahaha bahala na siya kung makahalata siya. Yung taong yun, mas nakakausap ko siya, mas nakakasama ko siya kaysa dun sa isa. Yun din siguro yung dahilan kung bat ako nagkagusto sakanya.
Akala ko nga parehas yung nararamdaman namin e. Akala ko lang pala. Hayy. Nag assume nanaman ako. Ang sakit sakit. Hahahaha. :'( Sana kasi kaya tayong mahalin ng mga taong mahal natin eno? Para lahat tayo masaya. Walang nasasaktan. Walang umaasa..
Pero sakabila ng lahat, narealize kong hanggang ngayon, gusto ko padin yung lalaking binabalewala ako. Ang hirap pala talagang kalimutan yung taong minahal mo ng sobra..
Kaya hanggang ngayon umaasa padin ako kahit alam kong imposible namang mangyari. Wala e. Sakanya lang ako sumasaya. Yung tipong makita ko lang siya buo na agad yung araw ko. Sana maging kaclose ko yun. Susubukan kong kalimutan yung nararamdaman ko sakanya maging kaclose ko lang siya. Kahit kaibigan lang masaya na ko dun.
BINABASA MO ANG
WAG AASA. WAG MAG ASSUME. MASAKIT
RandomWala lang, trip ko lang to. HAHAHAHAHA ang boring kase e :( Pero true story to hahahahahahahahahahah. Korni ko. :'(