Chapter One = Ari's introduction

25 1 0
                                    

Lahat ng tao, wishes they could turn back time. We all make mistakes in the past or sometimes there's a memory we would like to experience all over again. But not all people has that chance to manipulate time. Pero ako? Kaya ko

I'm Ari Santos, tagapagmana ng building na APARTMENT 81. "Where all of your regrets could be erased or your dreams could be felt again"

<Ari's POV>

Si tita ko ang original owner nito. Si Farah Santos. Sa akin pinamana kahit hindi ako totoong apo ni grand dad, si Emman Santos. Ang mga Santos ang mga mayayaman noong kapanahunan pa ng pagsakop ng mga Amerikano sa Pinas. At etong Apartment 81 ay dating nakapangalang Palasyo de Santos.

Oh well, mataas pa ang story ng family tree ko kaya mamaya ko nalang sasabihin sa inyo. Ako si Ari Santos. Dakilang anak ni Marie at Ponce Santos. Yep, galing sa mama ko yung name ko.

Matagal na akong nag aaral sa St. Augustine High School. I'm on my senior years at excited na rin ako for college. Syempre ang gusto nila papa HRM o Business courses kunin ko para maka tulong ako sa family business. Pero yung gusto ko tourism. gusto ko umalis dito sa Pinas. I wanna travel more. One day hindi na makakalakad yung mga paa ko kaya nga dapat travel while you can diba?

Another day at school. Dahil sa family business aakalain ninyong super popular ako sa school noh? pero hindi. I'm just an average student. Hindi ako pinapayagan ng parent's ko maging sikat sa skwelahan namin. Kaya wala silang reklamo sa grades ko basta yung kunin ko lang na marka ay yung hindi ako mapansin ng ibang tao. Pero hindi naman ako loner. I have friends. Si Kathrine Cruz at si Nikkie Grace Smith. Yes, sosyal friend ko kasi international. oi Aussie!

Si Kath, makulit. Marahas yung dila masyado pero mabait na tao. Si Nikkie, kahit maganda, sobrang simple. Pareho kami ng ayaw ang attention. Pero minsan kasi napapansin na ng mga tao yung kagandahan niya simula nung tinanggal na niya yung braces niya. Kaya medyo iniiwasan kong dumikit sa tabi niya. baka kasi mapansin rin ganda ko. Chour! haha

Wala namang bully sa room namin. Lahat kami nagkakasundo sa room. Walang pataasan sa confidence at kahit nga sa grades. Yung valedictorian namin at president rin namin, hindi naman talaga siya competitive. Sadyang siya lang yung may ganang mag effort. (sana all)

Pero yung Higher year sa amin (grade 12). Merong mga babaeng may sungay, at mga lalakeng palihim dumiskarte. Ayoko talaga sa batch nila. Lalo na kay Heidi Smith. Siya ang leader sa girl group nga SMITHZIES. Lahat nalang ng event sila lang yung pinapayagan mag perform. Like, hello umay? Kapatid siya ni Nikkie pero magkaiba talaga ugali nila. Malandi si Heidi. Dahil sa mala foreigner niyang ganda, marami siyang nauuto na ka batchmates ko. Dine-date niya para may manglibre sa squad niya tapos pag nakahanap ng bagong guy, i be-break agad. So far hindi siya natapakan ng karma. Grabe yung fighting spirit niya, lahat ng binasted at binreak niya, nag transfer agad ng school. Si Nichole Garcia ay alipores niyang palaging naka buntot sa kanya. Yun yung pasimuno sa pang bubully sa mga girls. Lahat kasi ng babaeng nahuhumaling kay Nichollo Montes ay aatakihin ng tropa niya.

Minsan nga gusto kong batukan eh. Pano, para lang sa lalake mananakit siya ng nga kapwa niya babae. Para namang loyal niyong syota niya. Eh yun pa ang may pinkamakapal na mukha. Ang landi landi ng lalakeng yun! Tulad yung barkada niyang si Eddie, Eddie siya. (hahaha. joke) c Eddison Garcia. Pinsan ni Nichole na nag attempt mangligaw sa akin. Buti nalang pinagbantaan siya ni Nikkie na hindi ipagkalat yun. Binasted ko naman talaga siya, hindi rin ako umasa. Pero siyempre natapakan pride ko dahil may syota na pala siya na mahigit 2 years sa isang college student. Oh diba, dakilang f**kboi kasi pumapatol na sa mas mature, maghahanap parin ng pre-mature (Este mas bata). Buti nalang wala sa barkada ko ang napagtripan nila.

Yung lang naman ganap sa school. Lesson, quiz tapos uwi sa hapon. Buhay ng walang extra curricular. buti pa sila Kath at Nikkie. may mga sinasalihang sports.

Pag uwi ko, all the same. Dinner tapos mag tatrabaho ng 24 hours.

Ay... oo pala, 8 hours lang pala sa orasan ng mga tao. hehe

PAUL ANDERSON'S APARTMENT 81Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon