Chapter 1

5.2K 97 27
                                    

Chapter 1 (Revised version)

Trisha's Pov

Nandito ako ngayon sa school, katulad ng dati ang i-ingay parin ng mga ka klase ko. "Trisha? may assignment ka?" bungad sa'kin ni Jerlyn, nakakatandang kapatid ko siya. "Kung may assignments ako ano naman?" pataray kong sagot. "Ito naman, parang hindi kapatid."

"Joke lang naman, hindi naman kita matitiis, eh. Anyways, bilisan mo lang baka dumating na yung masungit nating guro, mahirap na."

"Pare nakita mo ba 'yong babae kanina na nakasalubong natin?" rinig kong sabi ni Alex, kaklase namin.

"Oo medyo namumutla siya parang dumudugo ang leeg." Sabi naman ni Mark. Hindi naman sa nakiki chismis pero sadyang narinig ko lang talaga sila. 

"Oo nga eh." 

"Bakit hindi niyo tinulungan?" 

"Aba male-late na kami 'no."

"Oh, 'yong assignment pala bro, 'asan na, kop'yahin ko na."

"D'yan kayo magaling e, hay, nako. " Wika ni Alex habang kinukuha ang papel na may sagot. Minsan talaga tamang chismis lang bago humingi ng sagot sa assignments. Masubukan nga minsan.

Ilang sandali lang ay dumating na ang guro namin habang ako naman ay naka upo lang ng maayos. Behave kaya 'to. Inilabas nq namin ang mga assignments namin upang ibigay na sa aming guro. Buti nalang hindi sila nahuli.

"Paki-abot ng assignment."

"Ako rin."

"Ito."

"Sana all may assignment."

"Oh? Ms Gozon? Why are you late?" Kakarating lang pala ni Jelay, nako ayan na naman umu-usok na naman ang ilong ni ma'am. Wait? may sakit ba si Jelay? Ba't parang na mumutla siya.?

"Oh? Ms Gozon? Namumutla ka ah? May sakit ka ba?"

"S-sorry po m-maam..."

"O siya ma-upo ka na." mabuti naman at maayos ang bugso ng panahon at walang gyera. Umupo na si Jelay na namumutla. Naka-jacket siya na may hood. Medyo creepy din siya ngayon, ang creepy niya pag may sakit siya. 

"Jelay are you alright?" Tanong ni Maya, tumango lang ito halata naman na nang-hihina talaga siya. Habang nag tuturo si ma'am ay panay tingin lang ako kay Jelay. I think mahihimatay na ata siya dahil sa sobrang putla na ng kanyang mukha, medyo may ugat na din sa kanyang leeg? Hala? Baka mahawa kami sa sakit ni jelay.

"Sabi ko nga kanina na ang Center of the Earth ay---" hindi na natapos ang  sasabihin ni ma'am ng bigla nalang sumigaw si Maya. Nakita ko si jelay na kinagat niya si maya sa leeg.

"Jelay tigilan mo 'yan!" sigaw ni ma'am ngunit tila ba naging bingi ito dahil hindi ito nakinig.  Lumapit si Ma'am kina Jelay at pinigilan sila ng biglang lumingon si Jelay kay Ma'am. nakakatakot ang kanyang itsura, ang daming dugo at medyo nag iba na din ang kulay ng kanyang mata na para'ng hayok na itong kumain. "J-jelay? J-jelay t-tumigil ka tumig-- ahhh!" sigaw ni ma'am nang bigla nalang kagatin ni jelay si ma'am sa kanyang leeg. Nataranta ang buong klase, nang lingunin ko si maya ay bigla nalang itong nangisay hanggang sa naging katulad na nito si Jelay. Dshil mas malapit si Mark kay Maya ay bigla nalang nitong sinunggaban si Mark ng kagat. Wala na kaming ibang nagawa kundi magsusumigaw at tumakbo nalang palabas ng silid. Halos nagkakagulo na ang lahat dahil sa pangyayari. May na dadapa at naaapakan na din na mga estudyante. Kinakagat na nila ang kanilang nadadaanan na mga estudyante.  Napasigaw nalang ako ng may humila sa aking kamay, mabuti nalang at si Gav ang humila. Akala ko katapusan ko na. "Dito tayo bilis." mahinang sabi ni Gav habang hinihila ako papuntang likod ng school building. "Safe tayo dito." sabi sa 'kin ni Gavreel. Medyo safe nga siguro kami dito dahil may mga nakaharang na mga bagay upang hindi kami agad mapansin. Si Gavreel ang heartthrob dito sa aming campus, halos lahat ng mga estudyanting babae at bakla nagkaka gusto sa mistisong Gav na ito, pero ibahin mo ako. Hindi kasi ako kaagad nagkaka gusto sa isang tao. Nagpasalamat naman agad ako sa kanya dahil tinulungan niya ako. Hindi ko parin alam kung ano'ng nangyayari, takot at nginig lamang ang namumutawi sa akin.  "Dito kalang muna, pupuntahan ko pa ang iba." utos nito sa akin, ang bango pala niya, ngayon ko lang na amoy. Naririnig ko parin ang mga sigawan. Hala wait? Si Jerlyn? What about her? My God! I need to find her. Agad-agad akong tumayo at tumakbo pabalik sa harapan. Hindi na ako nag dalawang isip  pa basta kailangan ko siyang mahanap. I need to find my sister.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon