Poet 1

3 0 0
                                    

Alam mo bang..
Lagi akong nakabaang
Sa iyong mga hakbang
Masulyapan ko lamang
Kaguwapuhan mong walang katimbang
Bibig ko'y napapaawang
Tila tigang na tigang.

Naalala ko nung araw...
Ikaw ang umagaw
at pumukaw.
Nang ika'y natanaw
sa iyong mga ngiti ako'y iyong pinukaw
at puso ko'y tuluyan mong ninakaw

Ikaw ang dahilan ng bawat ngiti.
Ikaw ang sanhi
sa bawat pamumula ng pisngi
Ikaw ginoo,ang bumihag saakin na isang simpleng binibini.

Naalala ko nung ika'y pinadalhan ko ng mensahe
nang ika'y tumugon,ako'y nagtitili
magdamag na hindi maalis ang ngiti
pakiramdam ko puso ko'y tumigil sandali
tila akong nakalutang sa ere

Mga araw na dumaan
mula sa malayo'y lagi kang namamataan
minsan ay sinusundan
di nagsasawang tignan
mukha mong sumisimbolo sa kaguwapuhan

Tuwing andiyan ka ay di mapakali
maliit na bagay lang ako'y iyong napapatili
Ikaw ang dahilan ng ngiti
Ikaw rin ang dahilan sa kirot at hapdi

Ano ba ito ginoo?
Itong pakiramdam na binigay mo
parang natutuliro
Normal pa ba ito?
Hulog na hulog na sa iyo
Hindi na lang basta paghangan to
Umiibig na ba ako?



-jitsuni

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon