MISERY 39💙

20 7 32
                                    

SHEAH'S P.O.V

" Sheah " napalingon ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

Nandito ako ngayon sa Hallway at naglalakad papunta sa lockers para naman ilagay yung pagkarami-raming libro na dala ko. Tsk! Ayoko namang mapagkamalan na masyadong bookworm. Tsk!

Nasa gate na rin sila Vine para hintayin ako. Mas pinili ko lang talagang dumiretso muna sa locker ko para ilagay yung pagkabigat-bigat na mga libro.

" Ah, yes po Mama Tin? " tanong ko ng makitang si Mama Tin pala ang tumawag sa akin. Siya yung School Paper Adviser namin. Naka-ugalian na rin naming tawagin siyang Mama dahil si Madel ang nagpasimula.

" Hindi ka ba pupunta sa Meeting Hall? " may pagtataka sa boses niya dahilan upang makagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Tsk! Sa dami ng pwedeng makalimutan ay yun pa. Hays, sinabi nga pala ni Madel kanina na magkakaroon ng meeting yung mga Journalist dahil sa gaganaping Inter School Writing Festival na gaganapin mismo dito sa loob ng Christofany University.

" Ahihihi, actually po Mama Tin papunta na po talaga ako doon pero idadaan ko muna po itong mga libro ko sa locker ko po " pagpapalusot ko nalang.

" Oh ganun ba? Sige at mauuna na muna ako sa iyo, sumunod ka na lang " nakangiti at malumanay na saad ni Mama Tin dahilan upang mapangiti na lang din ako at ng naalis na din ang kabang nararamdaman ko.

" Opo " sagot ko bago siya naglakad papaalis.

Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko para tawagan yung dalawang bruhang kaibigan ko na kasama din sa mga Journalist.

Cartoonist si Vine samantalang Sport Writing naman si Gel.

Calling Bff Pretty Vine...

" Hello? " sagot niya sa kabilang linya.

" Andiyan pa ba kayo sa labas ng gate? " tanong ko. Narinig ko naman ang pag 'tsk' niya halatang naiinip.

" Yeah, bakit? At saka asan ka na ba? Naiinip na itong mga bruha "

" Ayts! Eh kasi Vine, di ba may meeting pa tayo. Balik na muna kayo dito. Importante daw eh, hinihintay kayo nila Mama Tin at Papa Lloyd " sagot ko sa kaniya.

" Bwiset! Oo nga pala! Argh,pero gutom na gutom na ako eh! Tas gusto ko na ring umuwi para mapatay ko na yung bwiset na gagung yun. Ugh! Ang laking sakit sa ulo ng binigay niya sa akin. Amputek!!! " kahit nasa kabilang linya ay alam kong nanggigigil siya.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon