XVII

2.1K 124 27
                                    



"Ano ba kasi talagang plano mo Pre? Nalilito na din kasi kami eh" Seryosong tanong ni Seb sa akin habang nandito kami ngayon sa isang malapit na bar sa opisina namin.


"Naku pre wag mo na ituloy yan, sasaktan mo lang yang si Ken. Hayaan mo na yung tao" singit ni Choi na kaagad kong binato ng mani na pulutan namin. Walang suporta ang kupal na ito eh



"Hindi ko alam mga pre, pero ang alam ko lang..kailangan ko na siyang mabawi. Ang dami nang nasayang na panahon" sagot ko sa mga ito.


Ilang araw ko na itong pinag-iisipan. After nga nung tagpo na ipinakilala si Shin sa amin ay naisipan ko na baka way na yun ng universe para sa sabihin na itigil ko na, na baka panahon na para sumuko at pakawalan ko na yung pag-asa na baka pwede pa kami. Pero hindi eh, every-time nakikita ko si Ken mas lalo ko lang gustong makasama siya. And ngayon alam ko sa sarili ko na dapat may gawin ako para mapasa-akin ulit siya. Kung baga sa baskteball its now or never,its either matalo ako or manalo.



"Sus akala mo naman maniniwala pa sayo si Ken. Pre hu...." pang-uulol pa sana ni Choi pero kaagad ko na itong binara.



"Inaka eh noh? Di ka talaga nakakatulong. Saka kung umaasa kang mapapasayo si Ken ,ulul! Kahit sagutin ka nun umasa ka na sa sementeryo diretso mo. Kupal amputek" Yamot kong sabi dito



"Gago may pag-asa ako dun noh. Ako pa ba? Di hamak na mas matalino at gentleman ako sayo noh" nang-aasar nitong sabi na sinimangutan ko.


"Inaka eh. Gatong ka din eh" saway sa kanya ni Seb


Tangina neto si Choi eh,pati ata to balak pormahan si Ken. Kilala ko likaw ng bituka neto eh. College pa lang naamoy ko nang trip neto si Ken eh,kaya pinormahan ko na agad baka masulot pa nitong isa e. Noong college kasi marami nang may trip kay Ken, dahil bukod sa talino at kabaitan nito ay ang tindi pa ng charm nito. Siya yuny tipong alam mong hindi kayang gumawa ng masama, yung halos halo na lang ang kulang sa kanya.



"Pero Clifford, gaano ka nakakasiguro na may pag-asa pa? Kilala natin si Ken, hindi yun nakakalimot. Hindi pa nga tayo sigurado kung napatawad ka na niya ehl paalala ni Seb



"Pre hindi yan ang tanong diyan eh.. Dapat ang mga tanong, Paano ka nakakasiguro na mahal ka pa? Na may natitira pang pagmamahal or worst baka naman may mahal ng iba?" Nakangising tanong ni Choi habang ako naman ay hindi nakapagsalita.



Tangina! Bakit bigla akong kinabahan sa mga pinagsasasabi nitong mga kasama ko? Pero paano kung tama si Choi, paano kung wala na talagang pag-asa, paano kung hindi niya na ako mahal? Pero hindi eh, sabi ko nga kanina its either manalo ako or matalo, kailangan kong irisk ito kesa naman pagsisihan ko sa huli. Gusto ko lang naman iparamdam kay Ken na he's worth the risk. Na kahit naging gago ako sa kanya noon ay nandito ako ngayon para patunayan sa kanya na nagsisisi na ako.



"Pre may punto si Choi, hindi sa dinediscourage ka namin, gusto lang namin sabihin sayo yung mga posibleng mangyari. Yung reality lang Clifford para handa ka if ever" paalala ni Seb habang tumatagay ako.



Alam ko naman yung mga pwedeng mangyari eh,kaya nga risk eh. Pero ayoko lang kasing magsisi sa huli atleast kung walang mangyari walang regrets na hindi ko sinubukan.


"Maiba nga tayo, ano ba plano mo?" Biglang tanong ni Choi



"Pormahan? Ligawan.. yung kagaya ng dati" medyo hindi ko ring siguradong sagot. Eh kasi nga hindi ko rin sure yung specific steps na need gawin.


Pero imbis na sumagot ay pinagtawanan lang ako ng dalawa kong kasama.



"Tangina ano bang nakakatawa?" Inis kong tanong sa dalawa.



Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon