Chapter 26: Broken Rule

49.2K 1.3K 53
                                    

Chapter 26: Broken Rule

 

Nawiwirduhan na ako kay Leonna dahil kanina pa siya nakatitig saakin. Kung anu-ano rin ang pinapatunog niyang mga bagay para lang lingunin ko siya.

“You’re creeping me out, Leonna. What do you want?” Seriously, tinatayuan ako ng balahibo dahil sakanya. She’s staring at me for at least thirty minutes already!

She flipped her hair and closed our distance. She’s annoyed and I’m not that dense not to feel that. “Liar. Gusto mo si Carding.” Siguradong-sgurado niyang sabi.

Gusto ko nga ba? Hindi naman.

“No.”

“Bakit ang close niyo? Bakit lagi ka niyang kinakausap? Bakit minsan nakabuntot siya sayo?”

“Duh! Bata palang kami magkakilala na kami.” Sabi ko saka itinuloy ko ang pagbabasa ko ng libro. Jesus! Kapag nalaman niyang pinatulan ko si Damian baka kung anong gawin niya saakin. She’s crazier than me. And I don’t do catfights anymore.

“Wala talaga?” Tanong niya saakin pero hindi ko na siya sinagot. Lumabas nalang ako ng faculty room at naghanap ng pwede kong tambayan. Lunch break pa kasi kaya ang daming nagkalat na estudyante ngayon.

Sa bakanteng upuan ng cafeteria ako umupo. Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante dahil ngayon lang yata nila ako nakitang tumambay dito. Wala talagang peaceful na lugar sa eskwelahan na ito. Napatingin ako sa kabilang kabilang table dahil nagkahiyaan pa yata silang kumopya ng assignment nang dahil sa presensya ko. Twerps nga naman.

“Kumain ka na?” Inangat ko ang ulo ko para lang tignan ang familar na boses. “Ako hindi pa.” Aniya saka ipinatong ang dalawang plato sa lamesa. “Just in case hindi ka pa kumain.” Nakangiti niyang inilagay ang isang plato sa harapan ko.  

“I’m on a diet, D.”

“Huwag kang magdiet. Kumain ka lang.” Feeling ko ay nag-gain ako ng weight simula noong lumipat ako dito. Wala kasi akong ibang ginawa kung hindi kumain. Hindi na ako nakakapag-gym.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong nakatingin na sila saamin. Ang iba ay nangkakanchaw pa. Gee!

“Don’t mind them. Just eat.” Isinara ko ang librong binabasa ko at inumpisahang kainin ang ibinigay niya saaking pagkain. Feeling ko ay matatalo rin naman ako sakanya kung makikipagtalo pa ako baka maubos lang ang lakas ko sakanya.

“Si Leonna parang nakakahalata na sayo. Lagi ka kasing bumubuntot saakin lately.” Mahina kong sabi para hindi ako marinig ng mga estudyante sa paligid.

Simula noong umalis siya sa bahay ay lagi naman niya akong sinusundan dito sa school. Tuwing break nalang ay ginugulo niya ako. Nasasanay na nga rin ako sa weird outfits niya. Sa katunayan, parang nangti-trip lang siya.

“Saatin.” He corrected. “Just let her think something’s up with us. It’ll be fun.” He said. There’s definitely something between us! Hindi naman siya nakakatulong! Leonna is an evil bitch! I can sense that! Baka makalbo niya ako kapag nalaman niyang pinatulan ko ang wirdo na ito.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon