Nakaraan

15 5 0
                                    

Nagtungo ang buong klase namin sa isang tagong beach, field trip for 1 week.

Lahat kami tuwang-tuwa lalo na nang makita namin ang dagat. Sobrang linaw ng tubig at puting-puti ang buhangin.

Naisip ng mga kaibigan ko na maglibot para kumuha ng mga photos.

Napahiwalay ako sa mga kaibigan ko. Nakarating ako sa kagubatan ibig sabihin masyado na akong nakalayo.

Lakad lang ako nang lakad kaya hindi ko napansin na nasa dulo na ako ng talon.

Biglang may lalaking nagtangkang humila sa akin upang hindi ako malaglag. Kasabay ng mga oras na iyon ay may nakita akong imahe ng isang lalaki na nakasuot ng magarbong damit at gayundin ako na nakasuot din ng magarbong damit na hindi naaangkop sa mundo ng mga tao ang disenyo. Pilit niyang inabot ang mga kamay ko upang hindi ako malaglag ngunit hindi nag-abot ang aming mga kamay.

Tulad sa nakita ko ay hindi rin naabot ng lalaki ang kamay ko ngunit tumalon siya at niyakap ako dahilan upang sabay kaming malaglag sa tubig.

Ipinunta niya ako sa isang malaking bato sa gitna ng talon at siya naman ay nasa tubig. Aktong paalis na siya nang pigilan ko siya. Tumuloy pa rin siya at nang nalampasan niya ako ay biglang nagbago ang anyo niya. Naging kakaibang itim na nilalang siya, ang kaninang makisig niyang mukha ay ngayon ulo na na parang isang dragon at ang kaninang katawan niya na nakasuot ng kakaibang damit tulad ng sa lalaking nakita ko sa imahe ay ngayon hindi ko maintindihan na nababalutan ng makapal na balat na tulad ng sa isang dragon.

Bumalik siya at muli akong kinausap.

"Ito ang dahilan kung bakit gusto ko nang lumayo. Walang sino man ang magkakagusto sa akin dahil sa anyo kong ito." makikita ang sobrang lungkot sa kanya.

"Gusto kita, wala akong pakialam sa anyo mong 'yan. Ang mahalaga sa akin ay ang ugali mo. Alam mo bang hangang-hanga ako kanina nung tinangka mo akong iligtas? Bakit mo nga pala piniling iligtas ako at nang hindi mo nahawakan ang kamay ko sinamahan mo akong malaglag?" nakangiti kong sabi sa kanya pero mas lumungkot siya.

"Hindi mo ba talaga ako maalala?" tanong niyang puro pighati.

Alam kong nabatid niya sa ekspresyon ng mukha ko na hindi ko talaga alam kaya napabuntong hininga siya.

"Huwag mo nang alalahanin dahil iba na ang nakatadhana sa'yo sa buhay mo na ito. Masaya akong nakita kitang muli, mag-iingat ka sa mundong ito dahil iba ito sa kinasanayan mo." matapos niya itong sabihin ay tumalikod siya at pumailalim sa tubig.

Nilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa nakita ko. Kanina pa ako nandirito ngunit ngayon ko lang napansin na tila nasa ibang mundo na ako sa ganda ng lugar na ito. Hindi ko alam na may ganito pa pala sa Pilipinas.

Ang mga dahon ng nagtatayugang puno ay berdeng-berde at ang mga bulaklak ay napakakulay talaga. Marami ding mga ibon na nagliliparan gayundin ang makukulay na mga paru-paro.

Dahil sa sobrang pagkamangha ko sa pilit kong inaabot na isang paru-paro ay nakalimutan kong nasa bato ako sa gitna ng talon dahilan upang malaglag ako.

Paglubog ko ay may nakita akong isang malaking kweba. Sa sobrang kuryusidad ay pinasok ko ito.

Namangha ako sa loob nito. May iba't ibang nilalang ang tila nakapwesto at nagtitinda sa gilid ng kweba.

Nilapitan ko ang isang babae. Inalok ako nito ng isang napakagandang kabibe na nang buksan ko ay may maliliit na isda na nakasuot ng makukulay na damit ang nagsasayawan.

Ang isang kabibe naman ay mga kumakantang isda, sa isa naman ay tila dula-dulaan.

"Maganda rito hindi ba?" tanong ng babae sa akin. Tumango ako habang tuwang tuwa na pinapanood ang mga isda.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon