Thirty Four

441 5 0
                                    

Case

Hindi ko labis na matukoy ang inis ko ngayon habang nakaupo kaming apat sa table. hindi ko rin lubos na naisip kung bakit ba ako napapayag ni Zephyr na sumama nalang sa kanila.

Kaharap ko ngayon si Evo habang katabi ko naman si Zephyr. kanina pa ito ngiting ngiti sa tabi ko at tila nang-aasar pa ata.

"Since then you guys are not engage anymore, were you looking forward to have a relationship with someone now?" Caiana asked after I enlighten them about my engagement with Cylander being halt.

I awkwardly smile and slowly shook my head.

"Hindi muna, I have so much things to work on and that should be prioritize first." I answered. napansin ko naman ang pasimpleng pag-angat ng kilay ni Evo.

"But you're always still together?" malamig na tanong ni Evo kaya nailipat ko ang tingin sa kanya. I heard Zephyr chuckled besides me.

Lintik talaga.

"Bawal ba? doesn't mean we're always together, we're into something romantic relationship." natatawang sagot ko just to keep the vibe on. ayoko namang seryosohin ang tanong nito dahil alam kong away lang ang kahahantungan.

"Oo nga naman. magkasama at magkatabi kami ngayon, does it mean we're into a romantic relationship?" Zephyr asked mimicking what I've said just now. tinapunan ko naman ito ng masamang tingin ngunit tinawanan lang ako nito.

Caiana tell something to Evo and now he's leaning towards to Caiana to hear what she's saying. I kinda felt a little pain in my chest watching them close together.

Zephyr leaned closer to whisper something kaya medyo lumapit din ako sa kanya.

"Someone's mad..." he whispered. kumunot naman ang noo ko at hindi makuha ang sinabi nito.

Someone's mad? sino?

"You know what, you guys look good together." Caiana said and smiled.

"I'm still available, why don't we try?" nang-aasar na saad ni Zephyr.

I heard a heavy sigh from Evo kaya naman ay nailipat ko ang tingin sa kanya na ngayon ay padabog na isinandal ang likuran sa kinauupuan nito.

"Bakit nga ba hindi Zephyr?" I asked mockingly. he laughed and put his arms at the back of my chair.

"Come on, you just came from a heartbreak." pikon na saad ni Evo sa pinsan.

"What? si Vanellope rin naman ah?" he said. lintik, wala talagang palya ang bungnga ni Zephyr.

"Bullshit, then you guys can have each other." matigas na saad nito. kumunot naman ang noo ko sa inasta niya.

Ano ba ang ikinakagalit niya?

Nilipat ko ang tingin kay Caiana na ngayon ay tahimik nalang na nakatingin at pinapanood kami. kung kanina ay maliksi at laging nakangiti, ngayon ay para na siyang natauhan. siguro nga ay pinapakiramdaman ang asawa sa tabi.

"I told you." Zephyr whispered again. now I know what he's whispering about.

Bakit naman sana siya galit?

Natapos kaming mag dinner at ngayon ay pabalik na sa Condo, walking distance lang naman ang restaurant kaya ay nagpasiya nalang kami ni Zephyr na lakarin nalang ang condo.

"Thanks for tonight! it was fun joining you guys!" Caiana smiled and hugged me. nakita ko naman mula sa peripheral vision ko ang natatawang si Zephyr sa gilid ko. nauna na si Evo sa saksakyan kaya sumunod na rin si Caiana. bumusina lang si Evo bilang paalam nito sa amin kaya tumango lang si Zephyr.

Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon