Kring!!Kring!!
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nang imulat ko ang mga ko at tumingin-tingin sa paligid napagtanto ko na wala ako sa bahay kundi sa likod ng school namin at nakaupo sa paanan ng malaking puno ng mangga. At ang ingay na iyon ay nanggagaling sa bell ng school namin. Pero anong ginagawa ko dito?di naman ako nagpupupunta dito eh. "Bakit ako nandito?at natulog pa?"-tanong ko aking sarili. Kinuha ko yung cellphone ko sa buksa ng skirt ko para tingnan Kung anong oras na baka late naku eh. Pero bago ko maopen yung screen may nagreflect sa salamin nito na nagmumula sa itaas ng puno. Tiningala ko yung puno at bumungad sakin ang nakangiting lalaki na may maamo at gwapong mukha. Nakangite lang sya sakin na parang temang. "Sino ka?anong ginagawa mo dyan?"-takang tanong ko sa kanya na still nakangite parin, di ba sya nangangalay? "Ako si Lourd Eleazar at nandito ako dahil binabantayan Kita"-saad nito habang bumababa na sa puno. "Binabantayan?"-tanong ko. Nakatayo na sya na harap ko ngayon at kitang-kita na mas matangkad sya sakin, kitang-kita ko din ang gwapo nyang mukha. "Oo kasi natutulog ka dito sa may puno mag-isa"-saad nya at tiningnan yun pwesto ko kanina. "Kanina kanpa dyan?"-tanong kung muli sa kanya. "Oo lagi akong nandito"-nakangite pa rin na sabi nya. Dito sya lagi?bakit?bantay ba sya ng punong ito? "Dito ka ba sa puno nakatira?"-medyo natatawang tanong ko, ngunit mas ngumite lang sya sakin. "Sige na pasok kana late kana eh"-sabi nya. Tiningnan ko cellphone ko at nakitang 10 minutes na akong late sa first subject. "Sige una nako"-sabi ko sabay takbo paalis pero naisip ko na yayain sya pabalik ng school. Lumingon ako sa pinanggalingan ko kanina pero wala na sya dun, San na yun?bad sya nawala?.. "Leahna!Leahna!"-tinig na nakapagpamulat ng mata ko at nakita ko si mama. "Bakit po?"-inaantok pang tanong ko. "Malelate kana kaya't bumangon kana dyan,first day na first day oh"-medyo naiinis na sabi ni mama. Lumabas na sya ng kwarto ko, naalala ko na nasa school lang ako kanina bakit nandito naku? Nasan yung lalaki?nasan si Lourd Eleazar?
BINABASA MO ANG
IKAW LANG MAHAL KO KAHIT DI KA TOTOO
RomanceLoving a person who doesn't really exist