Kabanata 2

796 23 0
                                    

"Aray ko po. Ang sakit ng pwetan ko." Reklamo agad ni Nathan ng makababa kami sa bus. Nandito na kami sa bayan pero wala pa sa mismong lugar namin.

"Hay. Kapagod." Sabay upo ni Ivie sa may maleta niya.

"Sasakay pa tayo ng isang bus, Gab?" Tanong ni Denzel. Inayos niya yung buhok niya at inilibot ang tingin.

"Yup. Hintay na lang tayo dito, dito daan ng mga 'yon."

Napatingin ako sa may relo ko. Alas-dies na ng gabi. Sigurado namang may bus pa ngayon papunta ng Napaliong.

"Ano?! Sasakay pa tayong isang bus?" Inis na nagkamot ng ulo si Nathan.

"Oo. Paulit-ulit? Gusto mong maiwan dito?" Maangas na angil ni Marky kaya napailing na lang ako.

"Sabi ko nga." Natahimik na naman siya. Humalakhak ako at nginusuan niya lang ako bago inirapan.

"Konti na lang." Saad ko sabay tingin sa paligid. Wala pa ding pinagbago 'tong  bayan. Lahat sila ay napapatingin sa amin. Mga tao talaga dito makakita lang ng mga taga-Maynila akala mo artista na.

*beep beep*

Napatingin ako sa bus na huminto na sa harap namin. Sumakay naman  agad kami at umupo sa pinakadulo.

"Ganto pala bus dito no? Walang aircon." Bigla na lang nasabi ni Nathan ng makaalis na yung bus.

"Bibig mo Nathan." Siko ko sa kanya. May mga ilan kasing napatingin sa amin. Baka mamaya masabihan pa kaming ang yayabang namin. Tahimik lang kami sa byahe, halatang pagod talaga maliban kay Nathan. Kasi naman, sa halip na manahimik, nananakot pa. Sarili lang naman niya kasi yung tinatakot niya.

"Gabbi. Ang dilim na." Bulong niya sa akin.

"Natural. Gabi na." Natatawang sagot ko. Pasalamat siya dahil tulog yung tatlo.

"Wala ng masyadong sasakyan dito. Marami pang puno, bato-bato pa yung daan. Gabbi, baka mamaya may manananggal dito ha?" Pigil na pigil yung tawa ko dahil sa sinasabi niya. Palibhasa bagong salta dito. Ngayon lang nakarating sa probinsya.

"Onga. Nung nandito pa ako, maraming mga aswang dito." Naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ewan ko lang ngayon."

"Baka wala na?"

"Hindi. Baka mas dumami pa."

Natawa ako ng malakas dahil sa ginawa niya. Sinarado niya agad yung bintana ng Bus sa tabi niya at kitang-kita ko kung paano siya mamula at pagpawisan.

"Joke lang! Walang aswang dito." pagkasabi ko non aykiniliti niya ako saglit at ilang saglit lang, knockout din. Nakatulog na.

Ako nalang gising sa aming lima. Nasasagi na naman sa isip ko yung mga alaalang masasakit dito.


Third Person's Pov

Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ng kaibigang si Nathan at pumikit. Muling inalala ang mga masasakit na ginawa sa kanya noong siya ay bata pa.

"Ang panget mo! Ay hindi,isa kang Beast. Beast Gabbi. Nakakadiri ka. Di ka nababagay dito, dapat nasa gubat ka." Sigaw ng isang batang babae sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang yumuko lamang. Sa isip niya, ano ba namang laban niya siya sa isang Chesca Lim na ubod ng ganda kahit bata pa ito. "Umalis ka nga dyan. Sa amin to. Dito kami umuupo bakit nandito ka? Doon ka sa putikan, doon ka kumain. Di ka bagay dito!" Wala pa ring nagawa ang batang Gabbi ng marahas siyang hinila sa pagkakaupo at malakas ding itinulak dahilan para mapasubsob sa sahig.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon