26.

106 7 1
                                        

Nananatiling pala isipan sa kanya ang tila panaginip na iyon.
Lalo na ang mgs ikinikilos ni Rigor.May mga pagkakataong parang may inililihim ito at  may mga pagakakataon namang parang hindi ito nagbago.Kung ano man iyon ang dapat lamang na gawin niya ay kalimutan na ito lalo ngayon na nariyan na ang kasintahan.Si Cort na napakabait.Wala siyang makitang hindi maganda sa ugali ng kasintahan,marapat lamang na igalang niya ito at ni sa isip ay huwag siyang gumawa ng pagtataksil.

Ngunit paano?Kagaya ngayon na kahit malayo'y sinusundan siya ng tingin ni Rigor.At hindi nito iyon balak itago.
Paano'y naroon ang lalaki upang maging pamilyar sa pagawaan ng dalawang produkto.Ang tsaa at kape.

Nag ipon siya ng lakas ng loob at lumapit rito.

"Mister,maaari bang mag usap tayo sandali?"

"Kahit pa matagal."
Pagkikibit nito ng balikat.


Nagpupuyos ang kalooban niyang nagpati una rito at sumunod naman sa kanya ang lalaki.

"Ano ba  talaga ang gusto mong mangyari?Naguguluhan na ako!"

"Saan?"
Pagmama-ang maangan nito.

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko."

Natigilan ito sandali.

"Masama bang tingnan ka?"
Pagkatapos ay sinabi nito.


"Masama,kung ganyang uri ng tingin ang gagamitin mo."


"Anong tingin?"


Napabuga siya ng hangin dahil sa mga wala sa tonong tanong nito.

"May asawa kana,may kasintahan na ako.Ang ganyang mga tingin ay nagpapahatid ng,,,"


"Nang ano?"


"Rigor ano ba?Maglolokohan na lang ba tayo rito?"

"Tinatanong mo ako,sinasagot kita.Tapos kapag sinagot kita,nagagalit ka.Ano ba ang gusto mo?"

"Ang gusto ko'y huwag mo akong tinitingnan ng ganyan.Hindi maganda.At kung ano man ang gusto mong mangyari'y sabihin mo ng hindi ako laging nanghuhula."

Tumitig lang ito sa kanya at...

"Malisyosa kalang."

Sabay alis nito.


Napapadyak siya sa ginawa ng lalaki.Pakiramdam niya'y natalo siya nito.


Inis na inis siya.




...


Habang nakikipag usap si Rigor sa mga kliyente nila'y sinabihan na niya ang isa sa mga tao nito na ito na muna ang humarap kahit huwag na muna siya upang masanay din ang lalaki.

Nakatanaw lang siya sa mga ito sa malayo.Kung iba ang titingin at hindi ito kilala malamang na hindi maniniwalang dati lang itong mangingisda.
Paano pa'y malaki na ang ipinagbago nito."Ano na ang nangyari sa dating Rigor?"


Muntik na siyang masamid sa iniinom na tsaa ng mahuli nitong nakatingin siya rito.Bigla siyang nagbawi ng tingin.Lalo pa't nakita niya ang ngisi nito ng mahuli siya.

"Hangang ngayon pala'y nangangarap kapa rin ng gising ano?''

Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng babaeng kararating lang at siguro'y nakita nito ang nangyari.

''Sinong higit na ilusyunada sa ating dalawa?Gayong hindi ka pa pala niya asawa?''

Nakita niya ang pag aapoy ng mga mata nito ng dahil sa sinabi niya.

''Lintek na Cort iyon ah?Siya ang nagsabi sa iyo?''

Under My SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon