CHAPTER 11

39 1 0
                                    

NADATNAN ko sa bahay si Cassy kasama ang parents niya. Tsk. Hindi lang pala siya isip-bata, sumbungira pa!

Pero nahihiya talaga akong harapin ang parents niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Siguradong hindi na maganda ang tingin nila sa akin dahil pinaiyak ko ang kanilang 'unica ija'.

"Mom, ayoko na! Ayoko na dito! Please, let me go back home," umiiyak na pagmamakaawa niya. Para namang sinaksak ako ng samurai sa sobrang guilty, kahit ayoko sanang makaramdam ng ganito.

"Stop whining, Cassy! You're already married! Be mature! You'll stay here and that's final!" sita ng kanyang ama.

"But Edward---"

"Kaya napakaisip-bata niyan because you're always spoiling your daughter, Gwen! Let her learn!"

See? Pareho kami ng opinion ng Daddy niya. Siguradong magkakasundo kami. Ngingisi na sana ako kung hindi lang ako tinignan ng masama ni Cassy at ng mommy niya.

"Let's give them some time to adjust. They will understand each other soon. Ako na ang humihingi ng despensa sa nagawa ng anak ko, Kumpare," pilit na tagalog na paumanhin ng Daddy ko na kanina pa ako pinapatay ng tingin. Kung makakumpare siya, akala mo Español, eh, Amerikanong hilaw naman.

"I do apologize too, Gwen. Hayaan mo at pagsasabihan ko ang anak kong 'to," mahinahong tinapik naman ni Mommy ang likod ko.

"How about you, Young Man? Hindi ka ba hihingi ng paumanhin?!" Cassy's mother asked me.

"Wala namangー"

"CASPER!" my father warned.

"S-Sorry. Sorry po sa inyo. Mas lalo na sa iyo, Cassy," labas sa ilong na sabi ko. I acted like I'm really sincere pero ang totoo ay nag-iisip na ako ng paraan kung paano ko hihiwain at lulutoin ang babaeng pasekretong dinilaan ako at ngumisi.

Binabawi ko na ang sinabi kong nagi-guilty ako. Hindi ako papatalo sa artistahing isip-bata na 'to! Galing umarte! Pang-GRAMMY AWARD!

"I hope this will not happen again, Casper. We trusted you to take good care of our daughter," maayos na sabi sa akin ng ama ni Cassy. Awtomatikong napayuko naman ako sa hiya. Medyo natamaan kasi ako sa sinabi niya.

Kahit kasi hindi ko gusto ang anak nila, dapat ko pa rin siyang alagaan dahil asawa ko na siya. I sarcastically smiled. Fuck that piece of paper! Ang sarap gupit-gupitin tapos sunogin para mawalan ng bisa!

"I promise, D-Dad," sagot ko. Ang awkward tawaging Daddy ang ama ni Cassy. Tsk.

"Stop crying, okay?" awat ni Mommy Gwen sa anak niya. "Mag-usap kayo ng maayos ni Casper. He's your husband now, so you better not act rushly. Kapag meron kayong hindi pagkakaintindihan, talk to him. Tell him all your worries. Got it?"

"I understand. Thanks, Mom. Love you," yakap ni Cassy sa mommy niya.

"I love you too. Take care always, okay?"

"I will, Mom."

I suddenly felt something soft caress my heart while looking at her hugging her mother tightly. Indeed, she's naturally sweet and tender. Para bang mao-obliga kang alagaan siya.

What theー Ang labo kong kausap!

"Huwag ka ng bumalik sa kompanya ngayon, Casper. Stay here and talk to your wife. Mauna na kami."

"Alright, Dad."

Nakakuyom ang kamaong sinundan ko ng tingin ang palabas na pigura ng mga magulang namin ni Cassy. Nakatayo lang ako sa hamba ng pintuan hanggang sa hindi ko na nakita ang mga kotse na sinakyan nila. Unti-unti kong nilingon ang babaeng prenteng-prenteng nakaupo sa couch habang nakapatong ang mga paa sa mini table sa harap at binubuksan ang tv.

"Magkalinawagan nga tayo," magkasalubong ang kilay na lumapit ako at umupo sa tabi niya. "May gusto ka ba sa akin?"

Nanlaki ang mga matang nilingon niya ako. Napaawang pa ang bibig niya. Sumeryoso ako at sinalubong ang kanyang tingin.

"What?" I hissed. "Answer my question."

"O-Of course... not! Kapal mo! Bakit naman kita magugustohan?"

"That's what I want to confirm. I wanna know kung may feelings ka na ba sa akin."

"Wala nga! Feeler mo," irap niya at tumingin ulit sa screen ng tv.

"Then why are you so affected with what I said? Bakit ka nagalit?"

Natameme siya at dahan-dahang nilapag ang hawak na remote. Hindi na ulit siya lumingon sa gawi ko. Habang ako naman ay nanatiling seryosong nakaharap sa kanya.

"K-Kasi... Kasi ang sakit mong magsalita! Na offend ako! Para bang sising-sisi ka na ako ang pinakasalan mo! Na hindi ako kanais-nais na babae!"

"Okay," hinga ko ng malalim. "Let me tell you this once and for all." Umayos ako ng upo. Tumikhim bago nagsalita.

"Pinakasalan kita dahil utos iyon ng parents ko. Una pa lang alam na natin na hindi natin gusto ang isa't-isa. We're strangers when we got married! Now, I'm just telling the truth. Para sa akin, you look young and you're childish. That's my honest opinion. And I want you to realize that we're already married, hindi tayo naglalaro. Seryoso na 'to. Wala ng atrasan." Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil hindi na niya ako nilingon. I exhaled deeply again at napunta ang tingin sa mga paa kong nakatapak sa sahig.

"I want us to be civil with each other pero anong nangyari? Lage nalang tayong nagbabangayan. Kung para sa'yo okay lang ang lahat ng 'to, sa akin hindi, Cassy. I'm tired of acting like a puppet! Na sunod ng sunod lang sa lahat ng gusto ng mga magulang ko! Na hindi ko magawa ang mga gusto ko! Kaya pwede ba, huwag ka ng dumagdag? Let's just go with the flow. Kung mag-away man tayo, huwag mo ng isali ang mga magulang natin. Just this one, ipakita mo sa aking mature ka na nga. Patunayan mo sa akin na hindi ka childish. Pakiusap lang."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang plano ay makikipag-ayos ako. Pero nailabas ko yata ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

Hindi ko naman siya sinisisi. Dahil biktima lang rin siya sa kagustohan ng mga magulang namin. Pareho lang kami.

Ang totoo ay okay na ako sa sitwasyon kong 'to. Unti-unti ko ng natatanggap na nagawa ko na lahat ng kabaliwan na 'to. Hindi ko na maibabalik ang oras. Pero sa tuwing naiisip ko talaga na puppet ako, na duwag ako, na wala man lang akong ginawa para ipaglaban ang mga gusto ko, nagagalit ako.

Ang problema, kay Cassy ko naipapalabas lahat ng sama ng loob ko kahit wala naman siyang kasalanan. Naiinis kasi ako sa tuwing napapansin ko na parang wala lang sa kanya ang lahat ng 'to, na para bang nagbabahay-bahayan lang siya. O mas tamang sabihin na nai-insecure ako dahil nagagawa niya pang maging masaya sa kabila ng kulongang kinalalagyan namin ngayon.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon