"It is possible to provide security against other ills, but as far as death is concerned, we men live in a city without walls."
-Epicurus
Seth Kyrie
NMMC AMR Floor, Surgical Unit 9:00 PM
Di ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab ngayong oras na ito, naka dalawang tasa na ako ng kape pero ramdam na ramdam ko pa rin yung antok at pagod. Ang sakit na rin ng katawan ko at parang nangangalay na rin ako.
Nakapag-scrub na nga ako at ang mga nurse na nga ang nagsuot ng gloves at gown sa sakin.
Ilang minuto lang ay pumasok na si Dio.
"Gown please"
Lumapit naman ang isang surgical assistant at sinuutan si Dio ng gown at gloves.
"I'm Dr. Dio Mondragon and I will be performing an aortic dissection & repair on patient Genaro Aquino age 65. My 1st assist will be senior resident Dr. Owen Tanjuanco, 2nd assist will be Dr. Menandro Castillo and on suction will be Dr. Sky Buencamino. Anesthesiologist for this surgery will be Dr. Isaac Nuble"
Tama ba ang narinig ko? Suction?
I looked at him with a blank expression, he just gave me his most annoying smile.
"Stats?"
"Ready to go doc"
Dahil dun ay parang mas nanghina pa ako, this is not what I'm expecting. Hindi ako napunta dito para hawakan ang suction na yan. I came here to learn his technique, I came here to be his 1st assist.
"Dr. Tanjuanco, do the honors" tumango na nga lang ang doctor.
I know Owen, he's 1 year older than me. Yes he is my senior but his specialty is general surgery.
"10-blade"
Sa paghawak pa lang niya ng scalpel ay alam mong may kaba na. May tatlong segundo na pause doon bago niya inilapat ang blade sa dibdib ng pasyente. At dahil nga hindi naman ako attending ay ginawa ko na lang ang pinag-uutos sa akin.
Nung una ay ok pa ang lahat.
"Suction"
Nakatutok lang ako sa ginagawa nila noon.
"I said suction!" sigaw ni Dio.
Kaya naman natauhan ako at sumunod na lang sa utos niya. Di ko alam kung bakit pinag-iinitan nanaman ako ng taong ito.
"Bovie"
Nang makita ko ang exposed arteries at yung itsura ng dugo na dumadaloy sa suction parang kinabahan na ako noon.
Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Dio.
"Just do your job Dr. Buencamino, suction"
I felt so attacked during those moments, wala naman akong ginagawang masama pero pinag-iinitan niya ako. Di na nga lang ako nagsalita, kahit suction lang ang ginagawa ko ay parang mas napagod pa ako.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomansaIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...