Chapter 1: Accident

11 0 0
                                    

Cyd Pov

"Cyd pupunta ako ng Thailand ayaw mo ba talagang sumama?" 

Napatingin ako kay Karl nang sabihin nya yun matagal na kaming magkaibigan since 6 yrs old pa ako.

"Thailand? An-anong gagawin mo dun?"

"Basta, I have to do this. I want to make myself happy"

"Sino na naman yan? Alam mo kesa sinasayang mo lang yang pera mo kakasunod sa babae why don't you spend your money sa mga importanteng bagay?" Sabi ko sabay bukas ng pinto at labas sa apartment nya.

"Hay nako Cyd, you have no idea" Sabi nya sabay lock ng pinto.

"Oh San naman tayo pupunta ngayon?" I ask boredly.

"May Nakita kase akong bagong bukas na restau try natin libre Kita" Sabi nya tas naunang maglakad.

Akmang pupunta ako sa sasakyan ko ng bigla syang magsalita.

"Oh San ka pupunta?"

"sasakyan?"kunot noo kong sagot habang pinakita sakanya ang Susi na nasa hintuturo ko.

"Let's save gas, walking distance lang naman yun." Sabi nya tas naunang maglakad. Since pupunta naman sya sa Thailand pagbibigyan ko na.

Sinundan ko na sya tas Hindi ko na Alam kung itong walking distance ba na sinasabi nya at talagang malapit lang. Kanina pa kami palakad lakad mga halos kalahating oras wala padin along nakikitang bagong bukas na restaurant. Nagsisimula nadin tumulo Yung my pawis ko.

"Oh ano san na yung bagong bukas? Parang mas matanda pa sayo tong mga building e." Reklamo ko

"Teka, Teka." Sabay palingon lingon sa paligid

Tumingin ako sa paligid, sabay tingin sa relo ko. Almost 6 na wala pa akong lunch tapos ganto pa? Kung nakinig lang sana to e.

"Oh ano na? San na ba?" Reklamo ko pa.

"Wala pa akong lunch tapos ganto pa? Kung nakinig lang sana e, kung gumamit tayo ng sasakyan edi mas madali pa diba? Haist. Ayaw kaseng making e, wala pa akong Kain oh" dagdag ko pa.

"Kakatulog mo yan"

"Ay Teka bat parang ako may kasalanan? Pa walking distance kapa dyan! Sabi ko saying mag sasakyan nalang tayo"

"Ay sa isang apartment ko pala yun." Sabay tingin sa mga mata ko.

Napa irap nalang ako at tinignan ulit sya nang mukhang 'sabi ko sayo look'

Tinignan ko ang buong paligid tapos may napansin akong dalawang lalaking parang hinaharas Yung isang babae Kaya tumakbo kaagad ako sa direksyon nila at tinulak Yung dalawang lalaki nang abot sa makakaya ko.

"Tumigil kayo kung ayaw nyong tumawag ako ng pulis!!" Sigaw ko

"Pre dalawa na oh hahahahhaa" Sabi nang lalaking naka itim na may tattoo sa leeg.

"Isa Isa tayo pre"sagot Naman ng lalaking naka sando. He's about to lay a finger on me nang biglang hinawakan ni Karl ang kamay nya sabay suntok.

Napatingin ako sa babae at kahawig nya ang ate ko Kaya napatigil ako ng ilang sigundo at tinitigan ang mukha nya. Yung mga mata nya, Yung kilay nya pareho sa ate ko "YUUUKOOO!!" Napatigil ako sa sigaw nya Kaya yumuko ako at hinampas nya ng bag ang lalaking naka sando nagkakagulo na habang nagsusuntukan si Karl at Yung lalaking naka itim tinulungan ko  yung babae sa lalaking naka sando. Hinawakan ko ng mahigpit ang buhok nung lalake habang pinag sasampal nung babae.

Biglang nyang sinuntok yung babae sa tyan sabay kuha nang bag tapos tumingin sya saken at sinuntok ako sa mukha napaatras ako at napahawak sa mukha ko 'tangina ansaket!' Papatakbo na sya sa kabilang kalsada Kaya hinabol ko sya, 'humanda ka talaga tangina ka'

SerendipityWhere stories live. Discover now