Kabanata 10

9.8K 139 2
                                    


Selene's POV:

      Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Kaya pinatay ko iyon at pumunta ng CR para maghilamos at magtoothbrush.

     Habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin ay bigla kong nakita ang kwentas na nakasuot sa leeg ko. I don't why? Kung bat ko to naisipan na isuot kong wala namang may naghahanap sa akin. Haysst bahala na nga wag ko na lang kunin to.

    Napag-isipan kong lumabas para hanapin si Kaizer. Para magpaalam kung pwede ako makapunta sa puntod ng Mama at Papa ko.

    Tiningnan ko muna sa sala kong andoon sya o wala.

     Wala sya haysst, kaya pumunta ako ng kusina pero ang apat na katulong lang ang nakita ko. At yung isa namn ay nakita ako kaya bumati silang apat sa akin. Binati ko din sila pabalik.

     "Manang nakita nyo po ba si Kaizer?" tanong ko sa kanila.

     "Ay Ma'am, hindi pa po sya lumalabas ng kwarto nya."

    "Ahh, salamat po manang." napag-isipan ko na lang na pumunta na lang sa kwarto.

    Haysst bukas na nga lang ako pupunta sa sementeryo.

    Habang nagmumuni ako ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya nagsabi ako na pumasok sya.

    Nang makita ko ang mukha nung pumasok ay umayos ako ng upo.

    "Good Morning Selene," ang bati sa akin ni Kaizer.

  Tama si Kaizer ang pumasok sa kwarto ko ewan ko ba kung bat sya pumunta dito.

    "Good Morning din Kaizer." bati ko namn pabalik sa kanya.

     "Hmm... Bat ka naparito?" agad kong sabi kay Kaizer.

     "Ahh.. Kasi diba? Pumayag kana sa alok ko? Sa Saturday kahit na sa Mayor lang tayo magpakasal. At wala tayong problema doon dahil Daddy ni Direck ang kakasal sa atin kaya wag kang matakot." ang sabi nito sa akin at tumango lang ako.

    "Cge ayan lang ang pinunta ko sayo." at umalis na si Kaizer sa harapan ko.

    At ako namn ay tiningnan ang sarili sa salamin na hindi makapaniwala dahil ikakasal ako sa isang Kaizer Kiel Madrigal na kumidnap sa akin.

  Tiningnan ko ang oras at 11:30 na kaya naisipan kong bumaba. Hahakbang sana ako ng Makita ko si Carol na paakyat na ng hagdan at nakita nya ako.

   "Ma'am tatawagin sana kita para kumain na kayo ni Sir." agad nitong sabi sa akin.

    "Ahh..cge manang pupunta na po ako doon." agad ko namng sabi.

    Nang dumating na ako sa hapagkainin ay nakita ko si Kaizer na nakaupo doon. At nakatingin sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Si Kaizer naman ay tinuro ang upuan sa harapan nya at doon ako umupo.

    Kumain lang kami ng walang imikan. Pero hindi ako mapakali dahil alam ko na tinititgan ako ni Kaizer habang kumakain. Kaya hindi ako makasubo ng mabuti.

   Mga ilang minuto na kain ko ay nagpaalam ako kay Kaizer na maliligo at magbibihis na para pumasok sa hospital.

............

Kaizer's POV:

     Nabwesit ako sa matandang hukloban na yun paano nya natitiis na yung apo nya na ayaw magpakasal sa iba?

     Kung gusto nya sya na lang sana magpakasal doon sa babaeng yun para tapos. Habang namomroblema ako ay tumawag sa akin si Direck.

     "Bro, sabi daw ni Dad hindi daw sya busy sa sabado?" agad namn nitong sabi.

     "Cge bro, kakausapin ko muna si Selene about sa kasal namin."umoo namn ang nasa kabilang linya at enend call ko na.

     At ayun nga na napag isipan ko na puntahan si Selene sa kwarto nya at pinapasok namn nya ako at sinabi ko na din kong kailan ang kasal namin.

    Alam kong kinakabahan si Selene dahil makikita ko yun sa galaw nya. At hindi pa sya sanay.

    Tiningnan ko muna ang oras sh*t 12:30pm? Haysst so it means ang tagal ko na nag isip? Pumunta na ako ng CR at naligo.

    Mga ilang minuto din ay lumabas na ako para magbihis dahil pupunta din ako sa hospital. Nang matapos ako ay pumunta na ako sa baba para hintayin si Selene.

    Habang naghihintay ako sa kanya ay nanonood ako ng movie. Sa totoo lang hindi ako mahilig manood ng mga ganito. Basta binuksan ko lang ang TV para hindi ako mainip.

   Habang nasa kalagitnaan na ako sa pinapanood ko ay may biglang nagsalita sa Likod ko kaya napaharap ako sa kanya.

    "Kaizer tara na." ang sabi ni Selene sa akin. Ang ganda ganda nya pagnakaputi syang damit.

    "Ahh..cge tara na." habang nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga maalis yung mga mata ko kay Selene dahil hindi sya nakakasawang tingnan.

   Pumunta muna ako ng kusina para magpaalam sa mga katulong at umalis na kami ni Selene.

   Habang nagdadrive ako ay tahimik lang kaming dalawa at buntong-hinga lang ang naririnig ko sa kanya.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon