Broken Glass

12 1 0
                                    

The Broken Glass

Dug...dug...dug...
My heartbeat seem slowly fading away
Just sitting on the bench let my hair sway
And you standing there in front of me just breaking my heart this day
Am I not enough, enough to make you stay.

Hayyysssstttt. Bagong araw pero walang pagbabagong ganap sakin ngayon. Andito na naman ako pilit kong tinatanong sa sarili ko kung---- kailan ba ako magiging sapat sa kanya?

Bakit kahit Ilan taon na ang nakalipas ang hirap pa rin kalimutan?

Kailan kaya siya mananatili sa tabi ko?

Where your promises now?
Your promises like every strands of my hair I can't count anymore
Your more than enough before
But you just leave me here alone, Fighting!!!
Fighting to this heartbreak and try to move on.

Ang dami mong pinangako sakin pero bakit sa daming pinangako mo andami din ng napako?

Ikaw lang. Ikaw lang talaga sapat na eh. Pero bakit naman ganun?

Bakit mo naman ako biglang iniwan?

Bakit ka biglang bumitaw at ako na lang ang hinayaang lumaban?

Hanggang ngayon.... Hanggang sa ngayon sinisikap ko pa rin maka-move on.

I'm like a fish catch by your bait
Your hands that in my hand so warm, so tight
"I like you" that's the first word you say that means I will hurt you.
"I love you" that the second word you say
That the real means get ready I will leave you

Alam mo nakakatawa nga eh. Nakakatawa kasi isa rin ako sa nabitag sa pain mo.

Sa pain mo katulad na lang ng mga kamay mo na napakasarap hawakan at hindi na bitawan.

Isa sa mga araw na hindi ko makakalimutang sinabi mo sakin na......

"I like you"

Pero wala ng mas sasaya nung sinabi mo sakin na......

"I love you"

Nasa sobrang saya at tuwang nararamdaman ko ay hindi na ako nakapaghanda sa panahon na.....

sasaktan at iiwan mo din ako.

Dug... dug... dug...
"I'm tired" the last word that broke me into pieces
That you can't see my tears falling down into my face
Where are your kisses and hugs that comfort me before?
The happy ending that my wish before
But it's became "Goodbye I will not love you anymore."

"I'm tired"

Isa sa mga salita na sobrang pagpabasag at nagpadurog sakin.

Napagod ka saan? Sa pagmamahal sa akin? Pag-intindi? Saan?!

Ako kasi hindi ko alam kung ano ba ang tamang maging sagot sa tanong ko na'to.

Naalala ko pa... Dati ayaw mo akong nakikitang umiiyak o kung makita mo man ako na umiiyak tutuyuin at pupunasan mo na yun gamit ang kamay mo.

Pag hindi pa ako tumigil sa pag-iyak, yayakapin mo ko.

Kung hindi pa rin uubra hahalikan mo ang buong mukha ko at hindi ko namamalayan na unti- unti natigil na ako umiyak at natatawa na lang sa ginagawa mo. Pero....

Nung araw na yun.. hinayaang mo lang ako umiyak at tumalikod ka at sinabi mo pa ang salitang tuluyan ng bumasag sakin...

"Goodbye, I will not love you anymore."

At iniwan mo na ako mag-isa ng di man lang nililingon.

Nasaan na yung happy ending na pinangarap ko? Bakit naman kung kelan akala ko okay na.. na masaya na tayo, iniwan mo ko.

Ang unfair mo. Ang unfair mo kasi wala man lang warning para na-secure ko 'tong puso at damdamin ko pagdating sayo.

Pero naisip ko na. Tama talaga sila na pagdating sa love magiging masaya ka at masasaktan ka.

Na pagdating sa love di kaagad makakamit ang happy ending na hinahangad ng karamihan sa taong mahal nila.

Para sa akin kailangan mo munang buuin at mahalin ang sarili mo. Hindi kinakailangan ng madaliang paggaling. It takes time. At pagdating ng panahon na magaling kana. Okay kana. Mahal mo na ang sarili mo. Lubos,liglig at umaapaw na. Baka dun na. Yun na ang tamang panahon para magmahal ka ng iba at malay mo at malay ko kung siya na pala ang happy ending natin.

Katulad ko ngayon na masasaktan man ng dahil sa kanya balang-araw.....

Balang-araw ay pasasalamatan ko siya dahil naging isa siya sa naging dahilan kaya ako naging maganda at bagong versyon (version) ng sarili ko.

***END***

The owner of the spoken used is ACHELLE MACAUBA. Hi my dear cousin. Thank you for that spoken you wrote. 😊 Labyu😘😘😘

Hope enjoy reading this 😊🤭 Hope you leave a comment below 👇. I'll love to read it. 😊😊😊 -sadistmelody

BROKEN GLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon