The bet begins

8 1 0
                                    

Matapos marinig ng lahat ang sinabi ni Kaito ay biglang umingay nanaman ang paligid. Hinawakan ni Kaito ang buhok ni Akane at hinalikan. Kinikilig si Akane pero Hindi nagpapatalo sa emosyon dahil alam niyang manloloko si Kaito. Mahaba ang buhok ni Kaito pero pogi pa rin siya.. Bumulong si Akane Kay Kaito.
Akane: Kung ayaw mong makalbo lubayan moko!.(smile)
At bumalik sa pagbabasa si Akane.
Kaito: (smile) tandaan moto! magiging akin ka !!...
At bumalik na si Kaito sa upuan niya. Nag ring na ang bell hudyat na mag uumpisa na ang klase. Nagpakilala ang bawat isa at nagkaroon ng special announcement ang teacher
Mr. Kun: ang nakakuha ng highest score or nag top sa entrance exams ay si...
Eimi: baka si Akane nanaman yan Sir.
Mr. Kun: napalitan na
Nagulat ang lahat
Mr. Kun: at ang bagong top student ay si Kaito Tanaka.
Gulat na gulat ang lahat at si Kaito ay chill lang. Halos manggalaite si Akane sa nangyare pero pinigilan niya ang emosyon niya.
* sa school na ito, kung sino ang nag top sa entrance exam ay kikilalanin ng top of the school year pero iba pa rin ang top as a whole. Ginagawang student council president ang mag top. Palaging top si Akane pero tinatanggihan niya ang student council president position dahil umuuwi siya ng maaga. Alam na ni Kaito ang rules ng school kaya naman...
Kaito: tatanggapin kopo yung tungkulin kung magiging vice president si (tinuro) Akane.
Hindi makapaniwala ang lahat sa mga nangyayare. Nagbubulungan sina Itsuki,Touma at Yuuto.
Touma: anong nangyayare Kay Kaito?
Yuuto: inuumpisahan niya na ang bet.
Itsuki: hahahaha tignan natin kung kakagat si Akane hahahaha
Touma: sino ba yan?
Yuuto: siya ang pinaka weird sa buong campus. Dahil maraming natatakot sa kanya e kaya siya tinawag na Miss Sudako. Matalino kasi nerd. Nanggugupit ng buhok at palaging may gunting.
Touma: mahilig ata siyang mag gupit pero sarili niya d niya magupitan?..
Itsuki: kaya palagi siyang nabubully nila Miyu! Nagulat kami kanina kasi lumaban na siya.
Yuuto: interesting diba?
Itsuki: at mukang virgin!
Touma: (napapaisip)
Mr. Kun: pero Hindi talaga nasali si Ms. Matsumoto sa council
Kaito: pag d po siya sumali d rin po ako sasali.. Kasi wala akong lakas pag wala siya Mr. Kun.
Dahil inis na inis na si Miyu ay...
Miyu: Mr. Kun I volunteer for vice president position.
Kaito: hmm... Ayoko!! . Akane pag isipan motong mabuti...
Akane:(isip) bat ba ayaw akong lubayan nento. Grrr. ....
Mr. Kun: Ms. Matsumoto.???
Akane: ayoko po Mr. Kun sorry!
Mr. Kun: bibigyan ko kayo ng 5 days para magdesisyon ... Okay class bye.
Umalis na si Mr. Kun at ilang oras lang ay break time na..
Eimi: sabay ka na samin.
Akane: pasensiya na nagtitipid ako ...
Lumapit ang apat na boys ...
Kaito: baby, bat ayaw mong kumain?
Akane:(sa isip) baby? Iniinis ako nento a.
Pasimpleng kinuha ni Akane ang gunting sa bag niya at binulsa. Bigla siyang tumayo at hinila si Kaito.
Sa lugar na walang tao..
Akane: anong problema mo?
Lumapit ng lumapit si Kaito Kay Akane
Kaito: ikaw!
Akane: talaga?
Gumamit ng martial arts si Akane at natalian niya patalikod ang mga kamay ni Kaito at napaupo ito. Iniikot ikot ni Akane ang gunting sa mukha ni Kaito para takutin.
Kaito: hoy! Anong gagawin mo?
Akane: (smile) tuturuan ka ng leksyon.
Kaito: ano?
At sinimulan na ni Akane ang pag gupit .. Saglit at mabilisan ang pag gupit niya .. Iniklian lang ni Akane ang buhok ni Kaito at mas pumogi lalo si Kaito sa gupit na ginawa ni Akane ...
Akane: (smile) ayan...
Nilapit ni Akane ang mukha niya Kay Kaito at kinalagan na niya ito
Akane: wag na wag mo na akong guguluhin..
Tumayo si Akane sa pagkakaupo at papaalis na ng hinila siya ni Kaito at hinalikan.. Matapos kumawala si Akane.
Akane:(inis-shocked) first kiss ko yun!!!!!!!!!!!!!
Kaito: (smile) tlaga? . Hmmm... Kukunin ko lahat ng first mo. Ako ang makakakuha ng lahat ng first mo. Kung ayaw mo mangyare yun maging vice president ka dahil kayang kaya Kong kunin lahat ng iniingatan mo.
Umalis na si Kaito at iniwan si Akane... Hindi makapaniwala si Akane sa mga nangyayare.
Akane:(sa isip) yung first kiss ko...
Pagbalik ni Kaito ay madaming nagtilian dahil mas gumwapo siya ..
Touma: anong nangyare sa buhok mo?
Akane: yung buwisit na babaeng yun...
Itsuki: hahahahah sabi na e .. Pero bagay sayo .. Buti di ka niya kinalbo..
Yuuto: oo .. May nakalbo na yun dito e. Hahawakan sana Pwet ni Akane e nakita niya kaya ayun kalbo haha...
Eimi: asan si Akane?
Kaito: (smile) natulala ata doon
Hanae: hah? Saan?
Kana: shh.. Guysss...
Papalapit sa kanila sina miyu,sana,at Jill
Miyu: Kaito! Gusto mo bang sumabay samin?
Sana: mas pumogi ka sa gupit mo a. Sino ba ang naggupit sayo niyan?
Kaito: Si Akane!
Jill: (inis) siya nanaman?!!
Miyu: by the way.. Sama ka samin treat namin...
Itsuki: Jill isasabay mo b ako?
Jill: mukha mo!
Si Jill ay biktima ng bet ni Itsuki kaya galit na galit si Jill Kay Itsuki.
Kaito: sorry.. (Nakita si Akane na nakasimangot ang bibig) Kasabay ko siya.. (Sabay turo Kay Akane) Hoy! Sabay tayo!..
Tumakbo si Kaito papunta Kay Akane.
Akane: ano ba?!!
Kaito: Hindi kita titigilan hangga't d ka pumapayag na makipag date saken..
Akane: (inis) tigilan mo na nga ako!
Inakbayan ni Kaito si Akane
Kaito: ano Tara na? (Pacute effect)
Akane: (blush)
Kaito: anong problema?.. Kinikilig ka? O first time mo ring maakbayan ng lalake?
Tinulak ni Akane si Kaito. At tumakbo papalayo..
Habang natakbo si Akane ay...
Akane: (crying) ang sama niya... Wala naman akong ginagasa sa kanya AAA...marami namang iba? Nananahimik ako tapos gaganunin niya lang ako .. Kiss,akbay .. Ano pa ba? Tsk.. (Nabuhayan) d ako papayag na may makuha pa siyang first ko ...
After class
In faculty
Mrs.Yoon: para makuha mo uli ang top ay kailangan mong mag leader sa isang play na gagawin. Yung play na yun ay papanuorin ng iba't ibang schools. Malaking celebration ito para sa atin ..Alam mo naman na taon taon ito ginagawa at tayo lang ang gumagawa nito. Magaling ka sa ganito bakit Hindi mo ilabas ang talent mo?.. Italy ang bansa na napagkasunduan ng co-teachers ko. So mag search ka ng mga stories sa Italy na ipiplay niyo .. Piliin mo yung may talent sa pag Arte ... Isa itong feast okay? Ikaw na ang inaassign ko para dito and I'll announce it tom. Akane goodluck...
Akane: (nagiisip) ...
Samantalang nagkita sina touma,itsuki,yuuto at kaito ...
Yuuto: Kaito! Ayus a. Bat si Akane Napili mong target?
Kaito: gusto ko lang malaman kung iba ba ang nerd sa ibang babae.. Nakakachallenge lang (smile)
Itsuki: Hindi ko naisip na pwede pala yun hahahaha... Goodluck ! Mukhang magihirapan ka Jan..
Kaito: gnun ba? (Evil smile) tignan natin..
Matapos ay nagkita kita naman sina eimi,hanae,kana,touma,yuuta,itsuki at kaito sa labas.. Magkakakilala sila dahil magkapatid sina Eimi at Yuuto.
Eimi: Kuya Sabay na tayo
Hanae: hi kaito! Hi touma!
Touma: hello...Hanae right?
Hanae: yup! Ano sabay sabay na tayo?
Itsuki: oo nga Kaito...
Kaito: mauna na kayo ..may hihintayin pako ..
Yuuto: (smile) (alam na binabalak ni kaito) sige..ingat pre ...
Umalis na sila maliban Kay Kaito..may lumapit kay Kaito na nga babae..
Girl3: Kaito! Sabay ka na samin..
Girl 4 : oo nga sino ba hinihintay mo!?
Kaito: Si Sudako..
Girl5: seryoso kaba sa kanya hah?
Kaito: (smile) oo
Girl6: malas mo naman friend si nerd yung gusto niya ..
Girl7: oh sige kaito! Dito na kami...
Kaito: oo sige...
Si Akane ay palabas na .. Si Kaito ay naghihintay sa labas ng gate nang makita si Akane na papunta sa kabilang direksiyon at sinundan niya.
Kaito: mukhang malalim iniisip mo a.
Akane: (shocked)
Kaito: ano. ? Makikipag date kana sakin?
Akane: lubayan mo nga ako! Bakit ba ako pa nakita mo? Maraming ibang babae Jan na mas maganda sakin.. Pwede bang tigilan mo na ako.. Kahit anong gawin mo d ako makikipagdate sayo..
Binilisan ni Akane ang lakad niya at sinusundan pa rin siya ni Kaito...
Kaito: e sa gusto kita e. D mo ba napapansin yun? Hah? Palagi kitang tinitignan at gusto kitang kausap.yayayain ba kita makipagdate kung d kita gusto?
Akane: oo .. Kaya mo yun! Kaya wag ako! Tantanan mo na ako .. Mag-aral ka nalang..
Kaito: kung mag aaral ako .. Edi palagi kanalang no. 2 ?
Akane: tsk! Wag mo na ako sundan!
Kaito: gusto lang kitang ihatid!..
Nilabas ni Akane ang gunting niya..
Akane: ano? Gusto mong makalbo?
Kaito: ihahatid lang kita sa inyo...
Akane: bahala ka...
Kaito: bat d ka nasakay?
Akane: nagtitipid ako .. At tsaka wala kang pake... Bahala ka mapagod..
Kaito: nag aalala ka ba?...
Akane: ASA ka..
Umakbay si Kaito at tinulak uli siya ni Akane at sinipa ang anes ni Kaito at sabay takbo .. D na nakasunod si Kaito sa sakit ng nararamdaman niya sa ginawa ni Akane..
Kaito: lagot ka saking babae ka!..

A/n: next next😂💜😉

Until the bet endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon