PRUSISYON
NAKATINGIN LAMANG SI DORINA SA MGA TAONG NAMAMANATA. Palakad lakad siya ng nakapaa sa mahabang prusisyon ng mga tao. Inaasahang dalawin siya ng suwerte. Hindi. Hindi suwerte ang kailangan niya, himala. Kailangan niya ng Himala.
"Isang anak lamang po. Isang anak lang." Tila isang orasyon ang kanyang munting hiling. Ang magkaroon ng isang anak. Isang sanggol. Ito lang naman ang kanyang inaasam hangga't nabubuhay pa siya. Ang magkaroon ng kanyang matatawag na anak.
"Hon, tama na iyan. Nagkakasugat na ang iyong mga paa." Tiningnan niya ang taong nag-sasalita at nakita si Mario. Ang kanyang asawa. Binata pa ito at maraming nag-sasabing hindi sila bagay sa isa't isa. Sa edad niyang kuwarenta ay nakabingwit daw siya ng dalawangpu't-tatlong taong gulang na lalaki. Ang puna nga ng kanyang mga kaibigan ay kung anong klaseng gayuma ba ang ipinainom niya kay Mario at pinag-tuunan siya nito ng pansin.
"Kulang pa. Para sa ating anak. Para sa ating magiging sanggol. Tatapusin ko ito." Matamlay niyang sagot. Kinuha niya ang dala-dala niyang tubig at ininom ito. Pinahid niya ang balde-baldeng pawis na tumutulo sa kanyang noo at ipinagpatuloy ang pag-lalakad ng nakapaa.
Sa katunayan, di naman niya kailangang mag-hirap ng ganito. Pwede naman niyang gamitin ang milyun-milyon niyang pera upang mag-ampon ng mga supling ngunit gustong-gusto niyang pag-hirapan ang lahat ng bagay. Gaya na lamang ng pawis at dugo niyang inalay sa kanyang kompanya upang lumago ito.
"Ineng," Nabigla siya ng may makabangga sa kanyang isang ginang. Naka-itim ito ng bestida at may kalong maitim rin. May kung anu-anong nakasabit na burluloy sa leeg nito at tila'y mangkukulam sa taas ng mga kuko nito. "Narito ka ba para sa'yong kahilingan?"
Tumango naman siya bilang pag sang-ayon at nakitang ngumiti ang ginang. Hindi niya nakikita ang mga mata nito dahil sa may kalakihan ang kalo nitong tumatakip sa mga mata nito. Nasilayan lamang niya ang maiitim at bulok nitong ngipin habang ito'y ngumiti.
"Paano niyo po nalaman?" Tanong niya sa ginang habang patuloy sa pag-lakad. May natapakan siyang tila matulis na gumawa ng malalim na sugat sa kanyang paa ngunit patay mali niyang tinanggal ang maliit na thumbtacks at patuloy sa pag-lalakad.
Napatawa ang matanda. "Pare-pareho lang kayong mga tao. Mga makasarili."
Nabigla siya sa tinuran ng matanda. Kung makapagsalita ito'y para bang hindi ito tao. Bigla siyang kinabahan sa presensya ng matanda. Ngayon lamang niya napansin ang mga wirdong mga simbolo at marka nito sa katawan na animo'y nanggaling sa ipinagbabawal na relihiyon.
"Nagkaroon rin ako ng anak," Nabigla si Dorina nang marinig ang malungkot na emosyon ng ginang. "Ngunit naaksidente siya. Gusto mo ba ng anak? Isang madaliang paraan. Garantisado kong hindi ka na mag-hihirap." Nakangisi nitong tugon.
Nabigla naman siya sa tinuran ng matanda. Halos lahat ng remedyo na sinabi ng kanyang mga amiga ay ginawa na niya at lahat ng iyon ay hindi tumalab. Mapapagkatiwalaan kaya niya ang matandang ito?
"Maraming salamat po Lola ngunit ayoko." Sagot niya habang binilisan ang pag-lalakad, inaasahang iwanan na lamang doon ang matanda. Kinikilabutan siya sa anyo ng matanda.
Tumingin siya sa likod upang tingnan kung nakasunod pa ba ang matanda at laking tuwa niya nang wala na siyang makitang ni isang anino ng wirdong ginang. Malamang ay natabunan na ito ng mga tao habang namamanata.
"SIGURADO KA?" Nabigla siya nang makita ang nakangiting matanda sa harapan niya. Nakahawak ito ng mahigpit sa magkabila niyang braso. Nakadiin ang mga kuko nito sa kanya. Ramdam niya ang hapdi at ang mainit na dugong umaagos sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
Prusisyon [ONE-SHOT]
HorrorIsang sanggol ang inaasahan ni Dorina sa prusisyon ng mga Santo ngunit sa prusisyong iyon ay may makikilala siyang matandang babae, matandang babaeng gigising sa kanya sa kanyang mga bangungot. Sino nga ba ang matandang ito?