Medyo hard ito. xD
----
Pinikit ko ang mga mata ko at pilit kong inilalayo ang aking mukha sa kanya pero hawak hawak niya ang magkabila kong pisngi at damang dama ko ang sakit doon. Kung maari siguro kanina pa nabali ang panga ko sa tindi ng pagkakahawak niya.
Lalo akong nangilabot nang maramdaman ko ang isang hininga sa aking leeg hanggang sa paunti unti na para bang nilalasap niya, naramdaman ko ang mabagal na paghaplos ng mainit na dila sa may tenga ko.
"Ahh!" sigaw ko. May halong pandidiri at pagkamuhi ang bawat hinaing ko. Alam kong gawa iyon ng lalaking may yakap sa akin mula sa likuran pero wala akong magawa. Gusto kong magwala, gusto kong gumanti, gusto kong makita silang nakahandusay sa sahig at nahihirapan dahil sa ginagawa nilang ito sa akin.
Sino ba sila para tratuhin akong parang isang pick up girl na bubukaka agad pag nabigyan ng pera? Mga p.ta sila! Mga baboy!
"Huwag mo kong inuunahan ha." may bahid ng pag-aangkin ang tinig nitong lalaking asa aking harapan. Cael? Natatandaan kong tinawag siya dun ng isa sa mga demonyong kasama niya.
"Masarap nga siya." halos tumindig lahat ng balahibo ko sa aking narinig. Naramdaman ko ang ngiti sa aking sintido at unti unti kong nararamdaman ang bawat galaw ng mga daliri niya sa aking tyan paakyat sa aking dibdib.
"Ughh!" nagpumiglas akong muli pero unti unti ko nang nararamdaman ang pagod. Hanggang kailan pa ba ang titiisin ko? Mas gugustuhin ko na lang mamatay kesa ganito. Sana patayin na lang ako, hindi ko kakayanin mabuhay ng may dala dalang ganitong kahihiyan habang ako'y nabubuhay.
Unti unti ay naramdaman ko na namang umagos ang maiinit na tubig mula sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pagdaloy nito sa aking pisngi hanggang sa malasahan ko ang alat nito sa gilid ng aking labi.
"Parang awa." unang dalawang salitang lumabas sa aking mga labi. Kahit kailan hindi ko aakalaing hihingi ako ng awa sa pangalawang beses. "Parang awa niyo na." Buong lakas ng loob kong sabi, na sinundan ng isang hikbi. Wala na akong maisip na iba at tanging paghingi ng awa na lang ang nakikita kong paraan. Sana lang ay may natitira pa silang konsensya sa puso nila.
Pero iba ang nakita ko. Pagkabukas ko ng mga mata ay nakita kong ngumisi ng malademonyo ang lalaking asa aking harapan. Sa oras ding iyon alam kong ni hindi pumasok sa utak niya ang salitang awa at sa sandaling ito ay isa na lang milagro ang maaari kong asahan.
Panibagong luha na naman ang dumaloy sa aking mga mata. Natatandaan ko pa rin yung araw na huli akong umiyak ng ganito kalala. Parehong may galit sa aking puso nung mga panahong iyon. Parehong pagkamuhi ang nararamdaman ko pero wala na sigurong papantay sa sakit na pinagdaanan ko noong bata pa ako.
Humalakhak ito, tunog na parang gumapang sa aking buong katawan. Tinitigan niya ako at muling inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Awa?" bigla ulit may lumabas na hikbi sa aking labi at dahil doon, muling ngumisi ang tarantado. "Humihingi ng awa ang presidente ng council ng St. Celestine?" bigla siyang nanggigil at mas lalong diniinan ang hawak sa magkabilang pisngi ko ng isang kamay niya. "Ganitong awa ang kailangan mo?" tanong niya at nagulat na lang ako ng bigla niyang sunggaban ang gilid ng labi ko.
Napahikbi ako, at pilit na diniinan ang pagpikit sa aking mga mata. Iniwas ko ang mukha ko pero hinawakan niya ang likod ng ulo ko para hindi ko ito maikilos. Damang dama ko ang pandidiri sa bawat galaw ng kanyang dila sa baba ko at mas lalo akong nanginig ng maramdaman ko ang laway niya sa aking lalamunan hanggang sa marinig ko ang punit sa damit ko at doon ko napagtanto na tuluyan nang napilas ang telang tumatakip sa aking dibdib.
"Ahhhh!" nagwala na ako. Tuluyan ko nang nakalimutan ang lahat at ang tanging pumapasok na lang sa isipan ko ay patayin silang lahat na naririto ngayon! Nagdidilim na ang paningin ko at gusto kong paliguan sila ng sarili nilang dugo!
"T.ng ina. Sino yun?" naramdaman kong naalis ang nakakadiring bagay na nakapatong sa pagitan ng aking leeg at balikat maging ang kamay sa aking pisngi. Narinig ko ang mga malulutong na murang binitiwan niya at ang tunog ng pagtama ng isang bagay.
"Get your filthy hands off her!" narinig kong singhal ng isang lalaki. Bigla na lang akong nakaramdam ng komosyon at nakarinig na lang ako ng pagbagsak ng katawan sa sahig. Lubhang pamilyar ang boses niya pero hindi ako kumbinsido sa narinig ko.
"Ang lakas ng loob mo, anim kami at nag-iisa ka lang." Medyo hindi pa malinaw ang paningin ko nang imulat ko ang aking mga mata dahil sa mga luhang bumabalot sa dito pero nakita ko ang lalaking nambastos sa akin na halos mahiga na sa sahig. Hawak niya ang panga niya at kahit hindi ko nakikita dahil sa nakatalikod ito sa akin ay alam kong malakas ang atakeng tinanggap niya.
"Do as I say or I'll kill all of you." Hinanap ko ang mukha ng lalaking nagsalita pero nababakas lang ang anino sa mukha nito. Natatakpan ng buhok nito ang kalahati ng kanyang mukha.
"Ano pang ginagawa niyo? Sugurin niyo na siya!" rinig kong sigaw ng demonyong lalaki at naaninag ko ang sabay sabay na paglusob ng natitirang tatlong lalaki na asa likuran lang nitong bagong dating.
Hindi ko na masyadong naaaninag yung labanan nila pero malinaw ang bawat ingay ng mga daing sa sakit pati na rin ang ilang suntok at sipa.
"Sh.t" bulong ng lalaking nakayakap sa akin at unti unti kong nararamdaman na lumuluwag ang kapit niya sa akin. Sa palagay ko sa oras na bitiwan niya ako ay mapapaupo na ako sa sahig dahil hindi ko na maramdaman ang mga binti ko.
Napapikit ako at mukhang naubusan ako ng hangin kakaiyak dahil napahinga ako ng malalim na siyang pumipigil sa hikbi na muntikan ng lumabas sa aking lalamunan. Nararamdaman ko na ang panunuyo nito at ng aking bibig. Pagod na pagod na ako.
"F.ck!" sigaw ng isang lalaki at nalalaman kong dahil yun sa sakit.
Sa aking pilikmata ay naaninag kong tumingin sa gawi ko ang lalaking naglakas loob na tulungan ako.
"You wanna die too?" kung sana ay may lakas pa akong natitira, paniguradong may maibibigay pa akong reaksyon sa sobrang lamig ng boses niya. May halong pagpipigil ito pero ramdam ko pa ring halos pumutok na siya sa galit.
"Tumakas na tayo!" sa sinabing iyon ay naramdaman kong binitiwan na nila ako at parang unti unti ay pabagsak na ako sa sahig pero hindi ko tumama ang mga tuhod ko dito kundi ay naramdaman ko ang malamig na hininga sa aking bandang noo. May bisig na nakapalibot sa aking beywang at kamay na nakaalalay sa akin ulo.
Ramdam ko ang mabagal na pagbaba niya sa akin sa sahig at sa isang iglap ay sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Yakap yakap niya ako at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso kasabay ng bilis ng paghinga niya.
Sa huling sandali ay may isang butil ng luha ang muling dumaloy sa aking pisngi kasunod ng tuluyang pagpikit ng aking mabibigat na mga mata.