Chapter Thirteen: The start of the rivalry

11.1K 130 2
                                    

LIAM'S POV

Mapapatay ko talaga yung gagong yun kapag may ginawa siyang masama sa anak ko. I will do everything para mabawi namin si Dothy and I will make sure that he  will rot in jail.

Pansamatala ko munang ipinatigil ang pagpapagawa ng mall para asikasuhin ang pagkawala ni Dothy, at para alalayan si Lei dahil alam kong ano mang oras ay bibigay na siya. I can't afford loosing both of them, sila nalang ang meron ako.

Nasa office pa ako ng mga oras na yun ng biglang narinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Pumasok ang secretary kong si Kendra at mukhang may masama siyang ibabalita.

"Sir Zackary, you need to see this" sabay on ng TV.

"Kilalang founder at CEO ng isa sa pinakamalaki at pinakakilalang kompanya sa buong bansa na si Mr. Zackary Grand, may illegitimate child daw?, kalat na ngayon sa internet at iba pang social media platforms ang isang article tungkol sa kapabayaan daw ni Mr. Grand sa kaniyang anak at pag-iwan nito ng mahigit anim na taon sa ina ng bata at mismong anak nito. Hinayaan din daw ni Mr. Grand na makidnapped ang kaniyang anak at ngayon ay patuloy parin ang ang mga pulis sa pagtugis ng salarin. Ngayon ay hinhintay pa natin ang depensa ng kampo ni Mr. Grand hinggil sa kumakalat na issue"

Hindi ko na pinatapos pa ang news dahil naibato ko ang hawak kong champagne glass sa TV. Sino kayang hinayupak ang gagawa ng ganung issue, oo totoong wala ako sa tabi ng mag-ina ko sa loob ng mahigit sa anim na taon pero may dahilan ako dahil hindi ko alam na may anak kami ni Lei noon. Pero yung pagiging illegitimate child ni Dothy at kapabayaan ko sa anak ko ay ibang usapan na.

Alam ko ring makaka apekto ang issue sa company ko dahil siguradong aatras ang mga investors at masisira ang image ko at ang image ng kompaniya.

"Ahmmm.. S-sir nasa baba na din daw po yung mga reporters para po hingan kayo ng statement tungkol sa issue" Kendra.

"Wag na wag niyo silang papapasukin sa company ko, call the guards at harangin sila" sigaw ko kay Kendra.

Umiinit ang ulo ko sa kanila, I need do get away from this mess. Nagpasundo ako sa driver ko na si Fred at nagpahatid sa bahay. Naabutan kong nakaupo sa couch si Lei, tulala lang siya at hindi niya napansin ang pagdating ko.

I sat beside her and hugged her tight, I felt her teardrops fall on my shoulders.

Umiiyak na naman siya...

I wiped away her tears and kissed her on her forehead.

"Magiging maayos ang lahat love, I promise" Ako.

"Thanks love, please do everything to save our daughter" Lei.

"Yes love, I will make sure na mababawi natin ng safe ang anak natin" Ako.

Pagkatapos nun ay hinatid ko na si Lei sa kwarto para makapagpahinga, pagkatapos ay tinawagan ko si Mr. Santos na isang private investigator.

"Hello Mr. Santos, I need you to do a background check kay Harry Claud De Vera, I need it ASAP.. alamin mo lahat ng past niya at lahat ng mga lihim na tinatago niya" utos ko sa kaniya.

"Yes Sir, masusunod po" Mr. Santos.

"Good" Ako.

Pagkatapos ay binaba ko na ang phone.

Kinabukasan ay dumating sa bahay si Mr. Santos.

"Sir, eto na po ang data" sabay abot ng brown envelope.

"Thanks Mr. Santos, eto ang bayad" sabay abot ng puting sobre na may lamang pera.

Pag-alis ni Mr. Santos ay binuksan ko ang envelope.

A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon