Sobrang daldal ni Allen, Marami siyang ikinukwento pero ako tahimik lang, kapag may tanong tsaka lang ako sasagot. Pero hindi ko sinabi kong bakit kailangan ko pang magpanggap.
Panay ang sulyap ko sa mga guards ko, maya'maya din kasi ay may katawagan si Kuya Garry, kung hindi ang lolo ko sigurado akong mga pinsan ko iyon, di kaya si Kuya Sirius.
"Bakit ka nandito? Ang alam ko ay naroon sa DLM ang mga magulang mo. " Tanong niya. Medyo magaan na ang pakiramdam ko sa kanya, ewan ko kung bakit pero sa ngayon choosy pa ba ako? May nakakausap ako hindi ako mukhang tanga na mag-isang umiiyak at walang kasama.
"Yeah. Uhm.. Nandoon sila with Kara." Nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Allen sa sinabi ko, siguro naman naalala na niya ngayon na kapatid ko ng babaeng iyon. Gwapo si Allen, mestizo, hindi nalalayo sa mga modo ang katawan kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kinikilig ang mga babseng napapadaan sa harap namin sa tuwing nakikita siya.
"Sikat ka dito?"tumaas ang isang kilay niya. " I mean, kilala ka?Heirs ka? You know what I mean, pumupunta ka sa event nila every year. Tulad ng mga kaibigan ko, You know Prince, Seiko and Ara? They're my friends." Nakainigi kong sabi ng maalala ang mga kaibigan ko.
Nakakagaan nga ng loob kapag may nakakausap ka. Yung hindi mo kailangan magpanggap o ano man.
Maysasabihin pa sana ako ng mapansin kung bakit mukhang malalim ang tingin ni Allen sa likod ko.
Si Kuya Garry, patakbong lumalapit.
"Ma'am, kailangan po ninyong umalis dito. May nakaalam po ng location ninyo gamit ang card at sa tingin po ng Lolo ninyo ay papunta na ang naghahabol sayo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Naghahabol! Bakit ko ngaba laging kinakalimutan na may gustong manakit sa akin. Tama ba?
"Wala akong mapuntahan Kuya. Saan daw ako---"
"You can come with me.." Si Allen.
"Hindi pwede, baka po kami ang mapagalitan. Trabaho po namin ang protektahan si Ma'am." Si Kuya Garry. Nasa likod niya ang ibang guards, umilaw narin ang van hudyat na pinaandar na ito ng driver.
"Do you trust me?" Allen asked.
Hindi ko pa siya lubos na kilala. Pero mukhang maaasahan naman.
"Sabihin mo kay Lolo na kasama ko ang kaibigan ko.. Let's go Allen."
Ako na mismo ang humila kay Allen, Ilang sigaw pa ang ginawa ni Kuya Garry pero wla na siyang nagawa.Tinuro sa akin ni Allen ang kotse niya, hindi pa kami nakakalayo ng biglang may dumating na puting van katai ng lang ng sasakyan ng guards ko.
Armadong lalaki ang nagsibabaan at at agad na lumapit sa van namin.Nakita kong sumenyas si Kuya Garry na kailangan ko ng pumasok sa loob ng kotse ni Allen. Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako, ng tumunog ang sasakyan niya ay nauna na akong pumasok.
Hindi ako mapalagay. Labis na kaba ang ang naramdaman ko sa oras nato..
"Are you okay?" Si Allen ng makapasok sa sasakyan.
Mangiyak-ngiyak akong tumango sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at sinabing huwag akong matakot.
Pero hindi iyon nakatulong sa naramdaman ko, lalo pa ng kinuha niya ang baril sa ilalim ng kanyang upuan, at mabilis na pinaandar ang kotse.
Tulad ni Prince, magaling magmaneho si Allen. Kahit sa palikong daan ay nagagawa pa niyang bilisan.
"Don't be afraid..."Sabi niya. " Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may naghahabol sayo."
"Sorry..Hi-hindi ko rin alam., hindi ko kasi alam na pwede akong ma track sa atm card ko. Hindi ko alam na ganoon sila ka interesadong makuha ko." Bumuhos na ang luhang kanina ko papinipigilan. Wala si Kuya Sirius sa tabi ko, takot na takot ako.