It's already 9pm on the clock pero hindi pa ren ako madalaw dalaw ng antok . Mabilis akong bumangon at dinampot ang susi ng sasakyan . Sa kamaynilaan kung saan ang bawat parte ay hindi natutulog ay maaga pa ang oras na ganito . Sa katunayan nga ay ganitong oras pa lang ang arrival ng mga taong walang magawa sa buhay or should i say those who are happy go lucky persons .
Pagkalabas ng gate ay tuloy tuloy na akong dumiretso sa lugar na madalas kong tambayan . It was a bar . Napansin ko ang pagtunog ng telepono , mga messages mula sa mga kaibigan ko . Ni hindi na ako nag effort na anyayahan sila , gusto ko lang munang mag isa . Dahil siguradong kinabukasan ren ay sila din naman ang makikita ko sa opisina .
After 30 minutes ay nasa parking lot na ako . Nakangiting bumungad sa akin ang dalawang bouncers ng club . During our college days ay dito na ang madalas naming tambayan .
"Good evening Sir Dave , Enjoy the night sir" . Magalang na bungad nila saakin . Pagtango lang ang naging tugon ko at nilagpasan ko na ren sila .
Sa bar counter agad ako pumwesto . Mabilis namang lumapit saakin ang waiter .
"Ano pong order niyo Sir Dave ? Beer or hard" .
"Beer na lang , i don't drink hard . Saglit lang ako" .
Then he gave me three bottles of beer . Mabilis ko itong nilagok . Napalinga ako sa paligid ko at nasagi ng paningin ko ang mga couples na walang habas na naglalambingan . Nu hindi man lang nila naisip na maraming matang nakatingin sa kanila . Well , nasa bar ako . Ano pa nga bang iniexpect ko .
Kapag nasa ganito akong lugar ay hindi ko maiwasang hindi mapag isip . At the age of 26 ay successful na ako . I can buy everything i want . Kung tutuusin nga ay kung gugustuhin ko ay pwede na akong magpakasal . And im sure na magandang future ang maibibigay ko sa magiging asawa ko . But i choose to stay single , because just like business mahirap mag invest sa taong hindi ka pa sigurado kung makakasama mo nga ng matagal . Ayoko naman ng pafling fling lang .
Then a bitter memories came up . Kung hindi siguro kami nagkahiwalay ni Zarinah ay malamang bumubuo na ren kami ng pamilya . Zarinah is my longtime girlfriend (an Ex actually) . Ill give her everything , naaalala ko pa dating andami dami ko ng plano para sa aming dalawa . Sa Paris ko siya pakakasalan at doon na ren sana kami maninirahan . But ill caught her cheating with me . Sa isa sa mga kaibigan ko pa . After that incident ay nakuha niya pang humingi ng tawad sa akin but i refuse to say no . Masyado niya akong nasaktan .Masyadong malalim yung sugat na iniwan niya sa puso ko .Then i started to change , naging matigas ako . Kinalimutan ko yung mga bagay na kinasanayan ko . Ginugol ko ang panahon ko sa negosyo para makalimutan ko siya , pinili ko na ren na dito sa pilipinas manirahan . Naging strikto ako to the point na monster na ang taguri ng mga empleyado ko sa akin .
But behind this cold man is a heart na sobra sobra kong magmahal . Pero takot na akong ipakita yun . Takot na akong masaktan .
-****
"Keep the change" . Nakangiting mukha ng waiter ang nasa harapan ko ngayon . Yun ay matapos kong bayaran ang mga nainom ko .
"Thankyou po Sir Dave" . Nagagalak pang wika neto .
"You dont need to say thankyou , you're just doing your job" . At nilisan ko na siya bitbit ang jacket na hinubad ko kanina .
"Ingat Sir Dave" . Pahabol niya pang bilin sa akin .
Ng makarating sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse . Nakaramdam ako ng kaunting hilo . Hindi talaga ako matibay sa inuman , hindi kagaya ng dalawang mokong na kaibigan ko . Naaalala ko na naman yung dalawang iyon . Malamang sa malamang ay nasa gimikan ren ang mga yun .