"Para kay Kuya" Unang Yugto: Ang pagtatagpo

55 0 0
                                    

Sa unang araw ng klase, madaming tao ang naglalakad, maingay ang paligid at may konting kainitan. Naglalakad si ang isang babae na suot ang kanyang bagong uniform at siya ay may dalang bag na naka sabit sa likod niya. Ang dalagang ito ay si Mae na  may mahabang buhok, morenang balat at masasabi nating cute talaga.

“Ito na ang simula ng mga pangarap ko. Magiging Architect na ako.”

Ito ang sinisigaw ng kanyang puso. May kalakihan ang kaniyang bagong paaralan. Ito ay hindi katulad ng kanyang paaralan noong high school pa lang siya. Wala siyang mapagtanungan dahil lahat ay nagmamadali. Nakita niya ang guwardiya na nag gagala sa paligid.

“Kuya, saan po ba itong room na ito?” tanong ni Mae sa guard

“Ineng diyan yan sa building na yan. Sa 3rd floor tapos yung pang anim na room.” Sagot ng guard

“Salamat po.” Sabi ni Mae.

Nagpatuloy na si Mae sa kanyang paglalakad. Inakyat niya ang tatlong floors at nakita na niya ang kanyang room. Nang si Mae ay papasok na may isang binate na nagmamadaling lumabas sa room. Silang dalawa ay nagka banggaan. Natumba si Mae dahil may angking kalakihan din ang lalaking nakabangga sa kanya.

“Miss, sorry”

Tinayo siya ng binata.

“Ok lang po.” Sabi ni Mae

Umalis na ang binata. May biglang sumigaw.

“Mae!”

Napalinggon si Mae at nakita niya ang sumigaw na iyon.

“Acel, ang aga mo naman.”

Si Acel ay ang best friend ni Mae mula pa noong Kinder.

“Ano nangyari sa’yo?” tanong ni Acel

“Wala yun, nabangga lang ako nung kuya.” Sagot ni Mae

Pumasok na ang kanilang professor upang mag klase. Tatlong oras na walang tigil sa pagsasalita ang kanilang professor at sina Mae at Acel ay halos maka tulog na sa sobrang boring ng kanilang professor. Nag ring na ang bell.

“Ok class, see you all next meeting, class dismiss.” Sabi ng kanilang prof.

“sa wakas natapos na din” sabi ni Acel

“Oo nga”

Naglakad na ang dalawa palabas ng class room. Nakakaramdam nang gutom si Acel. Kaya siya ay nagyaya na kumain sa canteen. Habang sila ay naglalakad, may nakita si Mae na poster.

“Ito yung kuyang nakabangga sa akin kanina. Presidente pala siya ng council”

“Ang gwapo nia Mae” sabi ni Acel

“Parang hindi naman.”

“Hindi ba gwapo?” sabi ng isang lalaki sa likod

Sabay na tumingin sina Mae at Acel sa lalaki at sila ay nagulat

“Hehe, hi po.” Sabi ni Mae

“Hi, ako nga pala si Mark” inabot niya ang kamay kay Mae. Nakipag kamay naman si mae sa kanya.

“Pasensya nga pala kanina, hindi na kita naintidi dahil nagmamadali na ako.”

“Ok lang po, ako nga pala si Mae at ito ang kaibigan kong si Acel.” Nakangiti si Acel at Mae.

“Hi, Acel. Mae nice meeting you two. Baka gusto ninyong sumali sa org namin?”

“Anong org po ba yan?” tanong ni Mae

“Oo nga, para makasali kami.” Sabi naman ni Acel.

“Student Performers Group ang name ng grupo namin.”

Ang SPG ay gurpo ng mga student na nag papakita ng kanilang mga talento at sila ay pinanglalaban ng kanilang unibesidad sa mga competition.

“Sige po, subukan po namin.”

“Sasali talaga kami.” Sabi ni Acel

“O sige, sana makasali nga kayo. Punta na lang kayo sa office namin. Ito yung form.” Inabot ni Mark ang form sa dalawa.

“Sige na , una na ako, May class pa ako eh, Bye” nagpaalam na si Mark

“Sige po.” Sabi ng dalawa.

Naglakad na palayo si Mark habang ang dalawa naman ay nag lakad na din papuntang canteen. Pagkatapos nilang kumain ay pumasok na ang dalawa ulit sa klase nila. Habang sila ay nag klaklase ay nag kwekwentuhan ang dalawa.

“Ang cute ni kuya Mark noh?” tanong ni Acel kay Mae

“Pwede na, hindi ko siya type.” Sagot ni Mae

“Choosy ka naman. Ang gwapo at cute kaya niya ng bonggang bongga.”

Natapos na ang klase ng dalawa at sila ay umuwi na sa kanilang mga bahay.

Sa bahay ni Mae. Walang tigil ang kanyang pagiisip dahil ayaw man niyang aminin pero may crush na din siya kay Mark.

"Cute ni kuya Mark, may girlfriend na kaya siya? sana wala pa. hehe"

"Para kay Kuya" Unang Yugto: Ang pagtatagpoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon