Prologue

1K 21 3
                                    

"Starting in 3... 2...1... ACTION!"

Narinig kong sumigaw yung director. Nandito kami ni James ngayon sa Kris TV. Another interview, another lie.

Tita Kris: "So James, paano mo napapagsabay ang marami mong trabaho at makasama ang mga mahal mo sa buhay?"

James: "Actually, Tita, hindi ko na kailangan yan. Kasi habang nagtratrabaho naman kami sa shooting ay kasama ko naman ang mahal ko."

Tumingin sakin si James at kumindat. Bigla niyang inintertwine yung kamay namin. Nagtilian naman yung mga nandito din sa studio. Hay nako. Kung alam niyo lang. Lair, liar, pants on fire.

Halata namang kinikilig din si Tita Kris. Pffft. Payn payn. To be honest, kinilig din naman ako eh. Alam kong hindi yon totoo pero may kaunting parte parin sa puso ko na umaasang maging totoo yon.

Tita Kris: "OhMyGoshhh! I'm so kinikilig! Aha-ha-ha-ha-ha! Ikaw naman Nadine, kung sakaling mag-karoon si James ng ibang leading lady, papayag ka ba?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Lahat ng atensiyon ay nasa akin. Ina-antay nila ang sagot ko. Omo! Ano sasabihin ko? Tumingin ako kay James. Naka tingin lang siya kay Tita Kris. Bigla niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Uh-oh. Galit na siya. Gusto niya akong sumagot ng maayos.

Ako: "Sa tingin ko po, hindi ko kaya eh. Hindi ko lang hahayaan na basta basta nalang siyang mawala sakin ng dahil lang sa aming mga career."

Nagtilian nanaman sila. Nakakabingi. Nakakabingi na ang mga kasinungalingan. Tama na. Ayoko na. Di ko na napigilan ang pag patak ng luha ko.

Tita Kris: "Oh Nadine, are you okay? Bakit ka naiyak?"

Ako: "I'm okay lang po Tita."

Tita Kris: "Well, if that's the case. Thank you for your honest answers James and Nadine. Goodluck on your upcoming movies!"

Natapos na din ang taping. Nebeyen. Na-iyak pa ko. Umalis na ako sa inuupuan ko at dumeretso sa backstage. Pinipigilan ko ng umiyak. Masakit eh.

May humawak bigla sa braso ko. Alam ko na siya yun. Alam ko na dahil siya lang ang nagpapatibok ng puso ko. Iniharap niya ako sa kanya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Shems!

James: "Ano ba!? Sisirain mo yung interview eh! Sa susunod, pigilan mo nalang. Wag ka na mag-inarte!"

Bigla niya akong binitawan at umalis na siya. Ng makasigurado ako na wala na siya, unti unti uling bumagsak ang mga luha ko. Napaluhod nalang ako sa sahig.

Bakit naman kasi ganito eh? Sana lahat ng ginagawa namin mga sine at teleserye ay totoo nalang. Hindi yung ganito.
Bahala na...

Bahala Na (JaDine FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon