Myra's P.O.V
"Ma, sige na sasamahan ko na kayo magtinda sa palengke," pangungulit ko kay Mama.
"Anak, magpahinga ka na lang. Kanina masuka-suka ka pa sa lababo 'di ba? Hay naku! Baka may nakain kang nakasama sa 'yo, ano pa bang masakit sa 'yo?" nagaalalang tanong ni Mama sa akin.
Napaupo naman ako sa sofa namin.
"Masakit lang po ulo ko, Ma," sagot ko.
"Kaya nga magpahinga ka na lang, kaya ko naman," sabi naman ni Mama.
"Sige po, mag-iingat ka, Ma," sabi ko at umalis na si Mama.
Bakit kaya ganito? Nakakaramdam na ako ng kaba. What if may nabuo pala sa ginawa sa akin ni Sir? Pero ang sabi naman niya ay hindi niya ako nilagyan ng semen sa loob ko. Hindi naman siguro gusto ni sir na magkaanak sa akin, hindi ba?
"Pero what if--" napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Nhel at agad ko itong sinagot.
"Yes Love?"
"Miss na miss na kita, magkikita na tayo sa sabado! Excited na ako!" masayang sabi ni Nhel.
"O-oo love, ako rin," matamlay kong sabi, iniisip ko ang nagawa kong mali.
"May problema ba, Love?" tanong ni Nhel.
Oo, kailangan ko masigurado na hindi ako buntis.
"Masama lang pakiramdam ko," sabi ko.
"Magpahinga ka muna. Baka naman sobrang pagod 'yan," aniya
"Baka nga," sabi ko at napabuntong hininga.
"Love, nandito ako sa bahay ng tropa ko ha, magbabasketball kami dito sa labas nila," sabi ni Nhel.
"Sige, galingan mo ha. Bilin ko sa 'yo na 'wag kang maghuhubad ng damit kahit anong mangyare," sabi ko.
"Oo naman boss," tugon ni Nhel.
"Sige na. Enjoy ka, I love you," sabi ko.
"I love you too."
Nang mapatay na ang tawag ay mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko.
Hindi ako pwedeng mabuntis, paano si Nhel? Kailangan ko munang malaman!
Agad akong nagbihis at kinuha ang wallet ko. Dumiretso ako sa botika at bumili ng Pregnancy test. Dalawa pa ang binili ko para sigurado.
Umuwi ako agad sa amin at sinubukan ito.
"Lord, sana po hindi," bulong ko bago ko itulo ang ihi ko sa Pregnancy Test.
Maya-maya lang ay nagulat ako nang makakita ako ng dalawang guhit dito.
"No..." bulong ko.
Inopen ko pa ang isang Pregnancy test at ginamit ito. Naglakad-lakad ako ng pabalik-balik habang naghihintay ng resulta.
Dahan-dahan akong napaupo nang makakita muli ng dalawang linya sa Pregnancy test.
"Positive," bulong ko.
Dahan-dahan nang tumulo ang luha ko, hindi ko na ngayon alam ang gagawin ko.
"Paano na 'to?" bulong ko at napahawak sa ulo ko.
Hindi ko mapigilang hindi maiyak, paano ko ito sasabihin kay Mama? Siguradong disgrasyada ang tingin nito sa akin lalo na at hindi si Nhel ang ama ng batang 'to. Paano din si Nhel? 'Yung lalakeng nagtiyaga at naghintay sa akin hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayare sa akin.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...