[AUSTIN's POV]
Pagkalabas namin ng kotse. Biglang huminto si Ate Sue. Siguro nakita niya yung ex niya? Pero within 3 minutes lang naman siya napahinto.
"Dalian niyo nga. Ang kukupad niyo."
-______-
Sino kaya yung sinasabihan niyang makupad? May pagka-gaga din 'tong si Ate eh. May tupak ata ngayon. Paano kami magsisimulang maglakad kung siya nakatulala. Make sense.
Sumunod nalang kami agad sa kanya. Magalit pa yun. Para pa naman yung tiger at lion combined pag nagalit. :3
*
*
"Alam niyo na bibilhin niyong tatlo ah. Nakalista na d'yan sa listahan. Bahala na kayo." sabay abot ng list at 5K at umalis.
May susundan siguro yun. Nagkatinginan nalang kaming tatlo. Tapos tingin ulit kay ate na busy sa paghahanap ng ano? O kaya sino? Nagsimula nalang kaming tatlong maglakad at hanapin ang nasa list.
*
*
[SUE's POV]
Nasaan na kaya yung dalawang yun. Gusto kong malaman kung bakit sila magkasama. At yung hinayupak na babaeng yun? Aba! May balak pa atang manggulo eh.
Nagmamadali akong maglakad para mahanap sila.
Tingin doon.
Tingin dito.
Within 30 seconds kung di ko pa rin sila makita. Sisigaw ako. Hindi ako nahihiya. Makapal 'tong baby face ko.
"Anong pwede natin ipasalubong sa kanila?"
"Bahala ka. Hindi ako interesado."
Sila na ba yun?? Hinanap ko agad kung sa an galing yung boses. Para akong paparazzi sa itsura ko ngayon, nakajacket tapos shades with matching cap pa.
Sinilip ko yung parte ng supermarket na narinig ko yung boses. At dun, kung makakapit ah parang tentacles ng octupos. Ito namang si lalaki parang gustung-gusto rin. Psh.
Patuloy pa rin akong sumisilip sa kanila kung ano ang ginagawa nila. Magli-live in na ba silang dalawa at parang bumibili sila ng mga gamit sa bahay?
"Wag nga kayong malikot d'yan, kitang may iniimbestigahan pa ako eh." kulit naman ng tatlong 'to. Nakakairita yung kalabit nila sa'kin ah. Kitang nag-aala Mike Enriquez ako dito oh.
Patuloy pa rin nila akong kinakalabit. At first di ko lang pinansin. Pero kalaunan, naiirita na rin ako kaya umayos ako ng tayo.
O______O
Tinakpan ko agad ang mukha ko. Bahagya akong sumilip sa kanilang dalawa. Nakangiti yung isa, yung isa naman nakapoker face lang.
Kaya dahan-dahan kong binaba ang scraf na tinakip ko sa mukha ko. At nag-wave at with a sweet smile pang kasama. Namiss ko rin 'tong dalawang 'to. Kahit dakilang Lady Gaga 'tong kasama niya pero miss ko pa din siya.
"Hi Sue. Ano bang ginagawa mo d'yan at parang may kababalaghan kang ginagawa?"
Nagpout lang ako. Di pa rin siya nagbabago eh no? "Venice naman eh. May hinahanap kasi ako sa may ilalim eh. He he." Nag-peace sign ako sa kanya. Napailing lang siyang nakatingin sa'kin.
Napansin kong parang may bola ata siyang nilagay sa may tiyan niya. Bola ng basketball ba yan? Parang ang laki naman ata? 3 bola ng basketball? Hindi rin.
Nilapitan niya ako at niyakap. Nahirapan akong mayakap siya dahil sa bola sa tiyan niya.
"Its nice to see you again Sue. Kumusta kana? Balita ko, well known na yung resto na pagmamay-ari mo ah."
"I'm fine naman. Oo nga eh. Sa awa ng Diyos. Pero yang kasama mo never ba talaga nawala pagiging Lady Gaga fan niya? napatawa siya sa sinabi ko.
"Ikaw naman parang di ka sanay kay Reid. Ganyan noon pa."
"Di na ba nambabae yan?" biglang sinamaan ako ng tingin ni Reid. May nasabi ba akong mali? Tinaasan ko siya ng kilay. Imbis na sagutin ako, lumapit siya kay Venice at hinawakan ang kamay nito.
"Umalis nga kayo sa harapan ko. Nakakaumay eh."
"Inggit ka lang dahil wala kang sayo. Bleh!" abat loko 'to ah. O-kay. Di na siya yung casanova na kilala ko noon. One woman man na pala 'to.
Sinamaan ko lang ulit siya ng tingin.
"ATE!?" napatingin ako sa direksyon kong sino yung sumigaw.
Ah, ang 3 musketeer pala. Patakbo silang lumapit sa kinaroroonan namin.
"Ate *hingal* hirap mong *hingal* hanapin. San kaba nagsususuot? *hingal ulit*" hindi ako sumagot. Hinayaan ko muna silang mawalan ng hininga-este makahinga ng maayos. Yung di na hinihingal.
"Ate sino sila?" napatingin ako sa tinuro ni Jace.
"Ah sila? Tao ano kaba Jace." sinamaan niya lang ako ng tingin. "Sabi ko nga ipapakilala ko kayo. Si Reid Jonathan Gonzales and his wife Venice Alandre-Gonzales." sabay abot noong tatlo sa kamay nola kay Venice. Makikipag-kamay na sana si Venice ng iharang ni reid ang kamay niya.
Sige, siya na possessive. "Ako lang pwedeng humawak sa asawa ko. Nice meeting you all." at isa-isa siyang nakipag-shake hands.
(Miss V: Pa-plug ulit!! ^_^ ang title po ng story na kinabibilangan ni Reid at Venive ay My Husband is a Casanova by EmEralD_crazzzyy. On going pa po yan. Sige po! Basahin niyo ah! ^_^ thanks in advance!)
"Hubby, wag mo namang takutin ang mga bata." saka niya hinawakan ang kamay ni Reid. Nakakaumay na talaga ah. -___-
"Umalis na nga kayong dalawa! Psh. Pakibatok na rin yang asawa mo Venice ah."
"Ate, ampalaya ka ba?"
Tinaasan ko ng kilay si Jace. Mukha ba akong may kulubot sa mukha! -___-
"Mukha ba akong may kulubot sa mukha Jace at tinawag mo kong ampalaya? Ha?!"
"Boom basag. Haha!" tawanan noong dalawa sa likod. Pati si Venice nakitawa na rin. Kaya hinila siya ni Reid.
"Tayo na Wife. Baka paglihian mo yang mga yan. See you around Sue." at saka hinila si Venice palayo sa'min. Walang modo talaga tong si Reid kitang may bolang dala yung asawa niya. Tapos kinakaladkad. -__-
"Basag ako dun ate ah. TT^TT" at kailan pa siya naging living emoticon aber?
"Bahala kayong tatlo d'yan. Nabili niyo na ba lahat?" tumango lang sila sabay taas ng mga plastic bags. Nagsimula nalang akong maglakad ng makita ko yung dalawang kutong-lupa na palabas ng supermarket. That's it. Kakausapin ko nalang siya mamaya. Pag umuwi siya.
----------
A/N: Matumal ata votes ko ngayon ah. Okay lang. ^_^
Siya nga pala. Naghahanap pa rin kami ng dagdag sa Kalog Family. Marami pang slots na available para ioperate. Pm niyo lang ako sa facebook account ko. At pagusapan natin yan. ;)
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)