Chat

34 1 0
                                    

Si Alfred, college student at nag aaral sa unibersidad, nag-aaral ng mabuti at kaya niya namang ibalanse ang kanyang pag aaral at ang social life, meron kasi siyang account sa ichatters.com na kahit sino ay pwedeng magchat sa kaniya.

eto na nga siya at kakauwi pa lang niya galing sa eskwelahan, pagod na pagod at madami pang requirements ang kanyang gagawin , nagpahinga muna siya ng saglit bago niya gawin ang mga dapat niyang gawin ng biglang may nagpop up sa screen ng kaniyang laptop ng isang mensaheng naglalaman na "HI"

Alfred: Hello :)

girl: :)

pinagpatuloy na ni Alfred ang kanyang gagawin at iniwan muna ang kanyang laptop. *status: AFK

girl: ano pong ginagawa mo? :)

...

girl: hello? busy ka po? :)

mag aalas dose nang matapos ni Alfred ang kanyang requirement. at may natitira pang 3 requirements na kanyang gagawin. inaantok na siya at gusto nang magpahinga at makatulog, bago niya ito gawin ay binalikan muna niya ang kanyang kachat.

Alfred: pasensya, busy kanina.

girl: ah ayos lang :)

Alfred: matutulog na ako, inaantok na kasi ako.

girl: sige goodnight :)

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!! 6:00am

inaantok pa si Alfred ng nagring ang kanyang alarm, nabuwisit siya kasi ndi niya naiset ang kanyang alarm kagabi ng alas syete kasi alas otso ang kanyang pasok ngayon, sayang nga naman ang natitirang isang oras nang tulog niya at nang may nagpop up nanaman sa kanyang laptop ng isang mensahe.

girl: Goodmorning :)

Alfred: Goodmorning din.

girl: wala kang pasok? :)

Alfred: meron pero mamayang alas otso pa

girl: ganun ba ? ako mamayang hapon pa pasok ko. bat ang aga mo namang nagising ? :)

Alfred: wala, maaga nagring ung alarm ko eh,

girl: nga pala, san ka pala nagaaral? :)

Alfred: sa University of the Phil.

girl: ui :) pareho tayo. :) haha

Alfred: haha, anong year mo na ?

girl: 2nd year college, ikaw ? :)

Alfred: 3rd year na ako

girl: ay kuya , hehe

sa kanyang pakikipagusap sa girl ay nakalimutan na niya ang oras ng pagpasok niya, mag aalas otso na at dali dali na siya maligo, magtoothbrush, maguniporme, magsapatos, isuot ang i.d. at humingi ng baon at umalis na, hinayaan na niya ang kanyang laptop na nakabukas.

habang nagkaklase si ALfred, di niya maiwasang sumasagi sa kaniyang isipan ang mga munting paguusap ng kaniyang kachat. nang tapos na ang kanyang klase dumaan muna siya ng canteen upang bumili ng tubig at di inaasahan ay bigla siya napatingin sa isang babaeng mahaba ang buhok. tinitigan niya ito ng mabuti at gusto niyang lapitan at tanungin ang kanyang pangalan ngunit di niya rin ito nagawa dahil umalis rin agad ang babae kasama ang mga kaibigan. balak pa niya siyang sundan ngunit nakalayo na at hindi na niya ito nakita. 4 hours of vacant ay kelangan niya muna umuwi at magpahinga at matulog dahil napuyat siya,

pero

inaya siya ng mga kaibigan niyang maglaro ng basketball, dahil mahaba pa naman ang kanyang vacant eh pumayag naman siya, nagpalit na ng jersey at isinuot ang rubber shoes, nagsimula na sila maglaro, sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro ay nakita nanaman niya ang babaeng mahaba ang buhok, bigla siyang napatigil, napatitig at hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman ng siya ay binigyan ng matamis na ngiti, natamaan tuloy siya ng bola at napahiga, pagmulat niya ng kaniyang mga mata, kisame ang kanyang unang nakita, nakahiga at unan lamang ang katabi, bumangon na siya sa kanyang kama. "haaaay, sana hindi lang sa panaginip ang nangyareng ito"

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 26, 2014 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Waiting For YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora