Karylle's POV
"Vice?!"
Halos isang gulat na bulong na tanong ang biglang lumabas sa bibig ko.
Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko na siya na iyon pero, pamilyar sa akin talaga itong boses na ito. S-si Vice to! Si Vice to di ba? Di ba author?
(F: Di ko po alam.)
Ayy...tss.
Mas mabilis pa sa snatcher akong humarap sa taong nakayakap sa akin. Natamaan pa ng medyo kulot kong buhok ang pogi face niya. Nang tuluyan ng nawala ang buhok ko na nakatakip sa mukha niya ay halos maging blender na ako dahil sa mixed emotions. Gusto kong tumalon sa tuwa at yakapin siya dahil namiss ko siya na crush ko, at the same time gusto ko rin umiyak sa harapan niya at sampalin siya dahil ang manhid-manhid niya. Bad pa. Ngunit mas pinili yata ng buong katawan ko at isipan ko ang titigan lang siya at hintayin siya magsalita.
Tinitigan ko siya. Ang laki...
Ang laki ng nagbago sa kanya. From his bad boy image, now, parang strict teacher. Wait, teacher? Lord, sana ok pa mga students niya.
Nagulat ako ng biglang yumuko si Vice at nagkapantay ang mga mukha namin. Nagdikit ang noo namin sa isa't isa.
Unti-unting naglalapit ang aming mga ilong. (Kyaaahh!) Hanggang sa... tinitigan niya ang aking labi. Ganoon din ako sa kanya.Parang ang bilis naman yata. Ah basta, konting push na lang Vice...
nang...
"Ate! Huy, gising po. Di nyo naman po ako pinicture-an eh!" sabi ni Coco habang niyuyug-yog ako.
Kasalukuyan pala akong umidlip dito sa bench ng Parent's Lounge after naming magkausap ni Vhong.
Teka, panaginip lang yon! Ay, hopia. Si Coco kasi eh, ginising agad ako.
"Oh Coco, anyare?" umayos ako ng upo at konting nag-inat-inat. Feel at school.
"Nag-perform na kami. Sa stage nga po ako eh. Kaso pag-akyat ko doon, tulog ka po nung nakita kita rito. Tsk. Sayang, di mo kami na picture-an..." sabi niya sabay kunwaring nagtatampong umupo sa tabi ko.
"Sorry Coco. Tatampo ka pa diyan. Hmmp! Nananaginip nga ako ng fairytale ko dito kanina eh, tapos ginising mo ko! Tss." biro ko kay Coco.
"Si Kuya Bad Boy na naman, teh..." sabi ni Coco habang nakangisi.
"Eh, sino pa nga ba?" pag-amin ko kay Coco. Sabay akbay sa kanya.
Kasalukuyan pa lang kumakanta ang isa sa mga kalahok dito sa contest ng Acquaintance Day. Kaya nuod-nuod muna ang mga estudyante katulad ni Coco.
Nakakagulat lang sa panaginip ko...si Vice teacher? Wehh?! Kaloka naman non ha, di ba? De bale, sabi nga nila...sa panaginip ang ay nagiging posible. Basta naisip mo.
Vice's POV
Kasalukuyan kaming nakatayo dito sa isang bilihan ng drinks dito sa canteen.
"Brad! Nakita ko pala kanina si Ms. Curly mo, si Karylle." sabi ni Vhong sabay akbay sa akin.
"Oh yes! I saw her, too. Gosh, mas gumanda si bestie!" sabat ng maarteng si Anne.
Nandito pala si Karylle. Baka kasama ni Coco. Of course.
"Ok." I said pagkatapos kong kinuha ang binili kong Iced Coffee.
"Ok lang? Wala man lang na tanong na Nasaan siya?, Nandito pa?, o Kamusta na siya? man lang?!" di makapaniwalang sabi ni Vhong sa akin.
"Oo nga Sir Vice, wala man lang reaction. Manhid ka nga talaga. Tsk." dagdag ni Anne.
Di ko na lang sila pinansin at dumiretso sa Complex. Leaving "VhongAnne" whispering to each other. Of course ako ang topic nila.
Dumiretso ako sa mga judges ng competition at nilapitan si Ms. Abad.
"Ms. Abad, Iced Coffee oh. Kanina ka pa stress sa pagjajudge eh." I said habang nilalapag sa table pasimple sa kanya ang Iced Coffee na binili ko for her.
"Thanks Bad Boy Viceral." she replied in a flirty way. She kissed me sa pisngi.
She's Kaye Abad. My Girlfriend.
But that doesn't mean na kahit girlfriend ko siya, eh mahal ko na siya. I don't take relationships seriously.
Kahapon ko lang naging girlfriend si Kaye. Wala eh, lakas ko talaga.
I walked around the complex. Checking if the stereos and the Multimedia Team are doing fine.
Nang mapagod ako kakacheck kung ayos lahat, napagpasyahan kong dumiretso sa Parent's Lounge. Hoping na nandito si...
si... sino nga ba?
Vhong? No.
Anne? No.
Saan ba ako dadalhin ng paa ko!
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko katabi si... Liz. Ang isa sa mga nakakairita kong estudyante.
Para siyang naiinitan kakapaypay sa sarili gamit ang kamay. Para ring kinikilig din o naiihi? Nahihilo ako sa pinaggagawa niya. Baliw.
"Umm...umayos ka nga Liz." saway ko kay Liz, kaibigan nga pala siya ni Coco.
"Sa-sarreh...po sir. Hihi!"
Naiinis ako sa kaartehan niya kaya lumipat ako sa ibang upuan.
Until I found myself seating next to...
Karylle's POV
Gosh! Totoo ba yung panaginip ko!
Isip ko habang nanonood kami ng program ni Coco magkatabi rito sa bench. Nagulat ako ng biglang may lumipat na matangkad na lalake sa bench na inuupuan namin.
Wala lang. Una, di ko siya pinansin pero nung bigla siyang napatingin sa katabi niyang si Coco ay napatingin rin ako sa kanya.
Hanggang sa nakatitig na ako sa kanya. Ka...ka...lo...ka...
"Ay, hello sir! Ate Karylle, si Sir Vice po pala." sabi ni Coco habang nakatingin sa amin.
"Si-sir Vice?!" gulat na tanong ko kay Coco. Habang nanlalaking mata kong tinignan siya.
Tumango siya at nabalik ang tingin ko kay Vice na nakangisi.
"Yes Ms. Curly, I'm Sir Vice, your sister's hot adviser." sabi ni Vice sabay wink.
Yabang parin talaga! Pero di ko maiwasang kiligin. Pero syempre syempre syempre, pa-dalagang Filipina yata to. Di ko pinahalata.
Pero ang bagay na aking kinagulat ay siya ang adviser ni Coco. Totoo yung panaginip ko.
"Ate, magkakilala po kayo ni sir?" singit ni Coco na biglang gumalang.
Agad namang sinagot ni Vice amg tanong niya na labis kong ikinapula.
"Yes, kaklase ko ang Ate Curly mo, este kasintahan ko siya dati. Di ba Karylle?"
Grabe, mukha akong sili. Ang pula-pula ng cheeks ko.
"Weh ate? Aba! Asenso ah!" kantyaw sa akin ni Coco.
"Hoy, hindi ah. H-halika na nga C-Coco. Bili na tayong donut sa canteen." hila ko kay Coco.
Pero kumalas siya.
"Ate, ako na lang. I'm a lady na. Saka mukhang kailangan nyo ng time...ViceRylle. Ay, ang cute. ViceRylle! I-titweet ko yan! Sige, dyan na po kayo. Bye Ate Curly! XP" sabi ni Coco habang tumatakbo palayo sa akin. Kumakaway pa ang loka.
Napatingin ako kay Vice na nakangisi.
"I miss you Ms.Curly..."
Naku, awkward! Patay ka Kulot.
#ToBeContinued
Thank you! :)
YOU ARE READING
Hi Teacher Bad Boy!!! (ViceRylle)
FanfictionA story of a young woman who fell inlove with a bad boy. But that bad boy always making fun of her with everything! From her curly hair to her life. What if they will meet again? What will happen now if that bad boy is now her sister's adviser?