Naiiyak na si Mika dahil hindi niya mahanap ang diary niya noong grade 7 siya.
Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto niya at kararating lang niya kanina mula sa school nang maisipan niyang buklatin muli ang mga diary niya.
Ngunit ang nakita lang niya ay ang diary niya noong grade 8 at grade 9 siya. Kanina pa siyang naghahalungkat ng mga gamit niya ngunit hindi niya talaga iyon makita.
Hindi pwedeng mawala iyon dahil nakasulat lahat sa diary niya noong grade 7 siya ang mga first time niya sa high school life niya.
Pinakamahalaga rin iyon para sa kanya dahil iyon ang kauna-unahan niyang diary sa high school.
Hindi na niya alam ang gagawin niya kaya naman maluha-luha siyang umupo sa kama niya at sumandal sa headboard.
Medyo mababaw na dahilan iyon ng pag-iyak niya kung iisipin ngunit napakahalaga talaga ng mga diary para sa kanya.
Sa pamamagitan kasi niyon ay nababalikan niya ang iba't ibang mga alaala.
Na kung saka-sakaling makalimot man siya ay mayroon naman siyang diary na pwedeng makatulong sa kanya na maka-alaalang muli.
"Mika, anong problema?"
Tanong ng mommy niya nang marinig siguro nito ang pag iyak niya.
"Mommy! Nawawala po 'yong diary ko noong grade seven"
Hindi niya napigilang mas lalong maiyak pa at lumapit naman ito sa kanya saka inalo siya.
"Tinanong mo na ba sina Lori at Ria?"
"Wala naman po silang gagawin doon eh"
"Tahan na, mahahanap mo rin 'yon"
Pinahid na niya ang mga luha niya saka nagpaalam na ang mommy niya dahil may pupuntahan lang daw ito.
Wala pa naman ang daddy niya dahil nasa opisina pa ito kaya silang tatlo lang na magkakapatid ang nasa bahay ngayon.
"Lori! Nakita mo ba 'yong diary ko noong grade seven? 'Yong makapal na notebook na kulay pink?"
Tanong niya kay Lori nang makapasok siya sa kwarto nito. Naabutan naman niya itong tutok na tutok ang mga mata sa laptop nito.
"Hindi, ate. Tanungin mo po si Ria"
Lumabas na siya sa kwarto nito at nagpunta naman siya sa kwarto ni Ria. Nandoon naman ang bunso niyang kapatid habang busy sa pakikipaglaro sa mga teddy bears nito.
"Ria, nakita mo ba 'yong notebook ko na pink?"
Tanong niya dito habang pinapanood ito sa pagpapainom nito ng gamot daw sa nga teddy bears nito.
"Nasa bag ko po"
Nanlaki naman ang mata niya saka hinanap ang bag nito.
"Nasaan ang bag mo?"
"Nasa study table ko po"
Sagot nito kaya agad niyang kinuha ang bag nito at hinanap sa loob niyon ang diary niya ngunit hindi niya makita doon.
"Bakit wala dito?"
Tanong niya at lumapit naman sa kanya si Ria saka ito naman ang tumingin sa bag.
"Hala! Nakalimutan ko po sa school!"
"Ria! Bakit mo kasi dinala sa school mo? Paano 'pag nawala 'yon?"
"Sabi po kasi ni teacher ay magdala kami ng diary eh wala naman akong ganoon kaya 'yong sa'yo na lang ang dinala ko"
Sabi nito at nainis naman siya sa kapatid niya.
"Dapat hindi mo pinakakikielaman 'yong gamit ko! Baka mawala 'yon!"
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"