XIX

1.8K 105 29
                                    


"Lalim ng iniisip ha"

"Po? Sorry po" Medyo gulat kong tanong bago ko napansin na may inilagay na pala siyang kape sa desk ko. Hindi ko na din tuloy namalayan na nakapasok na pala siya ng opisina. Nakakahiya at mismong boss ko pa ang nakahuli sa akin sa ganitong estado.


"Swerte naman niyang iniisip mo at halos kanina ka pa tutok na tutok" dagdag nito

"Pasensya na po Sir Isaac medyo busy lang kaya madami ding iniisip. Hindi ko na po tuloy namalayan na dumating kayo" palusot ko dito pero nginitian lang ako nito habang nagdedekwatro mula sa pagkakaupo sa harap ng desk ko.


"Go take a leave then. Baka sabihin mo pinapahirapan kita here ha" alok nito


"Naku hindi na po kailangan and kaya ko naman po. The truth is thankful nga po kami dahil ang luwag at ang liberal ng pagpapatakbo niyo dito sa Manila Office" Pagtanggi ko dito


"Binola mo pa ako. Gusto ko lang kayong alagaan. Ikaw,gusto kitang alagaan" sagot nito habang seryosong nakating sa akin kaya medyo nailang naman ako. Hindi pa rin ako nasasanay sa mga ganitong pinapakita niya.


"So sure ka ayaw mo magleave man lang? You can even work from home" alok ulit nito sa akin nang mapansin niyang hindi ako nagreact.


"Kaya naman po" tanging nasagot ko na lang sabay bigay ng tipid na ngiti


"Kaya,kaya,kaya salitang madalas sabihin ng mga nagtitiis,martir o nasasaktan" Makahulugan nitong sabi dahilan para matahimik ako. Bakit tinamaan ako? Pero wala eh,kagustuhan ko ito at sa tingin ko deserve ko lang to.


"Hugot Sir Isaac ha" pagbibiro ko dito dahilan para mapangisi siya.


"Mas ikaw pa rin ang may malalim na hugot. Hanggang ngayon hindi mo pa rin kinukwento sa akin ang dahilan ng pag-iyak mo sa parking." Seryoso nitong sabi kaya medyo napakamot ako sa ulo. Ilang beses niya na kasing pabirong tinatanong yan though hindi naman niya ako pinipilit na sabihin.


"Wala po yun. May pinagdadaanan lang po ako siguro noon" pagsisinungaling ako


"Kung sinuman o anuman ang nakapagpa-iyak sayo, siguro napakawalang kwenta nun" ani nito na ikinabigla ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Po?" Naguguluhan kong tanong


"Hindi ka dapat sinasaktan at pinapaiyak. Sabi ko nga di ba, dapat inaalagaan ka. I'll leave you na muna. Enjoy your coffee" ani nito sabay labas sa opisina ko.  Paano pag nalaman mong ako ang nanakit? Ako ang nangiwan?Naguguluhan na din talaga ako sa mga ipinapakita ni Sir Isaac pero alam ko na hindi dapat.


Eto naman ako naiwan na tulala at wala sa sarili. Apat na linggo matapos mangyari ang tagpong iyon ay masasabi ko na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko at mas lalong hindi ko rin alam kung iyon ang pinaka maling desisyong ginawa ko sa buhay ko. Ang dami ko ngayong tanong sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit dumating ako sa punto ng buhay ko na puro alanganin at hindi kasiguraduhan lang ang mayroon.


Sa aming magkakaibigan ay si Maya lang ang nakakaalam ng lahat, mas okay na siguro ito para hindi din sila gaanong maapektuhan. Ayoko ng idamay pa sila sa kaguluhan ng relasyon namin ni Clifford. After all iba ang relasyon ng pagiging magkakaibigan namin sa kung ano ang mayroon kami ni Clifford noon.



Wala rin akong balita kung nasaan siya ngayon, nagtatangka man si Maya na balitaan ako pero mas okay na din siguro na wala akong alam tungkol sa kanya ngayon. Mas okay to sa pagmomoveon naming dalawa, siya sa pagtataboy ko sa kanya at ako sa katangahang ginawa ko. Sa totoo niyan, alam ko naman na pagsisihan ko ang desisyong iyon pero kailangan kong gawin eh. Yun ang mas mukhang tama, yung desisyon na may mas mababaw na sugat kung nagkataon.


Oo naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon