Diana's POV
Nung yayain akong sumali nina Joel sa game nila; pumayag ako. Siguro dahil gusto kong pakisamahan sila.. hindi ba't iyon naman ang ibig sabihin ni Mrs Trenor? We get to meet other candidates and maybe even build relationships.
Nakita ko kung gaano ka-uncomfortable si Nephra sa mga tanong ni Joel. Natakot din naman ako nung napunta sa kiss yung topic.
Alam kong ayaw nyang sumali kanina pero kinumbinsi ko parin sya.
Paano kung.. gusto na talagang kalimutan ni Nephra yung nangyari?
Paano kung.. wala talagang meaning yung halik sakanya?
Mapilit lang ba talaga ako??
***
Kasalukuyan kong hinahanap si Nephra.. kanina kasi nag-walkout sya. Magla-lunch na wala parin sya sa lobby.
"Gusto mo bang tulungan kitang hanapin si Nephra?" Tanong saakin ni Dustin.
Hindi muna namin sinabi sa aming mga camp counsellors na hindi pa namin nakikita si Nephra, ayaw namin silang mag-panic. Baka nandyan lang pala sya sa tabi-tabi.
"Ikaw naman kasi, Joel! Yung mga tanong mo masyadong personal. Nag-walkout tuloy yung baby ko." Mabilis akong napatingin kay Mark.
Naguluhan sa sinabi nya.. bakit nya tinawag na "baby" si Nephra?
"Wow, ah! Baby?? Wala namang problema sa mga questions ko ah.." Sabi naman ni Joel kay Mark. Na-realized ko na nagbibiruan lang pala sila.
Kanina ko pa napapansin.. mukhang may crush itong si Mark kay Nephra, madalas din kasi syang tuksuin ng mga kaibigan nya kay Nephra.
Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Nephra Allen?
"Um.. salamat, Dustin. Sige maghiwa-hiwalay nalang tayong lahat para mahanap natin sya ng mabilis." Suhesyon ko.
Tumulong narin sina Joel at Mark sa paghahanap.
***
Una kong pinuntahan yung pod namin, baka kasi andun lang sya.. pero wala eh.
Magkasalubong ang mga kilay ko dahil sa init. Mataas na kasi ang sikat ng araw ngayon dahil hapon na. "Nasaan kana ba, Nephra?" Nag-uumpisa na akong mag-alala para sakanya, posible bang maligaw sya sa sarili nilang resort?
Lumakad ako at pumunta malapit sa may lake.. pero wala din sya doon.
Bumuntong hininga ako sa pagka-dismaya at aalis na sana ng bigla kong mapansin ang isang bracelet sa pagitan ng dalawang malaking puno.. ito yung bracelet na binigay nila Ms Maya saamin; yung may tracking device sa loob!
Mabilis kong pinulot iyon at napa-angat ang ulo ko habang iniiscan ang buong paligid. "Siguro kay Nephra 'to!" Sigaw ng isip ko.
Hindi ako pwedeng tumigil sa paghahanap.. baka napahamak na sya!
Kaya yun ang ginawa ko, naghanap at naghanap parin.. kung hindi ko na talaga sya mahanap, dun na ako hihingi ng tulong kina Ms Maya.
...
Nandito yung bracelet ibig sabihin nandito lang sya banda.. malapit lang sya!
Isang makipot na daan ang nakita ko sa gitna ng mga punong nakahilera. Siguro dito sya dumaan, agad akong pumasok doon at tinahak ang damuhan kahit na hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko. Malakas kasi talaga ang kutob ko na dito nagpunta si Nephra.
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Romansa**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...